Nabulabog ang sambayanang Silangan nang 'di umano'y ang sinasakyan ni Dayang Dayang Mayari ay nasangkot sa isang aksidenteng naglagay sa kanya sa peligro. Tumilapon ang sinasakyan nila sa gilid ng daan matapos ang isang pinagsususpetyahang pagsabotahe rito, at nalaglag sa isang bangin.
Itinakbo sa pinakamalapit na ospital ang Dayang Dayang makatapos ang isang madugong rescue operation. May tatlong pinagkakaalamang nasawi—kasama na rito ang isang apid na halos dalawang dekada nang nag-aalaga sa Dayang Dayang. Makalawang araw pagkatapos nito ay inilipat muli ang kamahalan sa Royal Medical Center of Manila.
Noong isang araw lamang ay nagsagawa ng media conference ang palasyo tungkol sa kondisyon ng Dayang Dayang at ang plano ng bagong Raja Agares.
"Tuloy ang kasal," giit niya. "Wala na sa peligro ang buhay ng Dayang Dayang, kaya't wala kaming nakikitang rason para itigil ito. Hindi nagbabago ang kasunduan, ngunit sisiguraduhin kong mananagot ang gumawa nito bago mag-isang dibdib ang dalawang partido."
Napakunot ang noo ko. "Dalawang partido," aniya...almost like he wasn't included?
I sighed deeply. As I thought, this didn't look like it was going to be easy. Political marriage, ika-nga. For someone like me na tanga at naniniwala sa true love, hindi ko ata masisikmurang pumasok sa isang klase ng relationship katulad nito.
May mga comments sa ilalim ng article na galing Twitter.
______
Ginoong Lumpay ✔ @ginoonglumpay • 3d
Translated from Cebuano to Silangan
"Masyadong sensitibo ang pag-iisang muli ng Silang. Halos pitumpung (70) taon na rin ang nakalipas nang huling magkasundo ang buong bansa sa ilalim ng pamumuno ng isang tao. Kakailanganin natin ito kung haharap tayo sa mga pangdaigdigang suliranin. (1)"
|
"Sa ngayon, ang karamihan ng mga lungsod na pinakamaasensong lugar sa Silang ay nasa Luzon, at ito rin ang may pinakamatatag na relasyon sa iba't-ibang bansa tulad ng America at Japan. Hindi man nagpapahuli ang Visayas at Mindanao, hindi maitatangging higit na mapapadali ang solusyon kung kaakibat natin ang Luzon. (2)"
|
"Hinding-hindi palalampasin ni Raja Agares at ng Konseho ang oportunidad na ito, lalo na't hindi aasenso ang Silang kung walang mapagkasunduang direksyon ang bansa sa kabuuhan nito. (3)"
______
Bakit ba ganito ang sitwasyon ng Pilipinas—ng Silang? Bakit watak-watak? May competition ba sa pagitan ng Luzon, Visayas, at Mindanao? Was the situation like this just because wala ang mga Espanyol o banyaga upang "pag-isahin" ang lahat?
I wanted to ask and clarify. Gusto kong maliwanagan sa sitwasyon. Hindi buo ang mga alaala ni Mayari, so my knowledge as consequence was limited as well. Gusto ko mang tanungin sina Yumi, baka magduda sila.
So far, ito pa lang ang naiintindihan ko; una, may problema sa pagkakaisa ng bansa. Judging from previous conversations and some information I got from the net, siguro iba-iba ang namumuno sa iba't-ibang pulo. Si Amang Hari ko ang hari ng Luzon, kaya't malamang may iba ring hari o dayang sa Visayas at Mindanao. Sa sinabi ni Yumi, mukhang si Agares ang naging hari ng mga ito.
Pangalawa, gustong mag-isang "muli" ang buong bansa. Granted, maybe at some point in time, nagkaisa ang lahat. But, clearly something happened...maybe in the last century or so na naging dahilan sa paghihiwalay ng mga ito.
Pangatlo, si Mayari, ako, ang solusyon. Apparently, hindi papayag ang mga taga-Luzon sa pagiging Raja ni Agares dahil wala siyang dugong-norte. He needed me, or more specifically, kailangan niya ang dugo ko't pangalan, upang mangyari iyon.
Minabuti kong pumunta sa Twitter upang mabasa ang mga sinasabi ng mga netizens, because it looked like marami silang opinyon at masasabi tungkol dito.
______
Ang Susunod na Rana @SusunodnaRana • 1d
"Kung hindi na magigising si Dayang Dayang, ako na lang po ang pakasalan niyo, kamahalan. 👑😍😘"
______
Natawa ako, pero dahil medyo masakit ang tagiliran ko dahil sa sugat, pinigilan ko muna. Really, there were some things in the world—or worlds— that would never change.
I continued scrolling under the trending topic "Dayang Dayang." Halos mag-sasampung libo ang mga tweets sa ilalim nito, kasama na ang mga pangalang Mayari at Raja Agares.
______
Swerte Ako Ngayon @SwerteAko • 18h
"Binukot si Dayang Dayang, 'di ba? Ni minsan hindi pa nakita ang mukha niya sa media. 'Di kaya pangit?"
______
Binukot. Bilang Andreya, I wasn't familiar with this term. Pero biglang bumungad sa utak ko ang ibig-sabihin, siguro dala na rin ng mga alaala at kaalaman ni Mayari.
Malimit na ang binukot ay mga babaeng anak ng mga hari, datu, o raja. Mataas ang tingin sa mga binukot dahil sila ang prime example ng prestige and class sa mga ginoo—mga binansagang noble class o royalty.
According to tradition, itatago nang mahigpit ang isang binukot. Walang iba kung hindi mga lingkod na babae nito—mga apid—at ang pamilya niya ang makakakita't makikipag-usap sa kanya.
Other than that, magiging strict and specific ang pagpapalaki sa kanya. Lahat ay ituturo—from the history of her culture and country to discourses on philosophy and the sciences. Magiging bihasa siya sa maraming lengguwahe, sa pagkanta't pagsayaw—basically a little bit of everything. By the end of it, she was expected to become the very definition of elite and class.
Lalabas lamang siya, kung baga sa isang grand reveal na tinatawag, kapag dumating na siya sa tamang edad upang maligawan at masuyo. At kapag naipakasal na ang binukot, magiging nabukot ang tawag sa kanya—a title that would make her status far heavier than any ordinary dayang or reyna. Kung sakali, magiging Dayang Nabukot ang opisyal niyang pamagat.
Mukhang nag-viral ang post ni SwerteAko. Halos mag dadalawang libo ang likes at mag-iisang libo naman ang mga retweets. Halos ilang daan ding reply ang nakapailalim dito.
Binuksan ko ang tweet at binasa ang mga nangungunang komento sa ilalim nito. Marami ang galit sa sinabi niya, meron din ang may bahid ng inggit na sumang-ayon.
Thank you for the comments last time!
Some suggestions na I will take and update the story in later:
• Different, more native names for the places (Luzon, for example). I previously decided to retain it, but realized, yes, that's lazy worldbuilding and probs won't do the story justice.
• More formal kind of "makalumang" Tagalog speech? Still on the fence on this one, but I'll try a rewrite and see if it fits the tone better!
• Small grammar corrections (thank you for pointing them out!)
• Can't remember the rest na. But please keep them coming!
BINABASA MO ANG
Parallel Hearts
Romance[TAGLISH] Andreya has become Mayari, the next Rana of Silang, an alternate Philippines where colonization did not happen and royalty still exists. Her to-be-husband, Raja Agares, is all charming and every bit the image of a perfect man. But their pi...