Chapter 28

10 1 0
                                    


Giovanni pov

Ngumiti ako dito ng maubos niya ang kinakain, kaya naman umiwas ito.

"Hindi ka dapat mahiya sa akin. Ganyan din ako non", natatawang biro ko, pero hindi ito ngumiti.
"Pupunta rin yon dito antayin mo lang baka hindi pa siya handang harapin ka", tumango ito, kaya naman niligpit ko ang pinagkainan niya at nagpaalam.

Sinulyapan ko pa siya at nginitian bago patayin ang ilaw at pwumwesto ito sa kama, saka lumabas ng kwarto, at dahan dahang sinarado yon.

"Ayy",napasigaw ako ng magulat dahil kay javi na nasa gilid at nakatingin sa tray na dala ako

"Did you talk to her?",

"Hmmm",

"Really? Anong sabi?",

"Ahm.. wala naman masyado nagkwento siya tungkol sa ate jewer niya tapos nagtanong kung pumunta raw ito dito... Kahit pala galit siya kay ate jewer niya hinahanap niya pa rin",tumango ito, at kasunod non ay ang pagdating ni Jonathan

"Kamusta si erlyn?",

"Hindi siya okay, naabutan ko siya kaninang grabe ang iyak",giit ko

"Nakausap mo siya?", tumango ako

"Hmmm. Hinahanap niya ang ate jewer niya",yumuko ito

"Ayaw pa rin kaseng lumabas sa kwarto eh, sa nangyare kahapon mukang malabong pumunta siya dito ibinilin ko muna nga kay manang",saad ni Jonathan

Maghahating gabi na at napag desisyonan na namin nila javi na umuwi, at nang makauwi ay agad na nakatulog si rey ng ilapag ko sa kama, tulog na ito sa byahe nagising lang nung makarating kami at ngayon tulog na naman ulit.

"Are you tired?", tanong ni javi ng makalabas ako sa kwarto ni rey

"Medyo",saad ko

"Take a rest",hinila nito ang pulsuhan ko patungo sa kwarto niya, kinabahan ako ng marinig ang pagsara ng pinto, at hinintay ang sasabihin nito, pero marahan niya akong pinaupo sa kama, ito naman ay nagpalit sa banyo, sumunod ako ng matapos siya.

Nakita kong nasa kama na ito at nag-aantay sa akin, bago ako sinenyasan na tumabi sa kanya, hindi ko alam pero kusang sumusunod sa kanya ang katawan ko at tumabi sa kanya.

Niyakap niya ako mula sa likod ng makahiga.

"Goodnight",bulong niya sa mismong tenga ko.

"G-goodnight",

Naramdaman ko ang ngiti nito at ang malalim na buntong hininga sa may leeg ko. Mas lalong humigpit ang yakap niya at nanatili akong nakikiramdam.

Maya maya ay naramdaman ko ang pag bigat ng kanyang braso sa aking bewang, sign na tulog na ito.

Agad kong ipinikit ang mga mata ng makaramdam ng pagbigat ng mga talukap, maya maya ay nakatulog na ako.

"Rey??? Tapos ka na ba?", tanong ko dito sa labas ng kanyang pinto

"Mama! Malapit na",sigaw nito, napangiti ako dahil sadyang lumalaki na nga ito sa pananatili namin dito sa bahay ni javi natututo itong mag asikaso sa sarili, pano parati niyang nakikita kung paano magbihis si javi dahil madalas itong kasama ni javi sa kwarto tuwing aalis kami papunta sa burol ni general luchavez. Kaya nagulat ako ng makitang gumagaya na ito sa paano magsuot si javi, bagamat hindi tama minsan pero mabilis niyang nakukuha ang tamang pag susuot.
"Tapos na po!!",bumukas ang pinto kaya pinagmasdan ko ito at ngumiti.

"Ayan! Teka ayusin natin ito...ayan!!",

"Mama! Kamuka ko na po ba si papa??", masayang tanong niya

"O–",

"Magiging mas kamuka kita kung isusuot mo ito",nilagay ni javi ang shades kay rey kaya tinapik ko ito
"Bakit?",

"Sa libing tayo pupunta, hindi sa kung saan", ngiwi ko kaya natawa ito

"Kahit na dapat pogi pa rin",ngiti niya, kaya tinaasan ko ito ng kilay. Ngayon ang libing ni general pero hanggang ngayon hindi pumunta yung jewer sa burol, o kahit man lang kahapon na huling burol na ay hindi.

"Get in",sumakay kami ni rey sa sasakyan, at sumunod naman si javi saka kami umalis papunta kung saan ililibing si general.

Nang makapunta ay nandon na rin sila solely at sunny kasama si Alexander at anesthesia, nandon na rin ang mga nakikipag libing, pero wala pa yung isang kaibigan nila na si jewer.

"Hindi ba talaga pupunta yung kaibigan mo?", tanong ko kay javi

"I don't know, pero sabi ni Jonathan gagawa siya ng paraan",tumango ako at tumingin sa pari na kararating lang, tumingin ako kay erlyn na nakatingin sa kabaong ni hindi ito pwedeng buksan dahil nga sa hindi na daw nakilala, tuloy ay nakaramdam ako ng awa dito ng magsimula itong humagulgol habang nagsisimula ang pari na basahin ang basbas para sa patay.

Nanatili akong nakatingin sa aking mga paa habang naririnig ang hagulgol ni erlyn at pag iyak ng ilan, parang naninikip ang dibdib ko sa nangyayare at nararamdaman na lungkot sa paligid, dahil ganito non nung mawala si hasly sa akin.

Nang matapos ang basbas ng pari ay iniutos nitong ibaba na ang kabaong pababa sa lupa para tabunan, ngunit nagimbal ang lahat sa ginawang pag pigil ni erlyn sa nagbaba ng kabaong, tuloy ay nilapitan ito ni shannel at ni shy para pigilan at ilayo sa kabaong na yakap yakap nito,nag init ang mata ko at pigil ang sariling hindi umiyak, kaya tumingin na lang ako sa gilid at tumama sa hindi kalayuan ang paningin ko, nasisiguro kong si Jonathan yon at kasama ang babae na halos mapaluhod habang hawak hawak ang dibdib, nakaalalay naman si Jonathan sa kanya.

"Are you alright?", tanong ni javi sa akin

"Yun y-yung kaibigan m-mo diba?",turo ko sa pwesto nila jonathan. Kaya tumingin siya ron at bumuntong hininga at tumango

"Hindi niya kayang lumapit dito dahil sa nagawa niya",giit niya

Nanatiling yakap yakap ni shannel si erlyn habang pigil rin sa emosyon, ay nakaaalalay si shy sa kanilang magkapatid. Tuluyang natabunan ang kabaong at nilalagyan na ito ng lapida sa ibabaw.

"Let's go, punta tayo sa mansyon nila general",akit ni javi at hinawakan ako sa kamay, si rey rin ay kumapit sa kanya. Tumingin ako sa gawi nila jonathan dahil nasa kabila ito, kahit na malayo alam kong kagaya ni erlyn nasasaktan ito.
"Giovanni",

"Ahh! O-oo",sumakay ako sa sasakyan at tumingin sa bintana saka umalis. Kaya umayos na ako ng upo.

Nakarating kami sa mansyon nila erlyn ay marami ng tao ron at nag sisidatingan, karamihan ay puro may position sa gobyerno at matatas ang position sa seribisyo, meron ding ilang artista at bigating tao, sa madaling salita lahat ng nandito mayayaman.

Nagsimula kaming kumain sa iisang table nila javi. Hanggang sa matapos ang oras may mga nagsialisan na at nagpaalam, nagbabati ako sa mga ito na salamat sa pag punta kagaya ng ginagawa nila shy.

"Jonathan, jewer", lumingon ako kay shy

"Shy... Si erlyn?",giit ni Jonathan, dumeretso sa babae ang paningin ko na ngayon ay nakayuko sa sarili paa.

Maputi ito at makinis, mahaba ang buhok at dahil naka tagilid ito sa akin ay nakita ko kung gaano katangos ang ilong. Hindi ko makita ang buong muka niya pero kagaya ni sunny nasisiguro kong maganda ito.

Pumasok sila sa loob.

"Mauuna na ako iha",saad ng matandang lalaki

"Ah! Sige po, salamat sa pag punta. Ingat po kayo", tumango ito at sumakay sa sasakyan nila. Kaya sumunod ako sa loob at natigilan sa nakita.

"How Dare you!!!?",sigaw ni shannel

"Don't block my way and you'll not get hurt", napalunok ako sa boses na sobrang lamig, tumingin ako dito at hindi nakapagsalita ng makita ang nanlilisik na mata ng kaibigan ni javi at sobrang talim, ramdam ko din ang galit nito at pakiramdam ko may nakabalot na itim na usok sa kanya sa sobrang kuyom ng mga kamay.

"Ano ba? Get off me!", pagpupumiglas ni shannel sa hawak ni shy, may binulong si shy kay shannel pero hindi ko marinig.

-vienriex ❤️

THDOL. DETECTIVE SERIES #3; Be With You AlwaysWhere stories live. Discover now