Part 5

716 36 0
                                    

"FULLY-BOOKED?" Mahinang lumabas sa bibig ni Ella ang salitang iyon. Kahit na tirik na tirik ang araw sa labas ay nakadama siya ng ginaw nang pumasok siya sa lobby ng Boracay Island Hotel. It was air-conditioned at sumigid sa buto niya ang lamig lalo at basang-basa ang suot niya. At sa mga sandaling iyon, hindi niya alam kung ano ang unang iindahin. Ang ginaw sa katawan niya o ang dismaya.

"Hello, Ma'am, Sir. I'm Miss Bennet," pakilala ng isang babae na nakasali sa pakikipag-usap niya sa receptionist. "Mayroon po tayong kaunting problema sa room availability."

"Kinumpirma ko ang pagdating namin ngayon," dismayadong sabi ni Ella.

"Yes, ma'am. But we also have this procedure na mag-overbook nang kaunti just in case previous guest won't show up. Actually, we tried to contact you bago namin ibinigay sa iba ang room ninyo."

"We had some hassles going through here," sagot niya. Hindi lang niya masabing parang may puwersang pumipigil sa kanila sa lakad nilang iyon.

"Hindi kaya dahil GC ang ibabayad namin sa inyo kaya naibigay sa iba ang kuwarto namin?" sabad ni Jaypee sa tonong pabiro.

"No, sir," depensa ni Miss Bennet. "Nag-overbook kami dahil mayroon namang guests na scheduled na mag-check out ngayong maghapon. This is just a little inconvenience, ma'am, sir. Maybe, habang naghihintay kayo, we'll allow you to use our other amenities."

"Amenities," ulit ni Jaypee. "How about providing my girlfriend a dry, clean clothes? Posible ba iyon?"

Lumipat ang tingin ni Miss Bennet sa kanya. Tila noon lamang nito napansin ang anyo niya.

"Certainly. Let's go this way, ma'am---"

"Ella. Just call me Ella," sabi niya dito. "Sekretarya ako ng talagang mag-a-avail ng GC. Ibinigay lang niya sa amin."

"It doesn't matter. Dito sa amin, lahat ng guests ay pantay-pantay. But of course, I know na kasamahan kayo ni Ma'am Rachel sa dati niyang trabaho."

"Yes. By the way, puwede bang makapag-hot shower muna ako? Nagiginaw kasi ako. If possible, paki-dyer lang iyong damit ko. Malinis naman iyon. Nabasa nga lang ng dagat."

"Ako nang bahala, ma'am. I mean, Ella. I just want to apologize for this bathroom. For staff use lang kasi ito."

"This will definitely do," she said with gratitude. Nakatalikod na si Miss Bennet nang mapansin niya si Jaypee na nakatunghay sa kanya. "O, ikaw naman, ano ang papel mo?"

Napangiti ito. "Ikaw. Kung kailangan mo ba ng tagahilod, eh."

"Tse! Kaninang umaga pa tayo minamalas! Get out of my sight!"

"Ella naman," natatawang sabi nito na hindi naman naapektuhan sa halos manlisik na niyang mga mata. "Hindi pa tayo ikinakasal, ina-under mo na ako."

"Naiinis na akong talaga!" gigil na sabi niya. At bago tuluyang pumasok sa banyo ay may kinuha siya sa bag. "Ikaw na nga ang maghawak niyang GC. Baka mamaya, mai-flush ko na iyan sa toilet bowl!"


PRENTENG nagkakape si Jaypee sa coffee shop ng hotel nang matapos siyang maligo. Isang bagong bestida ang inabot sa kanya ni Miss Bennet sapagkat pinalabhan na pala nito ng husto ang mga damit niya nang makitang sumipsip iyon ng alat ng tubig. She was juts thankful na isang plastic tote bag ang kinalalagyan ng underwear niya kaya nakabawas na iyon sa problema niya.

"You're pretty," puri sa kanya ni Jaypee nang lumapit siya. "Bagay pala sa iyo ang ganyang bestida."

"Salamat," matabang na sagot niya at halos padarag na naupo sa tapat nito. "Kumain ka na?"

Tiningnan siya ni Jaypee. "Hindi naman ako ganun ka-walang konsensya. Kahit naman gutom na ako, hinintay pa rin kita. Pero nag-ikot-ikot na ako. Marami tayong mapagpipiliang pagkain. Be it native or any thing. Ano ang type mo?"

"Basta iyong mabubusog ako," wika niya.

"Kanin at plain soup!" mabilis na wika ni Jaypee. "Matipid pa!"

"Jaypee, batukan na kaya kita?" nanlalaki ang mga matang sabi niya dito.

"Ina-under mo na naman ako," sabi lang nito.

Lumipat lang sila sa garden restaurant ng hotel. Taliwas naman sa mga kalokohan ni Jaypee, masaganang tanghalian ang inorder nito kahit na nga ba halos alas tres na ng hapon. Palibhasa ay kapwa gutom, daig pa nila ang lumaban sa giyera nang magsimulang kumain.

"Kinausap mo na ba uli ang nasa counter? Anong oras daw tayo magkakaroon ng kuwarto?"

"May magtse-check out daw ng six pm. Give an hour para malinis nila ang kuwarto at mapalitan ang mga linen." Sinulyapan nito ang relo. "Ilang oras lang naman tayong maghihintay."

"I have another idea, Jaypee. Kung kumuha na lang kaya tayo ng ibang cottage. Marami naman dito. Piliin natin iyong kaya ng budget natin."

"Ano ka naman, Drizella?" May pagtutol agad sa tinig nito. "Saan ka naman nakakita ng nag-avail ng GC na kumuha ng ibang cottage. All they're asking was few hours of waiting. At habang naghihintay tayo, everything we use here is free."

"Including this meal?" tanong niya.

Tumango ito.

"Walanghiya ka! Kaya pala kahit na gusto ko pa sanang lumabas kanina ay dito ka na nag-aya. Wala ka bang pera?"

"Meron naman. Pero siyempre, tinitipid ko dahil pampakasal natin iyon."

Umungol lang siya. Hanggang ngayon yata, hindi niya alam kung kailan seryoso si Jaypee at kung kailan nagbibiro lang ito.

"Mag-bar hopping tayo tonight," wika ni Jaypee. "Don't worry, hindi sa bar nitong hotel. At ako ang magbabayad. Para naman hindi mo ako nilalait na kuripot at walang pera."

Inirapan niya ito. "I'm tired. Ang gusto, magkaroon na ng kuwarto para makahiga at makapagpahinga."

"Higa?" Kumislap ang mga mata nito. "I liked that idea."

"Hindi ka ba napapagod sa mga nangyari sa atin sa araw na ito?" tanong niya dito na hindi pinansin ang may lamang tinuran nito.

"It's all in the mind, Ella. Kapag inisip mo iyong mga nangyari, hindi ka mag-e-enjoy. Look around you, puro masasayang mukha ng tao ang makikita mo. Lahat, enjoyment and relaxation ang pakay dito. Kaya kung ako sa iyo, kalimutan mo na iyong mga hassles na nangyari kanina. Take a deep breath and let's start to paint the town red!"

--- itutuloy ---

Maraming salamat sa pagbabasa.

Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor

Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza

Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor

My Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals

Places & Souvenirs - BORACAY 4 - Passion And DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon