J O S H U A
"Group 5, take it away." Saad ng aming prof sa isang grupo mula sa section namin na mag-p-present ngayon ng case study. I sighed in relief as I lay back down on my bed. Naka-off cam naman ako so hindi naman siguro mortal sin ang paghiga dahil inaantok pa. Grabe naman kasi ang schedule namin dito sa RLE. I mean, who wakes up and goes to class at 7 a.m.?
Drea: Grupo pala nila Ate Camille 'yung mag-p-present.
Loyd: Oo nga eh. Matic na 'yan na uno. Nagsama 'yung dalawang matalino sa grupo eh.
I smiled as I nodded to myself while reading their chats sa aming group chat ng mga groupmates ko. Totoo naman kasi na malakas sa presentation 'yung grupo nila Camille at Cedric dahil pareho naman silang matalino kaya nabubuhat nila 'yung buong grupo nila. Nga pala, si Camille Reynoso 'yung isa sa top student ng klase namin dito sa Section 5. Samantalang ako, eto. Tamang kinig na lang sa gedli.
Oh 'di ba? Sana all.
"So this is our teaching plan..." Camille's voice suddenly flooded through my earphones as their slide revealed the template for their teaching plan para dun sa health teaching na gagawin for the patient na nasa aming case study. Shucks, halata talagang pinaghandaan nila. Samantalang 'yung sa amin... ay ewan. Buti na lang 'di kami ang mag-p-present ngayon. Hahaha!
Julia: Ay? Ganun pala dapat 'yung teaching plan?
Jon: Sabi ko sa inyo ganun dapat eh. Ayaw niyo maniwala sa 'kin eh aports aports ko 'yang si Camille!
Julia: Oh edi xori. My false!
I started to type in my message para matigil na sila dahil umagang-umaga, napaka-ingay nila. I hit the 'send' button right after.
: Nga pala, tapos ko na 'yung part ko for the next case pres. Chat niyo na lang ako 'pag may tanong kayo or ipapadagdag.
Mayamaya pa, sumagot na ang mga kolokoy.
Jon: Ang bilis mo naman! 'Di pa nga namin binabasa 'yung susunod eh. :<
Julia: Mamaw
Loyd: Pre? Ikaw ba 'yan, pre? @Joshua
: Gago ka talaga @Loyd Ballesteros HAHAHA
Loyd: Siyempre, kaya nga tayo naging mag-aports eh! @Joshua
Drea: mukhang inspired ka tyong ah? @Joshua Dela Torre
: Nakakahiya sa crush kong matalino eh. @Drea Benitez
Natahimik ang group chat namin saglit nang biglang nag-message ulit ang pinsan ko na si Drea. Oo, kaklase ko ang pinsan ko. Ang galing, 'di ba?
Drea: Crush mo si Ate Cams?! @Joshua Dela Torre
Kasabay no'n ay ang biglang pagbagsak ng phone sa mukha ko.
Loyd: Good luck pre! Mahirap kaibiganin ang mga top student, let alone paibigin. Hahaha! @Joshua
Drea: Oy, mabait 'yan si Ate Cams! Tinulungan ako niyan dati sa paggawa ng med chart.
Jon: Truth. Just don't get on her bad side kasi hindi siya madaling magpatawad.
Loyd: Scary!
Loyd: Ano pre? Okay ka pa ba? @Joshua
: Mga siraulo. Porke't matalino, si Camille agad?
Drea: Bakit hindi? Eh nakikita kaya namin 'yung interaction niyo sa shared posts mo sa social media.
: Anywayyy... diyan na kayo. Makikinig na 'ko. HAHAHA!
Loyd: Iba talaga pag tinamaan
Julia: Sana all pinakikinggan 'yung presentation ni crush.
: Balakaujan hahaha
Kasalukuyang nasa pagpapalabas ng mga infomercials sina Camille about gun safety for kids. Grabe, mga talagang nag-research. Sana all mataba ang utak. After ng kanilang infomercial ay may ipinakita rin silang mga pamphlets and siyempre, siya pa rin ang nagsasalita. "Kung mapapansin niyo, ang mga bata kasi para silang sponge. Lahat ng nakikita at naririnig nila, ina-absorb nila. Ginagaya nila. Gaya-gaya nga, kumbaga." She explained and I resulted into a chuckle kasi totoo naman 'yung sinabi niya. Danas ko 'yan sa mga nakababata kong kapatid, lalo na kay Raine, 'yung bunso namin. Ako palagi ginagaya, mula sa pagkilos hanggang sa pananalita, parang ako raw sabi nila Mama.
Napansin ko naman na napangiti 'yung prof namin na si Ma'am Shiela sa sinabi niya.
Grabe, iba talaga charisma netong babaeng 'to 'pag nag-p-present. Napapangiti pati mismong professor.
"Kaya dapat etong mga bagay na ito such as 'yung mga guns, poisonous chemicals and medicines ay naka-store isang lugar kung saan hindi nila agad maaabot at mabubuksan para ma-preserve ang kanilang safety kahit na nasa loob ng bahay sila." She added then they moved to the next slide which showed the list of their members. Tapos na presentation nila. "And that's our group's presentation. Thank you for listening!"
Thank you rin for coming into my life. Haha!
Napangiti ako habang nakatingin lang kay Camille na siyang naka-open cam ngayon sa aming online class. Grabe, ganun ba talaga kahirap kausapin 'tong babaeng 'to?
"What a very informative presentation, Group Five! Madami kaming natutunan, even ako, na inyong professor sa inyong presentation lalo na dun sa health teaching. Also, great nursing care plan, as expected. I would definitely give you guys a 100% for the effort and the content that you have presented us." Sabi nung prof namin. Bumakas naman sa mukha ni Camille ang pagkatuwa dahil sa makukuha nilang score.
Sana all talaga nakaka-100 sa case presentation.
"Thank you po Ma'am!" Buong galak naman na sinabi ng Group 5.
Drea: tyong? gising ka pa? hahahaha naka-100 yung grupo ng crush mo yiiieee @Joshua Dela Torre
: anung crush? hahahaha tigilan niyo kami @Drea
Pero totoo naman.
Gusto ko si Camille Reynoso...
Gusto ko siyang talunin sa acads. Haha!
BINABASA MO ANG
Destiny
Teen Fiction"Hindi ako naniniwala sa destiny." That's what the 20-year-old Joshua Dela Torre had always told himself ever since. But what happens when he meets Camille Reynoso, 23, a woman from his online class? © All Rights Reserved 2022