"Kuya! Sasapukin ako niyan ni kuya Jericho eh." sumbong ng babaeng sa kambal.
"Oo, talagang sasapukin kita kapag hindi mo dinelete 'yan!" ang sabi naman ni Jericho.
"Shut up you two and get back here. Wag niyo pairalin ang pagkaisip bata niyo sa harap ng bisita natin!" maowtoridad na sabi ni sir Elizur na ikinanguso ng dalawa.
"Psh! She's not even a visitor! Asawa kaya siya ni Elijah." dinig kong sabi ni Jericho habang papalapit muli sa pwesto namin. Napatungo naman ako dahil sa hiya.
"I said shut up Eldom!" pagalit nang sabi ni sir Elizur dahilan ng pagsama ng tingin nito kay Judith na tumatawa-tawa. Maging sila Javes, at Joseph. Si Efraim naman ay walang nagbago sa mukha. Seryuso pa rin.
Nang tuluyan ng makarating silang lahat ay naghilera ang mga ito ng isang linya kasama na si Jordan. Nagkatinginan ang mga ito tiyaka sabay na bumati sa'kin.
"Welcome to the Salvador's family Lucrasia!" si sir Elizur at Raquel.
"Welcome to the Salvador's family ate!" ang kambal.
"Welcome to the Salvador's family ate Shane." si Jordan at si Joseph.
"Welcome to the Salvador's family Asia." si Jericho.
Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon. Kakaiba ito sa lahat ng naramdaman ko na. Lahat sila ay kapwa nakangiti habang binabati nila ako. Tanggap nila ako. Tanggap ako ng pamilya niya.
Pero ang tanong..
Siya kaya..
Tanggap niya kaya ako?
"Hey, what's happening here?"
Pinilig ko ang aking ulo sa naisip. Lahat kami napabaling sa likod ko dahil sa bagong boses na dumating.
"Dad, good morning." pagbati ni Joseph na ikinamilog ng mata ko. Dad? Lumapit si Joseph dito an inakap ang matanda.
"Ey, what's up old man. You're too early!" si Jericho naman na mahinang sinuntok ang braso ng ama. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o seryuso. Too early? Late na kamo..
Kanya-kanya ng bati ang magkakapatid.
"Go'mo pa. I missed you." aniya ni Judith at humalik sa pisngi ng ama. Si sir Elizur at Javes naman ay nag bro-fist lang. Si Raquel ay lumapit din.
"Good morning pa." bati ni Raquel dito at humalik din sa pisngi ng matanda.
"Good morning everyone!" ang sagot ng matanda.
Ako naman ay parang statwa na natuod dahil sa kaba. Bukod sa nahihiwagaan sa turingan nila ay kinakabahan ako. Makakaharap ko na ang ama ng asawa ko. Asawa ko? Bakit parang feel na feel ko ata? Eh, bakit? Asawa ko naman talaga si Josiah ah!
"What about you Jazzer my son? Are you not going to approach me?" muling wika ng ama na nakatuon ang tingin sa pang-apat na anak.
Napatingin kami kay Jazzer na ngayon ay seryuso lang at malamig na nakatingin sa amang nakangiti habang naka amba ang kamay sa pagsalubong sa anak.
Umismid si Jazzer ngunit lumapit din sa ama. Sa nakita ko ay mukhang ilap at malamig ang pakikitungo ng pang-apat na anak sa lahat ng nasa paligid niya. Pwera sa mga kapatid nito.
Nagyakapan ang mag-ama at makikita sa mata ng ama nila ang galak dahil sa ginawa ni Jazzer. Nakamasid lang ako sa kanila at hindi umiimik. What a nice scene to view. Ang ganda nilang tingnan lalo na't lahat sila magagandang nilalang. Kulang nga lang ng isa.
"And who is this beautiful young lady here?" bigla ay baling sa'kin ng ama nila na ikinagitla ko. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko nang matanto ang papuri nito. Kaya pala ganito na lang kaganda ang mga nilalang na ito dahil may pinagmanahan. Makisig ang ama nila at parang hindi mo maisip na may anak na walo. Maging ang mukha nito ay hindi mo masabing nasa 60 na sapagkat daig pa niya ang mga kabataan sa generasyon ngayon.
Pambihira talaga. Hindi ko alam na may ganito pala sa mundo. Dapat ininform nila kaagad ako.
Napatingala ako kay Jordan nang lumapit ito sa'kin at akbayan ako. "She's kuya Elijah's wife dad. And she's here to visit and know the family of her love."
Agad na napakunot ang noo ko sa sinabi nito ngunit hindi ko 'yun pinahalata. Sobra-sobra naman ata ang sinabi niya. Family of her Love? Seryuso ka diyan? Ang sabihin mo, plinano 'to ng asawa mo at nitong anak mo para isalba ang single forever mong anak!
Naramdaman ko ang mahinang pagpisil ni Jordan sa braso ko kaya napatingin ako dun at tumingala sa kanya. Binigyan niya ako ng sumakay ka na lang look. Tinaasan ko siya ng kilay. Pero sinunod ko rin siya.
"A-Ah.. hello po, tito. Magandang umaga po." nakangiting bati ko sa matanda tapos ay lumapit ako dito at nagmano. Nanatili namang nakatitig ito sa'kin na parang pinag-aaralan ako.
Hanggang sa umabot kami sa mahabang mesa nila na parang conference room at dito ay para akong criminal na iniimbistigahan. Nasa tabi ko si Jordan habang ang mga kapatid niya ay nakaupo sa magkabilang helera ng upuan. At isa lang ang nararamdaman ko ngayon. Arbyadong kaba ang lintek!
"So, you're my son's wife?"
Dahan-dahan akong tumango sa tanong na iyon. The atmosphere here is suffocating me.
"How come?" may pagtatakang tanong nito. "Papaano nagkaasawa ang propetang 'yun? He's not even here."
Hindi ko alam kung seryuso ba siya sa tanong niya o ano. Hindi naman na dapat kase 'yun tanungin. Malamang pinakasalan ako ng anak mo! Pinakasalan nga ba? Hay nako. Eto ang mahirap sa arrange Marriage. Actually hindi nga arrange Marriage eh, surprise marriage kamo!
Ngumiti ako dito. "Nagpakasal po kami." simpleng sagot ko.
Nagtaka ako ng marinig ang bungisngisan ng magkakapatid. Pwera kay sir Elizur, kuya Jericho at Jazzer. Jordan is also smiling when I looked at him.
Meron ding mumunting ngiti na pumiski sa mga labi ng ama nila.
Anong nakakatawa?
YOU ARE READING
SALVADOR SERIES 1: JOSIAH ELIJAH SALVADOR (COMPLETED)
RomanceShe thought living with a man of God is good, glorious and propitious. But she didn't expect her life to be misery. -- "Your body is not yours. God paid your debt and bought you from evil. And I'm doing this because your life and my life are bound w...
KABANATA 15
Start from the beginning