KABANATA 27

220 7 15
                                    


HANGGANG KAILAN ba ang sakit na ito!? Hanggang kailan ba ako magtitiis sa bagay na ito? Gusto ko ng sumuko pero may parte sa'kin na ayaw pa!

Dahilan para mas lalong sumakit ang puso ko! Hindi ako makapaniwala sa nakita namin! Parang mahihirapan ang puso ko na makalimot dahil sa bagay na 'yun!

"Let's get out of here." Narinig kong sabi ni Jordan pero para akong nabingi dahil sa nakita. Natuod ako sa aking kinatatayuan at patuloy lang na umaagos ang mga luha.

Hanggang sa naramdaman ko ang paghigit sa'kin ni Jordan at pagtakbo naming paglabas sa mall. Isinakay niya ako sa kotse niya.

"Just stay here. I'll be back. Kukunin ko lang si Marhea!" ang sabi niya ngunit wala siyang nakuhang sagot sa'kin. Napahawak ako sa dibdib ko nang magsimulang manikip ito.

Josiah is with another woman. Katulad ng nakita ko noon sa restaurant kung saan nagkita kami ng mama niya. Same girl, same vibes and for the first time.. I saw Elijah smiled genuinely na ni minsan ay hindi ko nakita mula nang magkakilala kami.

Pinahid ko ang luhang nagsisimula na namang mamuo dahil sa pag-alala sa bagay na 'yun. I smiled bitterly!

Now, I understand why he's like that to me. Siguro ay galit siya sa'kin dahil naging hadlang ako sa pagmamahalan nilang dalawa ng babaeng 'yun but why is he doing this to me? Tapos naman na ang lahat diba?

Why do I need to witnessed how Josiah cherish that girl by just looking at his face kanina. I saw how sweet they are at kung gaano nila kamahal ang isa't isa.

I think they're almost perfect! Josiah, who's holding that girl's waist while that girl was picking stuff toys! How they laughed while I'm suffering, looking at them!

I laughed. I sarcastically laughed! Para akong baliw na umiiyak habang tumatawa sa loob ng kwarto kung saan ako pinatuloy ni Jordan. Why am I like this? Hindi dapat ako ganito dahil una't sa lahat ay ako naman ang asawa, sana..

But the fact that we're just married in paper tapos wala ng bisa.. iyon ang nakakawala ng pag-asa ko sa amin.

Siguro ay pag-iyak na lang talaga ang magagawa ko. I thought living with a man of God is good, glorious and propitious! But I didn't expect my life to be misery!

Nakatulog ako dahil sa kakaiyak at pagkagising ko ay halos hindi ko na makilala ang aking sarili. Pagtingin ko sa salamin ay sabog ang mukha ko. Namamaga ang nga mata dahil sa pag-iyak, at namumula ang ilong. Ang buhok ko ay para ring tinirhan ng ibon!

Siguro, isa rin ito sa dahilan kung bakit hindi niya ako magustuhan. Muling inalala ko ang babaeng kasama niya at kung ikukumpara sa akin ay walang-wala ako! Baka hanggang daliri lang ako ng babaeng 'yun! Kahit sinong lalaki ay magugustuhan siya dahil sa angkin niyang ganda!

Sa tingin ko ay mayaman din siya. Talong-talo talaga ako. Pero bakit ko ba kinukompara ang sarili ko sa kanya? Unique kaya ako! May kakayahan din ako at 'yun ang magtiis sa sakit na pinaparanas sa'kin ng asawa ko! Sa tingin ko kung maglalaban kami patungkol sa bagay na 'yun, for sure ako ang panalo!

I sighed. Walang mangyayaring maganda sa'kin kung patuloy ko lang na ikukumpara ang sarili ko sa babaeng 'yun. Dapat ay maging malakas at matatag ako! Yeah, woman are prescious like rubies.. they're like a vessel that's fragile na anytime ay maaaring mabasag. But, we can also be a fighter and a strong woman!

Makakaya ko ang lahat ng 'to! Magtitiwala ako sa Kanya!

Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa harap ng salamin at tiningan ang oras. It's 10 pm in the evening. Kaya naman pala nagugutom na naman ako. Palagi na lang, after kong umiyak ay gutom ang susunod. Pero, dyes-oras na nang gabi? Ano't may naririnig pa akong ingay sa ibaba!?

SALVADOR SERIES 1: JOSIAH ELIJAH SALVADOR (COMPLETED)Where stories live. Discover now