IRIS' POV:
"Ano oras alis nyo ni Aris with Irylle, Cal?" Nag-panting agad ang tenga ko sa sinabi ni Madz nang maka-rating kami nila Mommy dito sa hapag kaninan.
Anong lakad nila Cali at kasama pa yung Irylle na 'yon?!
"Ay! Gising na pala si Archi! Good morning, Archi!" Saad ni Madz.
"There's nothing good in this morning, Engineer." Seryosong sambit ko
"Luh? Init naman ng ulo mo! By the way, pupunta tayo sa house nila Louim mamaya para i-check yung tabingi nyang poste. Sayang 'di ako makaka-sama kila baby Awis!" Saad muli ni Madz.
Naupo na 'ko sa pwesto ko at hinalikan naman ako si Aris. Hindi kaya si Irylle ang Mommy nya?
Sasandukan sana 'ko ni Cali ng pagkain ngunit inagaw ko sa kanya ang plato ko at ang sandok.
Lier! Kaya pala ayaw nya sumagot kagabi no'ng tinatanong ko sya tungkol kay Aris. Ano namang masama kung si Irylle ang Mommy nya? As long as, nagsa-sabi sya ng totoo.
"You ok, 'nak? You're not feeling well ba?" Nag-aalalang tanong ni Mommy. Ngayon ko lang napansin na angtagal ko na palang naka-tulala.
Umiling lang ako at ngumiti kay Mommy. Damn you, Cali! Anglabo mo!
Habang kumakain ay biglang may tumunog na phone. Phone pala ni Cali na agad nyang sinagot sa harapan namin.
"Ish that Mommy, dada?!" Masayang sambit ni Aris.
Tila muling nabasag ang puso ko nang marinig ang pag-tawag nya ng 'mommy' sa iba. Kaya pala 'mimi' lang ang tawag nya sa'kin. May Mommy na pala talaga sya.
"Yeah.. say good morning to Mommy." Saad ni Cali at itinapat ang phone kay Aris.
I sighed. I excused myself and immediately stood up pretending that I'm already done eating. I can't take this kind of feelings. I hate this scene!
Agad akong naglakad palabas ng dining area. Tinatawag pa 'ko ni Aris ngunit hindi ko na ito nilingon. May Mommy naman pala sya. Naawa pa 'ko sa kanya na baka iniwan sya ng Mommy nya kaya sabi ko sa sarili ko, if given a chance, I can stand as Aris mother.
Umupo nalang muna 'ko sa sala at nag-phone. Pilit kong ina-alis sa isip ko ang tungkol kay Aris, Cali at Irylle ngunit hindi nakikisama ang sarili ko. Lalo na ang mga luha kong traydor na sunod-sunod tumulo.
"Tata?! Are you cwying?!" Gulat na sambit ni Andy kaya napalingon ako agad. Lumapit sya sa'kin at pinunasan ang mga luha ko. So sweet.. "Don't cwy, tata... I'm here. I love you po." Saad nya pa.
"S-sorry.." sambit ko lang at humalik sa pisngi nya. "Are you done eating? Hindi ka pa yata busog po?" Tanong ko.
"No, tata! I want cupcakes po!" Sambit nya.
Agad kong inayos ang sarili ko at kinarga ko sya para mag-tingin kami sa ref ng cupcakes. Habang nagti-tingin kami sa ref ay ramdam ko ang ilang mga mata na nakatuon sa'min.
"There's no cupcakes, baby eh... Is it ok for you to wait? Tata will make you cupcakes later when I go home after work!" I excitedly said.
"Ok, tata! I'll wait for you later nalang po." Sagot nya naman kaya kinumbinsi ko nalang syang kumain muna ng almusal.
Tumitingin pa si Aris sa'min at biglang magpa-pout. "Mimi... You don't wuv me anymowr pu?" Tanong nya at tila nanghihina ang boses nya dahil sa ayaw nya rin sana itong itanong ngunit gusto nyang malaman ang sagot ko.
Well, I really love you, my little one... But I don't want to be left by you someday... Baka iwan mo rin ako...
Yan ang gusto kong isagot ngunit alam kong hindi nya 'ko maiintindihan. Nagha-hanap lang sya ng kalinga ng isang ina.