Chapter 6

95 6 0
                                    

Hindi ko pa rin makalimutan ang sinabing yun ng lalaking yun, hanggang ngayon ay naiisip ko pa rin ang kanya sinabing yun kanina. Hindi ko inaasahang nakilala ko na pala sya, pero nakalimutan ko lang kung saan ko sya nakita. Gulong-gulo ang aking isipan habang tulala akong nakatingin sa kisame ng aking kwarto.

Bakit ngayon ko lang naalala ang mukha nya. Kaya pala kung makalapit sya sakin alam mo close na close kaming, dahil matagal na pala nya akong kilala. Samantalang ako naman may nakalimutan na ang kanyang walang hiyang pagmumukha. Kung hindi nya sinabi kung saan kami nagkita, hindi ko rin maalala.

Masydo na ba akong matanda para makalimutan ang mga taong nasa paligid ko noon. At isa' pa kasama ko pa nun si Raven, matagal naman na yun. Talagang makakalimuta ko yun, sobrang dami kong ginagawang trabaho pagkatapos nung bakasyon naming magkakaibigan na kasama ang boss at pinsan ni Raven.

"We already met one time." He expressed with a frown on his attractive face.

Nakasimangot nya akong tinignan na para bang nagtatampo sya sakin dahil hindi ko maalala ang kanyang pangalan. Aba! Malaya ko ba diba? Busy ako sa flower shop ko kaya paano ko sya maalala at isa' pa hindi naman kami nagkakausap na dalawa ngayon lang.

"When.." I asked like I was an old woman.

He chuckles softly before answering me with his grin on his rose lips. Bakit pa ba na distract ako sa bawal galaw nya? Akala ko ba self ang panget nya? Bakit parang baliktad ata ang nagyayari ngayon. Alam ko naman sa sarili kong kalandian lang ang gusto nyang manyari. Pero baki ba ganito!

"Remember when you all girl go on a vacation? With Caitríona?" Pilit kong inaalala ang mga araw na sinasabi nya. "I am one of Gray's friends. Remember me now?"

Dun lang nanlalaki ang aking mga mata habang nakatingin sa kanyang mukhang nakangisi. Kasabay ng panlalaki ng aking mga mata ay ang paghampas ko sa kanyang noo. Shyet! Bakit ngayon ko lang natandaan! Sya yung cute nasinasabi ni Raven noon. Alam ko na kung bakit feeling close sya sakin palagi yun pala ang dahilan. Pero bakit?

Ano naman ngayon kung nakilala nya ako? So? Isang beses lang naman kaming nagkita noon at isa' pa hindi ako nakikipag-usap sa mga katulad nya, dahil hindi naman ako interesado sa mga lalaki. Kasama ko lang lagi ang mga kaibigan ko noon, halos hindi na nga kami naghihiwalay.

Tulala pa rin akong nakatingin sa kanya at tila ba hindi pa matanggap ng aking utak ang kanyang mga sinabi ngayon lang. Hindi nagtagal ay malakas na humampas ang malakas na hangin. Ilang minuto akong tulala lang sa kanyan ng biglang nyang itinaggal ang kanyang sout na black coat.

Inaabot sya sakin ang kanyang black coat. Nang hindi ko yun kinuha ay sya na mismo ang naglagay nito sa aking balikat. Hindi ko alam kung para saan at kung bakit nya ginagawa yun. Dahil lang siguro malamig ang hangin at ako itong si tanga, hindi man lang nagdala ng jacket o manipis na tuwalya.

Pagtapos nyang mailagay yun sa aking balikat ay naramdaman ko ang kanyang lapi sa aking pisngi at mabilis akong iniwan mag-isang nakaupo sa buhangin. Nilingon ko pa sya, at nakita kong nakatingin sya sakin habang ang kanyang dalawang kamay ay nasa kanyang bulsa at paatras nyang inilakbang ang kanyang mga paa.

"Nice to see you again, Ms. Isabella."

Napabalik ako sa aking sarili ng marinig ko ang pagtunog ng aking cellphone na nasa side table ng aking kama. Wala sana akong balak na sagutin ang tawag na yun, dahil nasa bakasyon ako. Pero hindi pa rin ito tumitigil sa pagtunog. Kaya wala akong nagawa kundi ang sagutin ang tawag.

"Yes, hello?" Yamot at walang gana kong sabi pagkatapos kong sagutin ang tawag.

"Hoy, Bella! Bakit hindi ka man lang nagsasabi na magbabakasyon ka pala!" Malakas na sigaw ni Zaille sa kabilang linya ng tawag.

Amaya Series #2: Her Missing PieceWhere stories live. Discover now