Dahil sa sinabing iyon ni Efraim ay agad namang nagsilapitan sa'kin ang magkakapatid.

"Hi, I'm sorry for being rude. Btw I'm Joseph Elifaz, the 2nd to the last." na gets ko naman ang kanyang sinabi at tinanguan lang siya.

"Hey, twinies here. I'm Judith Ethiopia.." pagpapakilala ng babae.

"I'm Javes Efron.." sabi naman ng kaakbayan nito.

"And we're the 6th." sabay na nilang sabi at kapwa ako nginitian.

"Actually, nauna ako sa kanya ng 5 seconds so, pang lima ako at pang anim si Javes." sabi pa ni Judith. Nakumpirma kong kambal nga sila. Nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko ay maldita at maldito sila.

Tumingin ako sa isang hindi ko pa kilala. May ngiting nakakaloko sa mga labi nito. Nagulat pa ako nang lumapit ito sa'kin at kunin ang kamay ko tiyaka dahang-dahang halikan.

"Jericho Eldom the 2nd born in our clan." pagpapakilala niya tiyaka ako kinindatan.

Naiilang na binawi ko naman ang kamay ko.

"Woah, that was an unexpected brother." ang sabi ni Javes. Isa sa kambal.

"But sad to say, we took a picture of it." si Judith tapos ay ipinakita ang cellphone niyang may kuha nga ng ginawang paghalik sa'kin ng kuya niya.

"Haish." dining naming asik ni Jericho pagkatapos ay hinabol ang kapatid na ngayon ay tumatakbo.

"HAHAHAHA I'm going to send this to ate Claire!" sigaw nito habang tumatawa.

"Yah! Stop right there Judith!" inis namang sigaw dito ni Jericho.

Habang ang natira namang magkakapatid ay iiling-iling na pinagmasdan ang dalawa.

"Tsk, tsk. What a childish." ang wika ni Joseph bago balingan si Jordan. "How about you bunso? Hindi ka ba magpapakilala?"

Napatingin naman ako kay Jordan na ngayon ay kakamot-kamot sa kanyang ulo. "Kilala na niya ako."

"Ow, really?" gulat na aniya nito at tumango naman ako. "How about you kuya? Kilala ka na rin ba niya?"

"Yeah." sir Elizur answered. "But she doesn't know my wife." aniya at inakbayan ang asawa. Nakita ko naman ang bahagyang pagsiko nito na tila nahihiya.

"Ano ba. Umayos ka nga." dinig kong singhal nito kay sir. Hindi ko namang maiwasang kiligin lalo na nang ngumuso si sir Elizur.

"What? I'm just naglalambing."

"Heh," ang sabi lang ng asawa nito at nakangiting humarap sa'kin. Mas lalong lumitaw ang kagandahan nito. "Hi, I'm Raquel Murillo—"

"Salvador." pagsingit ni sir Elizur na ikinaingos naman ng asawa.

"Raquel Murillo SALVADOR! Asawa ng lalaking 'to at ina ng mga anak niya." hindi ko naman mapigilang matawa nang pagdiinan talaga nito ang apelyidong Salvador. Habang si sir Elizur naman ay tatawa-tawa. Halatang masaya dahil sa ginawang pagkulit sa asawa.  Hindi ko alam na may side palang ganito si sir Elizur.

"Hi, nice to meet you. I'm Lucrasia Shane Bellen. Isa ako sa tinulungan ng asawa mo."

"Yeah, I heard him before talking about you and I'm glad to finally meet you."

Hindi ko naman maiwasang pamulahan. Ikaw ba naman! Makaharap ng diyosa face to face! Siguro ay hihimatayin ka na sa inggit!

"And he's right. You are really beautiful." ang sabi pa nito.

"Nako, hindi naman masyado." aniya ko. Nakaka overwhelmed na marinig 'yun sa taong mala-diyosa. Kinikilig ako ehe!

"Hey, you two! Come back here." bigla ay tawag ni sir Elizur sa kapatid niyang naghahabulan pa rin. Natatawa namang napasunod kami ng tingin ni ate Raquel dito.

SALVADOR SERIES 1: JOSIAH ELIJAH SALVADOR (COMPLETED)Where stories live. Discover now