Warning! Maraming mura guys.
DJ's POV
Mabilis na lumipas ang mga araw. Mahigit isang linggo na nung magkita kami ni OhmyVeenus at bigyan ako ng kontrata.
Si Oheb naman araw-araw din akong tinatanong kung ano na raw ang update, kung nagtext or tumawag na ba. Mas excited pa'to saakin eh. Baka nga hindi totoo yun at pinaprank lang ako. Babangasan ko sya pag nakita ko sya sa school.
But I'm hopefully waiting.
Friday ngayon wala akong pasok.
Napagdesisyunan pala namin ni Oheb na susubok kami. Hindi muna namin sasabihin sa mga magulang. Baka kasi pag sinabi namin ay pipigilan nila kami. Saka na siguro kapag stable na kami sa team. Wow! Stable hahaha. Pero sa totoo lang, ayaw ko na talaga mag aral.
Tutulog nalang muna ako. Para mamayang gabi bakbakan nanaman sa RG. Alam nyo kasi yung gaya namin na addict sa ML ay ginagawang araw yung gabi, yung gabi ginagawa naming araw. Parang mga bampira. Gising sa gabi tulog sa araw. At oo aminado akong addict talaga ako sa ML, kung di pa obvious sa inyo haha. Ge tulog muna ako.
After how many hours...
*blackpink in your area. Blackpink in your area.*
Ay putcha naman! Ngayon pa talaga may tumawag ha. Naglalaro ako eh. Pero hwag nyo ng pansinin yung ring tone ko. Bakit ba? Ang ganda nga ng ring tone ko eh. Bias ko si Jennie. Proud fan boy here haha.
Ayaw talagang huminto sa pag tawag. Kainis! Malapit na kaming manalo oh. Estorbo naman kasi. Number lang din kasi, hindi naka register ang number. Tsk!
"Hello?! Pag eto hindi importante. Mamamatay ka!" Sinagot ko nalang, minimize is the key. Ini-loudspeak ko nalang. "Ahm, hello. Si Jezziel 'to." Pagpapakilala nya. "Sinong Jezziel? Wala akong kilalang Jezziel." Sino ba yun? Kasi naman. Gusto ko ng ibaba na nya yung tawag. Estorbo kasi. "Si OhmyVeen-" di pa natatapos sasabihin nya.
"Tanginang gago. Bobo. Loner mo kasi. Wala kana ngang ambag sa team fight. Minion pa nakapatay sayo. Dasurve!" Pagputol ko sa sinasabi nung nasa kabilang linya. Hindi para sakanya yung mura ha haha. "Ah naglalaro ka pala. Sorry, sige mamaya nalang. Tawagan mo nalang ako pag tapos kana sa laro. Tungkol pala sana doon sa kontrata." At pinatay na nga ang tawag. Buti naman at napansin nya, pero kontrata? Huh?... nagkibit-balikat nalang ako.
After 14 minutes ay natapos narin ang laro. And DEFEAT! Gago, kasalanan nung tumawag tsk. Nakailang laro pa ako pagkatapos nun pero losestreak pre. Ang malas.
Makatulog na nga lang. Nagdasal pa'ko. Lord, sana bukas may update na. Tumawag na sana si OhmyVeenus, pramis pipirma kami ni Oheb ng kontrata. Kontrata? K.o.n.t.r.a.t.a?!!!!
Shet! Napabangon ako ng wala sa oras. Asan na ba yung phone ko? Ah! Naka charge pala. Bobo naman. Dead bat na pala yung phone ko. Pag on ko nung phone, 5%? Seriously? Kanina ko pa 'to chinarge eh. Ba't parang slow charging naman nito, kala ko ba fast charging?! Kainis. Pwede na kaya 'to? Hindi ko nalang tatanggalin sa pagkaka charge. Di naman siguro to sasabog ano?...
Tinawagan ko yung number na tumawag kanina. Teka pala. Gising pa kaya sya? Naghintay kaya syang tumawag ako? 12:00 mn na pero sige na nga. Ita-try ko. Kung hindi sasagot kasi baka tulog na, bukas nalang ulit. Ang ulyanin mo kasi Wise. Kanina pa'ko nag aabang ng tawag nya eh bakit kasi timing na naglalaro ako. Amp!
Ilang rings nalang ba ang natitira at matatapos na ang tawag. Papatayin ko nalang sana kasi baka tulog na sya at naistorbo ko. Pero sinagot nya.
"H-hi. Nagising ba kita?" Di ba obvious Wise? Tinanong mo pa talaga ha. "Hi. Hindi naman. Hindi pa naman ako natutulog eh." Hindi raw. "Kasi a-ano, pasensya kana kanina ah. Naglalaro kasi ako tapos di naman kasi naka register yung number mo sa phone ko. Sorry talaga." Paghingi ko ng paumanhin. "Hindi, ok lang. I understand. Kasalanan ko rin naman, di ako nagpakilala kahit sa text man lang bago kita tinawagan. Naistorbo tuloy kita. Sorry." Hala! Anghel ba to? Ba't ang bait?. Ako nga yong walang modo eh. Hindi ko hiningi yung number nya kaya ayan ang nangyari. Bobo mo Wise.
"No, ako dapat yung mag sorry." Sabi ko. "No, ako." Sya. Ayaw patalo ah. Kulit... "so, mag so-sorry nalang tayo nito?" Sabi ko ulit. "Sorry" sabi nya naman. Natawa tuloy ako. "Hahahahah. Kyut mo." Natigilan ako sa sinabi ko. Natihimik naman sya sa kabilang linya kay tumikhim nalang ako. "Ahm, a-ano pala dapat yung sasabihin mo kanina?" Pag-iiba ko ng usapan. Kasi ayun naman talaga yung itinawag ko.
"O-oh that! Oo tama. Kasi si coach pinapatawag tayo sa linggo, 10:00 am. Sa bahay nalang daw nya tayo kakausapin." Wow! Nakaka excite naman na nakaka-kaba. "Talaga?! Sige. Anung address?" Di maitago ang kasabikan sa boses ko habang tinatanong sya. "Itetext ko sayo yung address baka kasi makalimutan mo." Hoy ano yun? Insulto? Tsk. "Sige mabuti pa nga. Hmm, yun lang ba ang itinawag mo?" Tangi! Bopols mo Wise. Bakit? Ano pa ba ang ibang rason? Psh. "O-oo yun lang." Narinig kong bumuntong hininga sya.
"Sige, ano kita kits nalang sa Linggo?..."
"Yeah, see you." Sabi naman nya pero di pa pinatay ang tawag. Tahimik lang kami. Nagpapakiramdaman, naghihintayan kung sino unang bababa ng tawag. "Ikaw na mauna. Ibaba mo na yung tawag." Sabi ko "Ayaw, ikaw mauna" kulit "ganito nalang, sabay nalang natin ibaba" Suggestion ko at sinang-ayunan nya naman. "Thank you and good night." Mabilis kong sabi at binaba ang tawag. Oo ako na ang nauna. Masaya na kayo? Pero ba't naman ako nagmadaling ibaba yung tawag? Tss.Matutulog akong may ngiti sa labi. Excited para bukas. Excited narin para ipaalam ang magandang balita kay Oheb.
Thank you Lord!
(Fast forward-Linggo)
"Paps! Dito ba talaga? Sure na?" Pigilan nyo'ko kanina pa to eh. Masasapak ko na 'to. Paano ba naman kasi parang di sya makapaniwala na sa pinakasikat na village kami pupunta. Kahit ako rin naman parang di makapaniwala. Ito yung address na tinext ni OhmyVeenus eh. Pinakita ko lang sa driver.
Oo nga pala, nagtaxi kami ayun yung sabi nya sa text. We don't have to worry naman daw kasi irerefund nung coach ang pamasahe namin. Oh ha! Asan kayo dyan. Mayaman yung coach namin.
Wala namang problema sa pagpasok namin ng village. Tinanong lang ang names namin tapos kung sino raw ba ang pupuntahan. May tinawagan yung guard pagkatapos ay pinapasok na yung taxi na sinasakyan namin. Naks!
Mga ilang minuto pa ay huminto na ang sasakyan hudyat na andito na kami. Nagbayad na kami ng pamasahe namin. Pwede kayang humingi ng resibo? Ibibigay ko sa coach for refund. Hehehe.
Wow! Anlaki naman ng bahay. Ang gara! Naka tanga lang kami ni Oheb ng ilang segundo kaya ng mahimasmasan ako ay kinalabit ko na sya bago mag isang oras ang pagka tanga namin.
"Pindutin mo na Oheb" siniko ko sya at tinuro yung door bell gamit yung nguso ko. "Paps naman eh. Ikaw na, inaya mo lang akong pumunta dito eh" napakamot sya sakanyang ulo na parang naiinis. Tamad! "Sige na, mas matanda ako sayo eh. Sumunod ka sa nakakatanda sayo" wala na syang nagawa kundi sundin yung sinabi ko haha. Ayan! Masunurin dapat.
Nakailang pindot pa si Oheb bago may nagbukas ng pintuan. Alam nyo yung parang naka slowmo yung pagbukas ng pintuan tapos iniluwa nun si OhmyVeenus.
"Hi, sorry natagalan. Halika pasok kayo" sabi nya at mas in-open pa ang pintuan para makapasok kami. Papasok na sana ako pero pinigilan ako ni Oheb. Anong problema naman nito? Hinila pa ako at saka binulungan
"Bakla paps? Bakla yung coach natin?" Hindi ko alam kung tatawa ako sa expression ni Oheb o maiinis dahil sa pagsabi nya ng bakla...
Humanda ka sa'kin mamaya.
YOU ARE READING
Breaking Free (VeeWise)
FanfictionIt's Boys Love. A fanfic story about VeeWise. Di ko gagamitin real names nila pero gagamitin ko yung vee-wise. Yung ibang scenarios are based on my imagination. Yung ibang ideas ay nakuha ko sa mga nalalaman ko 'bout sa kanila. Ang picture pala na...