Kenn Dave's POV
After 7 years...
Sa dami ng nangyari sa loob ng 7 years, hindi kona kayang isa-isahin pa ang pag-hihirap ko noong pinagbubuntis ko si Troy at Tyronia, mabuti nalang at nasa tabi ko si Josh na walang sawang tumutulong saamin para mapalaki ko ang mga anak ko. Regarding naman kay Ian, hindi ko siya ramdam. Hindi man lang kami hinanap. Sa mga magulang ko naman nakakausap ko sila sa cellphone minsan pero hindi ko sinasabi kung nasaan ako.
Sobrang sensitive ng pagbubuntis ko lalo na may sakit ako which is yung cancer nga na hanggang ngayon nilalabanan ko. Hindi naging normal ang panganganak ko dahil hindi ko kinaya ang dalawang batang makukulit na ito na ngayon ay nag-aaral na sa public school malapit dito sa bahay ni Josh.
" Kenn, sunduin na natin ang mga bata. Palabas na sila, look. " Tinuro niya ang wall clock at agad naman inikot ang gulong ng wheel chair ko kung saan ako naka-upo ngayon. Sobrang mahina na ang katawan ko dahil sa sakit ko, medyo naka-kalbo narin ako dahil sa chemotherapy tapos pakiramdam lagi akong nahihirapan sa paghinga. Mabuti nalang kapag sinusumpong ako, nandyan si Josh. Laging nandyan si Josh para saakin at para sa mga anak ko. Si Ian sana ang kasama ko ngayon, pero hindi niya naman kami iniisip.
Hindi talaga nakakalimutan ni Josh ang oras ng pagpasok at paglabas ng mga bata. Hindi niya anak ang mga ito pero parang anak niya. Kapag day off niya sa work, sinasama niya kami sa mga pasyalan dito sa Pampanga tulad nalang sa Skyranch at sa Skyline ng SM clark. Nagastos siya ng mahigit kalahating milyon sa pagbubuntis ko at pagpapa-anak ko pero hindi 'yon sinabi saakin ni Josh.
" Josh ready na ako, salamat ulit ha? " Natawa naman ng bahagya si Josh.
" Ayan ka na naman sa thank you mo. Ayusin konga yung nasa ulo mo. " Lumapit siya saakin at inayos yung benda sa ulo ko para matakpan ang ulo na na kaunti nalang talaga ang buhok.
" Salamat, tara sunduin na natin ang mga bata. " Binuhat ako ni Josh mula sa pagkaka-upo ko sa wheel chair, nanghihina na kasi ang mga tuhod ko dahil sa sakit na ito.
Pina-upo ako ni Josh sa sasakyan niya at sumunod narin siya. Nanginginig ang mga kamay ko dahil naaawa na ako kay Josh. Parang nagkaroon siya ng pamilya nang wala sa oras kahit single lang naman ito. Hindi na nga niya nabibigyan ang sarili niya ng time.
" Josh, pasensya kana ha? Masyado kang napapagod saamin. Kaya gusto ko gumaling ako para makabawi man lang ako sa mga tulong mo saamin ng mga bata. " Nanginginig ang boses ko dahil alam kong hindi na ako gagaling pa. Alam kong hindi na magiging maayos ang kalagayan ko. Chemotherapy na nga lang ang bumubuhay saakin.
" Kenn, you don't need to pay in return. Yung tulong ko sainyo kusa kong ibinigay sainyo. Hali ka nga, " niyakap niya ako habang naka-upo kami parehas sa sasakyan at pinunasan ang luha ko. Ang swerte ng taong makakatuluyan ni Josh, may malasakit at masasandalan mo talaga sa oras ng paghihirap.
" Stop crying Kenn, pumapayat ka lalo. Gagaling ka, tiwala lang. Alright? " Tumango ako at pinunasan na ang sarili kong luha. Kumawala ako kay Josh dahil mukhang male-late na kami sa pag-sundo sa mga bata.
Sinimulan nyang magmaneho at binilisan lamang niya ito, pero napapansin ko si Josh na napapatingin saakin.
" Kenn, tatagan mo ang loob mo. May mga anak ka. Gagaling ka rin, " pilit siya na ngumiti saakin. Tama siya, nabubuhay nalang talaga ako para sa mga bata.
Maya-maya pa, nakarating na kami dito sa main gate ng school ng mga anak ko.
" Hintayin mo nalang ako dito Kenn ha? Hintayin kolang ang mga bata sa labas ng room nila. " Tumango ako, gusto ko sanang sumama pero walang hahawak sa mga anak ko kung sakaling bubuhatin lang ako ni Josh sa loob. Hindi kasi namin nadala yung wheel chair ko. Pero ayos lang naman, hihintayin nalang ko nalang sila dito.
Napayuko ako dahil sobrang sakit ng ulo ko, mina-massage ko ang sarili kong ulo dahil sobrang sakit talaga nito.
" Tito Josh, Papa Kenn is also here right? " Narinig ko ang bises ni Tyronia kaya parang dumaloy ang dugo ko sa mukha ko. Bigla akong nagka-energy.
" Tyronia ofcourse, papa Kenn is always here naman. " Sumagot si Troy sa tanong ni Tyronia.
" Troy is right, baby tyronia. Your Papa Kenn is here! Give him a lot of kisses. " Ang lakas talaga ng boses nilang tatlo. Paglabas nila sa gate kita ko si Josh na buhat-buhat ang dalawa. Ito talagang mga bata na ito ang hilig nila magpa-buhat sa tito nila.
" Tito Josh, ibaba mo na po ako. " Maliit ang boses ni Troy pero halatang suplado ito. Si Tyronia naman ang pinaka makulit at hindi nagsasawang magtanong. Pala-ngiti si Tyronia, tapos kabaligtaran naman si Troy ang kuya niya.
" Kuya, you are very serious in life. " Atungal ni Tyronia.
" We have to be serious in life, Tyronia. " Hindi na nagsalita si Tyronia sa sinabi ng kuya niya. Ibinaba sila ni Josh.
" Hey babies, bafore we go back in the car. Let's buy some icecream. Game! " Masiglang tanong ni Josh sakanila. Parang luiwanag ang mukha ng dalawa at kumapit agad kay Josh at hinila nila ito papaunta doon sa vendor ng Icecream.
" Thank you for this, Tito. I really appreciate it. " Giit ni Troy habang si Tyronia ay busy sa pag-dila sa icecream na hawak niya. Nakikita ko na pabalik na sila ngayon dito.
" Be careful, tinitignan niyo nilalakaran niyo. Magagalit ang Papa Kenn niyo saakin kapag nasugatan kayo. " Mukhang nakinig naman ang dalawa dahil binagalan ang paglakad nila.
" Papa Kenn! " Sigaw ng dalawa kong anak at nag-unahan silang humakyat dito sa sasakyan para yakapin ako at paulanan ng halik. Mga bata talaga na ito, gumagaan ang pakiramdam ko.
" Kumusta ang pag-aaral niyo mga anak? " Masigla kong tanong sakanila, ayokong ipakita na nahihirapan ako sa sakit ko.
" All good Papa Kenn, kuya and I received a lot of stars. Look oh, " ipinakita nila ang kamay nila na puno ng Star na may 'Verygood' at ngitian ko naman sila.
" Congratulations to the both of you. Dahil dyan may kiss kayo kay Papa! " Lumapit ako sakanila at hinalikan ko ang mukha nila at ang ulo nila.
" Can you give Tito Josh some kiss too Papa Kenn? " What? Anong sinasabi mo Tyronia.
" Last week, he is very caring to you. He help you in eating and changing of your clothes as well. " Itinuloy ni Troy ang pagsisimula ng kapatid niya.
" Okay, I will give him a kiss but give him as well alright? He is very caring to us. " Hindi makatingin ng maayos saakin si Josh at mina-massage niya ang sarili nyang kamay dahil mukhang kinakabahan. Mas lumapit ako sakanya at hinalikan siya sa mukha. Request ng mga bata kaya nagawa ko rin.
" That's sweet. " Bulong ni Josh saakin kaya pinalo ko ang braso niya.
" I think, this is the best to eat in the McDonald's. Tara kain tayo bayo tayo umuwi. " Nagsigawan ang mga bata dahil gustong-gusto nilang kumakain doon. Hindi pa nga nila alam na mag-aari ng tito Josh nila 'yon.
" Tito Josh, I want happy meal please. " nag-pout si Tyronia.
" I also want a happy meal Tito. " Ito naman, ang seryoso ng mukha. Ang bilis talaga magbago ang mood ni Troy, may pinagmanahan.
" We will buy happy meal toys! But, don't forget to do your assignments after this, clear? " Pag-papaalala ni Josh.
" Yes Tito, We will not forget our responsibilities. " Sagot ni Troy.
" Kenn, ayos ka lang ba? Namumutla ka. " Tumingin ako sa salamin at namumutla nga ako. " Inom ka ng tubig, gamitin mo 'yang tumbler ko. " Utos ni Josh na busy sa pagmamaneho kaya hindi niya magawang ibigay ito saakin.
" Kapag may masama kang nararamdaman, magsabi ka saakin ha? Nandito lang ako, Kenn. "
BINABASA MO ANG
WILDEST COMMAND
RomanceWILDEST COMMAND Mr. Ian Greg Descanzo ( BL and MPREG story ) Kenn Dave Mendez is a fresh college graduate in Descanzo Academy. Pero walang silbi ang pagtapos niya ng pag-aaral dahil magsasakripisyo siya para mabayaran ang mga utang ng pamilya niya. ...