"No, I don't like it, Miss Cruz." Tumiim-bagang pa si Orion sa kanya habang tinitingnan ang presentation niya sa projector. It has been her fifth revision at hindi pa rin nito nagugustuhan!
This is a tie-up with LUMOS, a charity founded by Donya Lucia Encinas, a senior Demolay. Isa itong proyekto ng Delta Kappa Phi Sorrority. Hindi niya alam kung anong klaseng presentation ang expected sa kaniya. An Escolta war-torn building is going to be rebuilt again as a Filipiniana luxury bags and accessories shop, gawa ng mga kababaihang inabuso iyon but designed by a world-renowned Designer, Mallory Aboitiz, also a Demolay.
"I have no other ideas, Mr. De Salcedo. I will be presenting it to the organization this afternoon, they'll be the one to judge whether they will like it or not."
"You are stubborn, Ms. Cruz." Matigas na sambit nito. Tumikhim ang ilang miyembro ng management. Umiinit na kasi ng husto ang kanilang discussion. "Fine, do it. Go to the lioness den as you wish."
Umingos siya kay Orion. He's so annoying! Lahat na lamang ng gusto niya ay pinapakialaman. Bumagsak ang confidence level niya sa plano niyang paibigin ito. Paano iibig sa kanyang kung maya't maya galit ito at parang gusto pa siyang tirisin.
Maaga siya ng isang oras sa headquarters. Bitbit niya ang kanyang mga files. She went alone. Lioness den pala, ha. Tingnan nga niya kung saan tumatambay ang mga lionesa o kung tinatakot lang siya ni Orion.
May paisa-isang dumarating sa headquarters. They are all wearing signature brands from head to toe. Hindi naman siya ignorante doon, she's been in Paris too many times and people there loved the brands that these affluent Demolays wear. Iba iba ang henerasyon ang mga dumarating, ang iba nga ay magkasabay pa. Possibly a mother and daughter tandem. Doon siya nakaupo sa pinakagilid na para bang sinasabi na wala siyang puwesto roon. All seats have surname in it. Nakaagaw ng pansin niya ang upuang may nakasulat na 'Ricafort', of course it is not for her but for her sister.
"Tanya Ricafort will not attend." Narinig niyang sambit ng isa sa Demolay, bumulong ito sa isang matandang nagpapasinaya ng meeting. Nakita niyang Encinas rin ang inuupuan nito.
"She's not here, Dulce? Hindi ba ang kanilang kumpanya ang hahawak nito? That's why they were given the priority." Sambit ng matanda na bakas ang pagkadismaya.
"Narito ang representative ng FRINC, isa siyang babae na COO ng kompanya." Sagot naman ng Dulce.
Lumiit ang mata ng matanda at dumako ang mga mata sa kanya, "Disappointing." Wika nito na parang ipinaparinig pa sa kanya. "A non-Demolay in this headquarters is annoying."
Napalunok siya, tila patikim pa lamang ito ng sinasabi ni Orion sa kanya. Nang halos mapuno na ang banquet hall ay may lumapit sa kanya, ito rin ang nag-asiste sa kanya kanina noong dumating siya at ang tanging may tipid na ngiti sa labi.
"Miss, you may now start your presentation."
Naglakad siya papalapit patungo sa harapan. Sa gitna nakalagay ang projector screen kaya doon siya sa gilid pumuwesto.
"Hi, good afternoon, Ladies. My name is---"
Agad na may nagtaas ng kamay na naroon sa table. Namumukhaan niya ito. The nameplate where she's sitting says 'Sanggalang' on it, may katabi siyang babae na 'Sanggalang' din ang nameplate, a mother and a daughter probably.
"You look familiar, are we schoolmates? Oh, my name is Lara." Ngiting-ngiting sambit nito. Tipid siyang tumango. Lumaki ang mata nito na parang may naalala.
"Oh, what a small world. I heard that you are the COO of FRINC to which Orion is the acting CEO. Hm, do you still have connection til now? If you know what I mean?" Kyuryosong tanong nito. Nagbulungan ang ilan sa dami ng alam ni Lara tungkol sa kanya. Hindi pa rin ito tumigil kahit umiiling siya rito. Parang nanunuya pa ang tingin nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Frat Boys Series 1: Orion
General FictionOrion's life was curated by his parents for him, so he knew, it was never his. Being a member of Delta Kappa Phi before he was even born justified his future even more. He will lead the fraternity, finish college, enter the oil industry and get marr...