Prologue

11.6K 79 1
                                    


"Wala ka talagang kwentang anak! Sana ikaw nalang ang namatay at hindi ang tatay mo! Umalis ka dito sa harapan ko baka mapatay pa kita! Layas! Bumalik ka lang kapag malaki ang perang ibibigay mo! Nakakasira ka ng araw! Kapag minalas ako sa sugal susugurin kita sa pinapasukan mo."

Huminga ako para pigilan ang mapaiyak.

"Aalis na po ako nay." Paalam ko sa aking ina."

"Aba dapat lang, nakakasira ka ng araw, umagang-umaga pinapainit mo ang ulo ko!"

Nanginginig na lumabas ako ng bahay at doon ay tuluyan ng tumulo ang aking mga luha.

'Grabe naman si Trining minsan na nga lang bumisita ang anak niya tatratuhin pa niya ng ganun.'

'Oo nga, pasalamat siya at binibigyan pa siya ng anak  Niya ng pera para may pambili siya ng kakainin niya at pambayad ng kuryente.'

'Sus ginagamit niya lang ang pera sa pagsugal at bisyo niya.'

'Kawawa ang anak niya.'

Iyan ang mga naririnig kong usapan ng mga kapitbahay. Hindi ko nalang iyon pinansin diretso lang akong naglakad sa isang makitid na daan.

Nagpapakahirap akong magtrabaho para lang may maibigay sa aking ina pero sa sugal lang pala at sa bisyo niya napupunta ang pera.

Pagkalabas ko ng squatter ay tumingala ako at hindi maiwasang magtanong sa Diyos.

Bakit? Bakit ako pinahihirapan ng ganito? Bakit ako nagkaroon ng isang ina na hindi man lang ako pinapahalagahan.

Napayuko ako, hindi ko dapat kwestyunin ang Diyos, dahil alam kong may dahilan siya at alam kong may plano siya para sa akin.

Ako nga pala si Katrina Ramirez, halina't pasukin ninyo ang malungkot na buhay ko.

_____

A'N

Plagiarism is a crime! Make your own story 😉☺️. Ang kwento pong ito ay galing sa mapaglarong isipan ni Author (me) 😅 . Please support. Thank you po ☺️ And sorry po if hindi man perfect 😁❤️

The Poor Meets the HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon