Chapter 34

80.9K 5.7K 7.6K
                                    

HINDI BA BIRO LANG ITO? Anong ginagawa ni Hugo rito?!


Isang matamis na ngiti ang ibinigay ni Hugo sa akin. "Long time no see, Herrera. Seven days?"


It was only been seven days since our paths crossed. I thought it would be the last time, that we would never see each other again. Pero nandito nga siya ngayon sa harapan ko. Nandito sa bahay namin.


"Hyde!" sigaw ko habang malakas na kumakalabog ang dibdib ko. "G-get inside the house, baby..."


Balewala ang malamig na hangin sa lugar dahil nagsisimulang mamuo ang pawis sa aking noo.


"I'll go now, sir!" paalam ni Hyde bago ito manakbo pabalik sa kusina.


Nang mawala na si Hyde ay pumormal ang makinis at pangahang mukha ni Hugo. Naging seryoso. Bagaman wala namang emosyon na mababasa sa kulay itim na mga mata, magkasalubong ang makakapal na kilay niya.


Bumukas ang kanyang mga labi at kasunod niyon ang maaligasgas at buong boses niya, "Mukhang kailangan mo munang uminom ng isang basong tubig, Herrera."


Gusto ko pang itanong kung ano ang pinag-usapan nila ni Hyde pero wala akong mabuong salita nang kami na lang na dalawa. Nakatingala na lang ako sa kanya at nakatulala, nakaawang ang bibig. Sobrang bilis ang kabog ng dibdib.


My phone suddenly rang. Ang ring tone ay ang kaka-saved ko lang na kanta ng The Moffats na 'If Life Is So Short'. Nakita ko ang pagtaas ng gilid ng mga labi ni Hugo.


Tumalikod ako at nagmamadaling humakbang pabalik sa kusina. Tumigil na ang pag-ri-ring ng phone na alam kong si Harry ang tumatawag. Naka-saved ang ringtone na iyon para kay Harry. 


Pagpasok ko sa pintuan ay naroon si Kuya Jordan na umiinom ng tubig sa baso. Tumingin ito sa akin. "May kotse sa labas ng gate. May bisita ka raw, Jill?"


Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong ng kapatid ko.


"Your friend? Dessy?"


"Tito Jordan, it's not Ninang Dess!" Si Hyde ang sumagot. Pumapapak ang bata ngayon ng shanghai sa gilid ng island table. "He's not Mommy's friend either!"


Kuya Jordan's forehead furrowed although the smile on his lips did not disappear. "Oh? A 'he'? It's a guy?"


Ang mga paa ko na paatras ay napatigil nang may maramdaman akong mainit at matigas na bagay sa aking likuran. Hindi ko na kailangang lumingon. Narinig ko ang boses na dahilan kaya nanindig ang aking mga balahibo sa katawan.


"Herrera, It's been a long time."


Nagulat si Kuya Jordan nang mapatingin sa lalaking nasa likod ko. Maging si Carlyn na kararating lang sa kusina ay kamuntikang mabitiwan ang kargang anak. Mapapamura pa sana kung hindi lang maagap na natakpan ni Kuya Jordan ang bibig nito.

South Boys #4: TroublemakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon