Chapter 8

15 1 0
                                    


Giovanni pov

Nang matapos ang shift, ay nagayos na ako para sa pag-uwi, napahinto ako ng makita sa labas si rey na kumakaway at may kain kain na ice cream. Habang nakahawak sa kamay ng lalaking ito.

"Uy! Sinusundo siya",tukso ni Melissa, kinunutan ko ito ng noo at hindi na pinansin, at naglakad papalapit sa kanila

"Ang tagal mo naman",reklamo niya

"Hindi ko sinabing hintayin mo ko, akin na si rey uu-",

"Ihahatid ko na kayo",

"Hindi n-",

"Hindi ka pwedeng mag matigas dahil sa nangyare kanina hindi mo na ako matataboy!",putol niya sa sasabihin ko, at kinuha si rey at sinakay sa sasakyan, natigilan ako dahil ibang sasakyan ito.

"Kaninong sasakyan ito? Hiniram mo?",natawa siya sa akin

"How should i say?? hmm. I owned this car",nilahad niya ang susi, at binuksan ang pinto bago sumenyas na sumakay ako.

Hindi na ako umimik at sumakay na lang, mas maganda ito kesa sa nauna, napatingin ako kay rey na nakatitig sa akin habang nagdidila ng ice cream.

"Magkano ang ice cream n—",

"279 pesos",una niya, nanlaki ang mata kong tiningnan siya kung nagbibiro

"Seryoso? Ganon ka mahal?",

"Yup. Galing sa bahay yan, pumunta kami ron muna bago ka daanan, at nagpalit na rin ako ng sasakyan, nagustuhan niya yung ice cream kaya binigay ko",

"Ice cream lang yan 279?",

"Yes, imported yan. That's from canada",ngumiwi ako at napatingin sa kamay niya na tinaas niya, hawak hawak nito ang isang balot ng ice cream
"Dinalhan din kita gusto mo?",

"Wag na!",tanggi ko, wala akong Pambayad

"Don't worry hindi kita sisingilin, libre ito",

"May sarili akong pera kaya kong bumili",

"Weh? Mama! Hindi ba Sabi mo kagabi wala tayong pera kase mamimili ka pa ng pagkain natin", biglang boses ni rey, kaya tinakpan ko ang bibig niya, narinig ko ang pang tawa nito habang nag dridrive

"O-oo! Bibili pa lang si mama, at ayokong bumili ng ganyang kamahal na ice cream! Mas gusto kong bilhin ang bigas mas importante yon kesa sa ice cream",depensa ko

"I told you it's free, no need to pay me",

"Ayoko!",

"Okay",kibit balikat niya. Nang makarating sa labas ng looban ay sinalubong agad kami ni kapitan.

"Bakit ho yon?",

"Pwede ka bang makausap sa barangay tungkol sa nangyare kanina? Baka lang may naalala ka at nakita mo kung sino ang mga armadong nagpaputok ng baril dito",hindi ako nakaimik,

"W-wala po eh, hinila niya p-po kase ako kanina kaya hindi ko nakita kung sino",

"Marami kasing nagsabi na ang sasakyan ng asawa mo ang pinaulanan ng bala nadamay lang ang iba, kaya naisip ko baka may kaaway kayo? O yung asawa mo?", napatingin ako dito na nakatayo at kausap si rey, naalala ko ang mga baril na nakita ko sa bahay niya. At ang nga armado na bantay sa bahay niya na sabi ay tauhan niya.

"H-hindi ko po alam, siya na lang po t-tanungin niyo s-sakanya naman po yung sasakyan",

"Is there a problem?",singit nito, at tumingin sa akin

"Tungkol sa kanina, lahat ng witness ay sinasabi na sasakyan mo daw ang pinaulanan ng bala, kaya naisip ko kung baka ikaw ang target ng mga armado na yon",

THDOL. DETECTIVE SERIES #3; Be With You AlwaysWhere stories live. Discover now