CHAPTER 22:

4.3K 102 15
                                    

Kenn Dave's POV

Nandito na kami ngayon sa entrance ng Skyranch, Pampanga at itong mga bata halos makalimutan na dapat munang magbayad bago pumasok. Sa sobrang tuwa nila, kumawala na sila sa pagkakahawak saamin. Ni-rent ni Ian ang buong Skyranch, kaya wala kaming ibang kasama ngayon kung hindi ang mga staff na nagbabantay saamin.

" Kenn, ayos lang ba kayo ni Kuya dyan? Susundan kolang ang mga bata. " Tumango ako at ngumiti sakanya.

" Ian, sorry paayos naman ng benda sa ulo. Feeling ko malalaglag. " Halos hindi kona magawa maayos pa ang benda sa ulo ko dahil sa labis na payatan ng katawan ko. Sobrang nanghihina ang katawan ko.

Mabilis akong nilapitan ni Ian habang inaayos niya ang benda sa ulo ko, hinalikan niya ako sa labi at sa noo. " Magiging ayos ka rin, baby ha. " He said in a sweetest voice. Napahawak naman ako sa kabilang kamay niya, mabuti pa sila nananatiling malakas at laging positibo.

" I-an, sama-han mo ang mga a-nak na-tin, " halos putol-putol na ang sinasabi ko dahil sa pag-iyak. Nagiging mahina ako kapag maiisip ko iiwanan ko sila dito sa mundo. Susubukan kong gumaling, gagaling ako.

" Susundan ko rin sila, kasama naman sila ni Josh. " Sagot ni Ian saakin, may nakita akong staff kaya mabilis kong pinagulong ang wheel chair at iniwan ko si Ian na clueless doon. Ini-abot ko ang cellphone ko doon sa staff para kunan kami ng picture ni Ian. Gusto kong may picture kami ni Ian ngayon, gusto kong nakikita ko siya lagi.

" Ready na po ba? " Sigaw ng staff na malayo ng kaunti saamin. Napatingin saakin si Ian dahil nagulat ito na bigla kaming pipicturan.

Sinikap kong tumayo at inalayayan ako ni Ian at ang isang kamay naman niya hawak-hawak ang bewang ko. How could I leave this man kung ganito siya ka-protective at ka-sweet sa partner niya.

" In one, two, and three. "

Maraming beses pa kaming pinicturan, pero yung una ang nagustuhan ko. Parang half body lang kasi ang kuha tapos hindi halatang inaalalayan ako ni Ian.

" Can I see them? "

" Sure, Ian. Here, " ibinigay ko sakanya ang cellphone at ang lapad ng ngiti niya. Dati hindi ko masyadong nakikita sakanya ang pag-ngiti pero ngayong buong-buo na. Naalala ko, napapangiti siya sa tuwing ititimpla ko siya ng kape sa umaga.

" We're cute here, lalo na ikaw. " Biglang saad ni Ian, nananahimik ang buong paligid at inikot ko ang mga mata ko, marami palang stall dito na nagbebenta ng kung ano-ano.

" By the way, anong gusto mo? Drinks? waffles? Water? " Tanong saakin ni Ian. Hindi pa ako nakakasagot pero tinulak na niya ang wheel chair ko papunta doon sa bentahan ng waffles.

" Two matcha waffles please and two bottled water. "

" Noted sir, upo na muna po sila sa gilid tatawagin ko nalang po sila. " Tumango si Ian sa tindera at umupo kami dito sa bench.

" Tignan mo ang mga anak natin Ian, sobrang saya nila. Napasaya mo ang mga anak natin na hindi ko man lang naibigay sakanila noong wala ka, mabuti nalang at dumating ka ulit. " Pinunasan ni Ian ang pisnge ko na may patak ng luha ngayon. Nagiging emosyonal talaga ako.

" Mas masaya ang mga 'yan if bibigyan pa natin sila ng bunsong kapatid. "

" Ikaw talaga, Ian! " Pinalo ko siya sa braso pero mahina lang. Wala rin naman akong lakas.

" I'm just kidding you, hindi ko hahayaan na mahirapan ka. Dadaan tayo sa drugs store mamaya, I will purchase a lot of medicines. " Pursigido talaga si Ian na gagaling ako.

" Oo nga pala, may ipapakita pala  ako sayo Kenn. Alam kong magugustuhan mo, " tumingin siya sa main entrance ng Amusement part na ito at napatingin rin ako doon. Maya-maya nakita ko si Papa at Mama na papunta sa direksyon namin kasama ang bunso kong kapatid na dalaga na ngayon.

WILDEST COMMANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon