"JILLIAN, OKAY KA LANG?"
Napalingon ako kay Kuya Jordan. "Y-yes, kuya..."
Mabuti na lang at dim ang ilaw sa dining namin, kaya hindi mahahalata kung sakaling namumula man ngayon ang aking mukha.
Pagkaupo ko ay sinandukan naman ako ni Mommy ng kanin. Nang magsimula kaming kumain ay halos hindi ko malasahan ang pagkain.
Nagtataka na sila sa akin kaya naman nagdahilan na lang ako na inaantok na. Sila na lang ni Kuya Jordan ang magliligpit ng pinagkainan para makapahgpahinga na ako.
Bumalik na ako sa aking kuwarto habang nagpapawis ang aking noo. Inilabas ko ang aking phone at nanginginig ang mga daliri na nag-type ng message.
To Hugo: That message wasn't for you. I just sent it by mistake.
Lumipas ang limang minuto bago ako makatanggap ng reply sa kanya.
Hugo Emmanuel: LOL
Nagtagis ang mga ngipin ko pero hinayaan ko na lang dahil hindi naman na siya nag-reply pa. I just prayed that he would forget about it.
...
KINABUKASAN ay hindi na naman namin kasabay na papasok sa school si Kuya Jordan. Nagpa-late na naman siya at magko-commute na naman.
Minsan naiisip ko kung ano nga ba ang pakiramdam nang hindi palaging kasama ang mga magulang?
Habang nasa backseat ng sedan namin ay naglakas-loob ako na magtanong kina Mommy at Daddy. "Pwede rin po ba akong 'wag sumabay mamayang uwian?"
Sabay pa halos na napasulyap sa akin mula sa rearview mirror sina Mommy at Daddy. Nagulat siguro sila sa sinabi ko.
"Gusto ko rin po sanang mag-library."
Ngumiti si Mommy sa rearview mirror. "Then we will wait for you."
"Your mom's right, baby. We will just wait for you. Sabay pa rin tayong uuwi."
Nakagat ko ang ibabang labi bago nagsalita. "M-matatagalan ako..."
I just wanted to experience not going home with them. I just wanted to experience commuting alone.
"Is it important, baby?" tanong ni Daddy. "Pwede namang pagsundo ko sa mommy mo ay babalikan na lang kita sa school. Just send me a message kapag tapos ka na sa library."
"Puwede naman po akong mag-commute..."
Muli silang nagkatinginan.
Napabuntong-hininga si Mommy bago nagsalita. "Jill, hindi sa wala kaming tiwala sa 'yo ng daddy mo. It's just that we can't help but to worry. Hindi ka naman sanay na mag-isa."
BINABASA MO ANG
South Boys #4: Troublemaker
RomanceHe is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are completely opposite... yet unexpectedly ended up in some kind of weird "secret" relationship. South Boys...