J O S H U A
"Good morning class~ Please turn on your camera." Bati ng aming professor. Another day, another session of our online class for our Community Health Nursing subject.
And yes, another day that I'll be seeing my rival in class.
"Good morning din po Ma'am." Camille's voice emerged through the Zoom virtual classroom as she opened her camera. Grabe naman, napaka-seryoso naman netong babae na 'to. Puro acads lang siguro inaatupag neto. Makikita ko lang siguro 'to na ngumiti kung mag-j-joke mga prof namin, which is rarely.
Nasa kalagitnaan na kami ng klase and nag-re-recite na naman si Camille as usual. Her metallic silver glasses and red lipstick made her seem more intimidating in front of the camera. I don't know if she's doing this on purpose or not, but it sure is effective, lalo na sa tulad kong tamang pakinig lang sa gedli habang nagrerecite silang mga top student sa klase. "Very well said, Ms. Reynoso. Breastfeeding is essential sa mga babies, lalo na sa mga newborn babies, because it contains nutrients and it also promotes bonding between the mother and the child." Ma'am Vicky explained in agreement to what Camille answered in class.
I looked at Camille and noticed that even though our professor commended her for getting the right answer, her eyes still seemed to be very sad. Wala 'yung spark na tinatawag nila.
She seemed so... drained?
Well, 'di ko naman siya masisisi kasi nakakapagod nga naman 'tong semester na ito. Sa Pharmacology pa lang, bugbog na kaming lahat. Sa ibang major subjects pa kaya?
Don't get me wrong, she looks beautiful. It's just that her eyes are very sad. And bihira lang siya ngumiti.
Pakiramdam ko susungitan ako neto kapag nag-send ako ng memes dito sa babaeng 'to.
Paano kaya 'yung method neto ng pag-aaral? Iba kasi 'yung brain cells neto. Pa-bless naman kami ng brain cells mo, Camille.
Cess: Luh si kuya, mukhang tanga nakangiti sa camera ng mag-isa @Joshua Dela Torre
Agad ko namang binawi 'yung ngiti ko at nag-chat sa group chat.
: Naka-smile ako kasi ang gwapo ko for today's bidyoww HAHAHA
Drea: Wag kame tsong HAHAHAHA alam namin dahil kay Ate Cams 'yan!
: Umagang-umaga ang iingay niyo hahahaha
Loyd: Pre, tinamaan ka na talaga pre HAHAHAHA
"Kuya, gutom na ko." Reklamo naman nung bunso kong kapatid na si Raine habang pupungas-pungas. Mukhang kagigising lang ng kolokoy.
I smirked at him, "Aba beri gud ka ngayon ah. Aga mo nagising!" I said, half-taunting and half-praising him. Lagi kasing nagpupuyat 'to kakalaro sa cellphone. Sinimangutan ako ng mokong kaya lalo akong natawa. "Sige na, maupo ka na sa hapag. Magluluto lang ako ng almusal natin."
I turned off my camera and brought my phone na kasalukyang nasa stand with me sa kitchen para makapagluto ako habang nakikinig sa klase. Phone lang kasi ang gamit ko sa online class since medyo hirap din sina Mama na mabigyan ako ng bagong device for online class. Ayoko rin naman manghingi ng bago since gumagana pa naman 'tong phone ko. Makakadagdag gastos pa ako. Mas okay nang sina Raine at Rev ang pagkagastusan nila Mama most of the time.
"Kuya Josh, patulong ako sa module ko mamaya." Raine whined.
"Asan ba si Rev? Bakit di ka magpatulong doon?" I asked.
"Tulog pa si Kuya Rev." He answered while pouting. I sighed, magrereview pa naman sana ako sa Maternal Care Nursing. Hays. Pero sige, unahin ko muna si Raine. Madali naman kaming matatapos dito basta matutukan ko lang 'tong batang 'to sa module niya.
BINABASA MO ANG
Destiny
Teen Fiction"Hindi ako naniniwala sa destiny." That's what the 20-year-old Joshua Dela Torre had always told himself ever since. But what happens when he meets Camille Reynoso, 23, a woman from his online class? © All Rights Reserved 2022