“kahit saan basta maging mrs. kita.” hindi naman ako agad napigilan ngumiti. iba rin mag pakilig ang lalaking ‘to ah.
“ikaw talaga. saan nga?”
“ikaw ba? kung saan mo gusto.”
“eh what if, si ellise nalang mag decide sainyong dalawa. turuan pa kayo eh.” natatawang sambit ni Reigne.
“Exactly, Reigne. Itong dalawang ‘to, kaunti nalang paguuntugin ko na eh.” wika naman ni kristine.
“I agree, si ellise nalang pipili!” nakangiting sabi ni donna.
Nakangiti akong tinignan sila isa-isa. talaga nga sigurong ipinakilala sa’kin sila para hindi ko maisip na nagiisa lang ako na kahit walang 'Garry' noon sa ibang bansa. At least may apat na bruha naman sa tabi ko. para kay ellise. simula nung ipinanganak ko si ellise, nariyan na sila. And so thankful to have them in my life. hinding hindi ako magsasawang sabihin na sobrang thankful talaga ako. humarap ako kay garry at niyakap siya. sumiksik talaga ako sa malapit sa chest niya.
“Sige na. Maiwan na muna namin kayo.” rinig kong sabi ni donna. hindi na ako nag atubiling tumingin sakanila. Narinig ko rin ang pag bukas at sara nung pintuan.
Nakaalis na siguro ‘yong apat kaya dalawa kaming naiwan dito ni Garry. Nakasiksik pa rin ako sakanya, hinayaan niya lang din akong gawin ‘to. Inamoy amoy pa nga niya ang buhok ko eh. “Garry?”
Iniangat ko ang tingin ko sakanya. Nakita ko na may bumagsak na luha dito kahit naka pikit siya. “hmm?” sabi nito pero naka pikit pa rin.
“pwede mo ba akong samahan sa taas? i’m exhausted.” sabi ko, kahit hindi naman talaga. gusto ko lang siya makasama umakyat.
“Mariel, can’t wait na makita ka muli sa wedding gown habang naglalakad papunta sa kinaroroonan ko. hindi ako makapag hintay na makasama ka muli.” anito, habang hawak hawak ako saka sabay na umaakyat.
“kasama mo naman ako araw araw ah,” sabi ko naman.
“Yes, pero gusto ko na yung kasal na tayo. yung wala na tayong problemahin at para rin maging ganap na 'Valdez' na kayo ni Ellise.”
Nang makarating kami sa taas. Pumasok na kami sa kwarto ko— namin. humiwalay ako saka umupo sa tapat ng salamin. “Masaya ka ba?”
Napalingon naman ako sakanya sa tanong niyang ‘yon. Bakit naman niya naitanong. tinignan ko ang expression niya pero ngumiti lang siya saka muling tinanong ‘yon. “Masaya ka ba sa mga nangyari sa’tin noon? yung nag meet tayo sa mall after mong umuwi dito.”
I recall it. I still remember that day. I was so happy that time but at the same time i was so nervous kasi paano kung nando’n si Charlotte? hindi naman ako gano’ng tao na basta basta nalang kumukuha ng hindi akin pero ibang iba yung nangyari noon. sobra sobra kong kagustuhan si garry kahit pinagtatabuyan ko siya noon. kapag mahal mo talaga ang isang tao, gagawin mo ang lahat ‘no? kahit masaktan ka— part kasi ‘yon nang pagmamahal ang masaktan pero ibang iba ‘to. kahit anong ulit ko pang masaktan hindi ko magawang kalimutan si garry. epekto ba talaga ‘to ng pagmamahal? hindi naman sa pagiging desperate pero i just love him. hindi na ba ako pwedeng magmahal?
“Of course, actually sobrang kabado ako noon. baka kasi may makakita sa’tin. makita ka ni Charlotte na kasama ako? like paano nalang kung may makakita sa atin? ang hirap hirap no’n. Ayoko rin na malaman nung anak natin na nagkaroon tayo ng gano’n. she's too innocent paano kung makarating sakanya ‘to sa ibang bansa, hindi ba? pero still i tried my best to stay away from you.” wika ko pero tumalikod ako sakanya kasi biglang nagsipatakan ang luha ko. parang tunguh naman o’.
“but you failed, don’t you?” saad nito. naramdaman kong may yumakap sa akin.
“I failed because...” pinipigilan kong mag crack ang boses ko. “i still love you. mahal pa rin kita kahit gano’n. bakit?” at doon na tuluyang nag crack ang boses ko.
YOU ARE READING
Yesterday, Today, Tomorrow II
RandomWhat if someday the woman you said you still love comes back? Will you leave the woman you just married to go back to the woman you loved from the beginning? Who will prevail? The newlywed or The ex-wife with a child. Will you also choose to go bac...
Chapter 33
Start from the beginning