Wise' POV
(Fast forward ulit ^o^)
Ilang araw naba ang lumipas? Isang buwan mahigit na ata mula nung nag mall kami. Hindi na ulit nagpatawag si coach. Wala ring call or text mula kay Vee. Gumawa nalang ng GC si coach para doon nalang magbigay ng infos. Naglalaro naman kami, RG. Kaya lang kaming apat lang lagi. Hindi pa kasi namin kilala kung sino yung isa pa naming ka-team.
Ganito lagi ang set up namin. Mag a-RG, practise kahit di kami magkasama physically.
Sasabihin ko na kila mama na titigil na ako sa pag aaral pero tatapusin ko muna tong last semester para kahit papaano ay matapos ko yung second year. Siguro sasabihin ko na kapagka natapos na ang sem at malapit na kaming lumipat sa bahay ni coach na magiging boot camp namin.
Ang sabi kasi ni coach diba, locked in practice kami. Full time player na'ko kaya dapat naka focus yung atensyon ko sa laro.
Isang buwan nalang naman na yung natitira sa school year kaya ngayon ay magiging mabuting estudyante muna ako haha.
At kung tinatanong ninyo kung kamusta na kami ni Marie? Oks lang naman, kami pa rin. Kaso sa school nalang kami nagkikita talaga. Kung tatawag ako sa gabi laging busy yung linya nya. Minsan di ko makontak. Minsan naman di sinasagot, kaya tinatanong ko kinabukasan ang sagot ay nakatulog na raw. Bakit feeling ko may nag iba sa relasyon namin. Hindi na nga rin sya nagagalit sa pag e-ml ko eh.
Ewan. Why do I have this feeling na may masamang mangyayari.
"Hi. Pwede tayong magkita? Sa park lang sana. May sasabihin ako." Tinawagan ko si Marie. Sasabihin ko na sakanya yung tungkol sa pagiging pro player ko na. "Importante ba yang sasabihin mo DJ? May lakad kasi kami nagyon ni mom." First name basis? Seriously?
"Ayy sige, ok lang. Sa susunod nalang baby. Mas importante yang lakad nyo ng mom mo kesa sa sasabihin ko. Ingat." ok lang ba talaga Wise?
"Hmm thank you. I'll make it up to you next time. I'll hang up na. Bye." Halata sa boses na nagmamadali. Pero bago pa nya mapatay yung tawag ay may narinig pa akong boses ng lalaki.
I doubt kung papa nya yun. Kilala ko ang boses ng papa nya. Iba-iba na ang mga nasa isip ko. Masamang magduda Wise. Di ka naman lolokohin ni Marie. Tiwala lang.
Andito ako ngayon sa park, wala lang. Gusto ko lang mag isip. (Wow hahaha sa park mo pa talaga naisipang mag isip Wise ha.) Eh bakit ba, walang basagan ng trip. But kidding aside, nasa jeep na talaga ako nun papuntang park nung tinawagan ko si Marie. Akala ko kasi papayag at pupunta sya eh, akala ko lang pala. Ouch!
Nag expect kasi ako ayan tuloy medyo nadisappoint ako.
Kumakain ako ng ice cream habang naka upo sa bench. Parang ang kawawa ko naman tingnan dito. Tsk! Nagbibilang ako ng mga couples na dumadaan sa harapan ko. Nang-iinggit? Joke haha. Bitter yern? Pero di nga, may nahagip ang mga mata ko.
Si Marie? Kinusot-kusot ko pa yung mga mata ko baka kasi namamalik-mata lang ako pero hindi. Si Marie nga. Akala ko ba may lakad sila ng mommy nya?
Pupuntahan ko na sana kaso napahinto ako. Napa atras. May lumapit kasing lalaki sakanya. Napakunot noo ako. Akala ko mommy? Bakit parang daddy? Ang batang daddy naman.
Dinial ko yung number nya. Nagtago ako sa mga halaman. Nagri-ring naman. Nakita kong tiningan nya yung phone nya kaso di nya sinagot. Dinial ko pa ulit pero naka off na.
What's happenning Marie? Are you cheating on me?
Buti naka uwi pa ako ng maayos pagkatapos nung makita ko sa park. Ang daming tanong sa isip ko.
YOU ARE READING
Breaking Free (VeeWise)
FanfictionIt's Boys Love. A fanfic story about VeeWise. Di ko gagamitin real names nila pero gagamitin ko yung vee-wise. Yung ibang scenarios are based on my imagination. Yung ibang ideas ay nakuha ko sa mga nalalaman ko 'bout sa kanila. Ang picture pala na...