Kabanata 28

51.4K 2.5K 884
                                    


Nagmamadaling tinungo ni Hezekiah ang ospital kung nasaan si Fausto. Binabaan siya nito nang tawag matapos ang kanilang pag-uusap kung pag-uusap ang ang tawag don. Nahihimigan niya ang galit mula sa ama. Nanlalamig ang kanyang mga kamay sa kaba. When she opened the hospital door, Fausto's arms were on his chest, his lips into thin line, and eyebrows furrowed. May mga nakakalat na papel at litrato sa may kama nito.

Napasinghap siya nang makita iyon. Those were the pictures on their symbolic wedding.

"Alam kong hindi ako naging mabuting ama." Panimula ni Fausto. "Pero hindi rin ako naging masamang tao sa iyo. Binihisan kita higit pa sa nararapat." Mapaklang dugtong nito.

"S-sir..."

"Why, Hezekiah? Why?" Dismayadong tanong nito.

"Sir, magpapaliwanag ako." Natatarantang sabi niya, "Sinubukan ko lang naman na kunin ang loob ni Mr. De Salcedo." Natataranta niyang paliwanag, "And, and, the symbolic wedding. It was just a symbolic wedding. It was not—" Inihagis ni Fausto sa kanyang direksyon ang marriage contract. Orion and her are legally married now! Hindi nila iyon napag-usapan ni Orion at all!

"Isa sa dalawang bagay, Miss Cruz. Mr. de Salcedo figured out na nakalaan sa iyo ang lahat ng shares ko o pinagplanuhan niyong dalawa ito!"

"That's not true. He has no idea—"

"Mabuti na lang at sinabi sa akin agad ni Tanya. I can cancel the transfer of shares at ipapangalan ko kay Tanya lahat. Go ahead and live happy with your husband. Wala na akong pakialam. After all, no one knows who you are, no one has to know, no one will ever know. You do not deserve any recognition, you traitor!" His words felt a stab straight to her heart.

Hindi na siya tinapunan ng tingin ni Fausto. Na para bang ang mahal ng tingin nito at wala siyang kwenta para pagbalingan non. Tears pooled down her cheeks. She felt a painful thump on her chest.

"Ang sakit mo pong magsalita." She spat. "Hindi—hindi ko naman gustong ipanganak ako sa mundong ito tapos ganitong buhay ang madaratnan ko." Pinunasan niya ang malaking butil ng luha na bumagsak sa mata.

"Gusto ko lang makatapos ako ng pag-aaral pero binigyan mo pa ako ng mas mataas na pangarap." Pagpapatuloy niya.

"That's where I was wrong! Tuso ka! Tuso ka kagaya ka rin ng---"

"Nanay?" She hiccupped. Mas lalo lamang siyang nasaktan. "Hahayaan kitang insultuhin ako pero hindi ang Nanay. She raised me. Pinalaki niya ako sa pagbebenta ng katawan. Oo binihisan mo ako, pero binuhay ako ng tuso na sinasabi mo. Pinanindigan niya ako at proud siya na anak niya ako. Hindi kagaya mo. And you know what, if she's alive, I will never come to you again! Our paths will never cross paths again. Pero ulila na ako kaya ako tumakbo sa iyo."

Sa bintana lamang nakatingin si Fausto, lukot lukot ang mukha nito.

"If you think I am such a waste, ganoon din ang nararamdaman ko ngayon. I shouldn't have came rushing when I heard you were dying. Sinayang mo ang pag-aalala ko, Sir."

"You came because you wanted my company!" Mas mariin na paratang ni Fausto sa kanya.

"No. I came because you are my only family. Kahit na hindi mo na ako planong kilalanin kahit kailan. Ang sama mo po!"

"Ano?!" Nilingon siyang muli ni Fausto. Para siyang bata na suminghot sa harapan nito pagkatapos ay tumakbo na siya papalayo.

Iniwanan niya ang ama. Hindi niya namalayang hawak niya ang marriage contract nang lumabas ng ospital. 

Nagmaneho siya patungo sa Agila Petroleum. Agad naman siyang pinapasok nang sabihin niyang taga FRINC siya. Natagpuan niya ang opisina ni Henry De Salcedo pero hindi siya agad humakbang. Tumayo siya sa receiving area ng opisina, naghihintay ng sekretarya kahit naiinip na siya. 

Frat Boys Series 1: OrionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon