Chapter: 14

206 5 1
                                    

"Goodbyes, they often come in waves."

With a shortage of breath, sweats in my forehead and shaking of my hands, I stare at the mirror with a terror yet scared look.

This is it. It's scarier as it comes closer.

Ganito pala, ganito pala ang pakiramdam ng hinahabol ng kamatayan, yung pakiramdam na kahit anong bilis mo, kahit saan ka pa lumiko, di mo ito matatakasan, dahil minsan di natin namamalayan nasa unahan na pala natin.

"Love?" narinig ko ang pagkatok ni Hans sa pinto ng banyo. Agad akong tumayo ng maayos.

"Oo, maghihilamos na lang ako." sagot ko at binuksan na ang faucet para maghilamos. I made clear that I look okay, that nothing happened.

Ngayon ang lipad namin papuntang Hawaii, hindi iyon ang nasa plano, we are supposed to go to Paris but I said that we'll go straight to Hawaii after this trip, kasi nararamdaman ko na, alam kong malapit na.

Paglabas ko ng banyo ay nakahanda na lahat ng gamit namin. Naka upo si Hans sa kama at nakatingin sa cellphone niya.

Nagangat ito ng tingin nang mapansin akong nakalabas na. Tumayo ito at lumapit agad sa akin.

"Everything okay?" tanong nito.

Tumango naman ako at ngumiti. Tumagal pa ang tingin niya sa akin bago ngumiti. He got his phone and showed me a conversation. Convo nila ni Nikkolai.

"He wants us to be there during their wedding."

Hindi ko alam pero may kumirot sa puso ko, maybe because there's a possibility that I am not able to attend the wedding or to experience a wedding.

But despite, I am happy for them, especially for Doktora Li, dumaan din sila sa maraming pagsubok, they once, also Battled between life and death, and Nikkolai's fortunate because he survived. They deserve this, they deserve to be happy.

"Of course, we'll attend." sagot ko nang nakangiti.

Ngumiti din si Hans at niyakap ako ng mahigpit.

————

Pagkasakay namin ng eroplano ay nakaramdam nanaman ako ng panghihina pero di ko na 'yon pinahalata. Matiwasay na nakatulog si Hans sa tabi ko habang hawak hawak ang kamay ko.

Pinipilit ko namang wag umiyak, I don't want to be emotional.

Nanalangin nalang ako na kung kukunin man ako ni Lord ay sana bigyan niya pa ako ng pagkakataon na makasama si Hans, kahit isang araw man lang.

____________

Tanghali na nang mag landing ang eroplano sa Hawaii. Dumiretso agad kami sa hotel na na-booked namin online. Hindi pa kami nakakapag ayos ng gamit ay hinila ko na si Hans sa dagat. Gustong gusto na itong makita.

Umorder narin kami ng pagkain na kakainin namin doon.

It was the Hawaii Islands, the biggest and youngest island in the Hawaiian archipelago. The sunset here is very breathtaking kaya gusto kong pumunta sa lugar na'to.

Umupo kami sa dalampasigan habang kumakain, nag kwentuhan din kami, ang dami naming napag usapan, random topics, high school days, college days, his med school days and my days as a psychologist. Only the sound of the wave and our laughter can be heard. It's like we own the whole place.

"If we are given the chance to change something in our life, what would you change?" I ask Hans randomly.

Natagalan pa siya bago makasagot.

"You, I will change you." sagot niya.

Lumingon ako sa kanya, I saw him directly looking at the end of the sea. His hair being blown by the wind. The settling sun's reflected in his eyes

"I want a you, I want a Grace but without this, without this illness, I want a healthy you, a Grace who doesn't need to fight death, a Grace who has a great childhood, a Grace without a painful past, and a painful future."

I feel myself tearing up.

"You've been a lot, a lot of ups and downs. Ang dami mo nang pinagdaanan, saksi ako, saksi ang mga buwan at mga bituin, saksi sila kung paano mo ito nilagpasan, saksi sila kung gaano ka katapang. You are the bravest warrior I've ever known, your are toughest and strongest woman for me." he continued.

"And if parallel universe is real, I hope you are happy there, I hope you are the Grace I hoped to be you. Sana kasalungat ng paghihirap mo sa mundo na ito ang Grace na naroon."

I can't help but to let my tears fall.

Tumingin ito sa akin. Umiiyak narin pala siya.

He holds my hand. Squeeze it tightly.

"I know, alam kong pagod ka na. At kung balak mo ng mag pahinga ay di na kita pipigilan pa. Alam kong masakit na, ayos lang sumuko kapag di mo na kaya. Masakit, pero pipilitin kong magparaya. Mahirap nga naman kung mismong ang Diyos na ang kaagaw mo."

"Hindi ka selfish, sa ating dalawa, tingin ko ako iyon. At ngayon handa na akong tanggapin ang lahat."

"Grace, mahal na mahal kita. At sabi nga nila, ang pagmamahal ay pagpapalaya."

Pinunasan ko ang mga luha ko. Tumayo ako.

"Hintayin mo ako, babalik ako."

Dali dali akong bumalik sa room namin at dinampot ang gitara ni Hans. I went back and saw him sobbing.

Umupo ako sa tabi niya.

"I want to sing you a song, kinakantahan mo ako lagi eh, ngayon ikaw naman kakantahan ko." Nakangiti kong sabi, I should act strong just for this, kahit durog na durog na ako. It's hard hearing him say all of that, ang sakit. Sobra.

Nag simula na akong mag strum sa gitara. Nakatingin lang ako sa kanyang  mga mata.

"You hear me out in the backyard
Trying to find my way back in your arms."

"Find me up on a hill
'Cause I loved you then and I love you still "

" Darling, I'm always there
I know it's been hard for my baby this year
When your heart breaks, mines breaking too
'Cause I loved you then and I love you still"

"I'm right behind you in all that you do
And I spoke with God, He'll take care of you
So find me, stone on a hill
'Cause I loved you then and I love you still"

"When your heart breaks, mines breaking too
'Cause I loved you then and I love you still"

At kasabay ng paglubog ng araw ang pagpikit ng mga mata....

—🖤

It's okay, We are all broken (Medical Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon