-Hans-
"What the F bro!? what is this?" gumagawa ako ng report when Mateo barged in holding a file.
Nag angat naman ako ng tingin dahil nagulat ako."Ha? Ang alin?"
He show me a certain part of the paper and I read my name on it with my precious sign.
Doon ko lang narealized kung ano ang tinutukoy niya. Binigyan ko naman siya ng tipid na ngiti bago pinagpatuloy ang ginagawa.
"So this was the reason why you look out of it when I show you the patient's name? do you know her?" tanong niya nang marealized niya rin iyon.
"Unfortunately yes, hope I didn't" sagot ko, now staring unconsciously at my screen.
"Who is she, if you don't mind" mahinahong tanong ni Mateo, now seated beside me like he knows my sentiment.
Tumingin naman ako sa kanya bago ngumiti."She's someone very important to me, she's a huge part of my sun because I revolve around her for almost half of my existence."
Nanatiling nakatitig sa akin si Mateo bago ako tinapik sa balikat."I hope she will stay as a sun to you."
Ngumiti ulit ako."Please don't tell this to anyone, especially Niko."
Hindi naman na siya nagtanong kung bakit at tumango nalang, muli niya akong tinapik sa balikat bago tumayo, pero bago siya tuluyang lumabas ay may sinabi pa siya sa akin na alam kong maririnig ko rin pero di ko akalaing ganoong kasakit kapag narinig mo na."I hope you'll convince her to be admitted very soon, her condition is already fatal."
Tinapos ko lahat ng reports ko at maaga akong natapos sa duty.
Agad akong nagpalit ng damit at nagdrive paalis papuntang Cagayan, gabi na at siguradong madaling araw na akong makakarating roon pero sanay na ako, I'm tired, but I'm doing this for her. I know she doesn't want me doing this but I can't risk any single moment not to be with her especially that her condition needs a serious attention.
Bumili pa ako nung favorite niyang donuts sa daan.
I arrived at Cagayan 3:41 in the morning. May sarili akong susi ng apartment niya kaya nakapasok ako. Dahan dahan kong nilapag sa lamesa ang binili kong donut bago siya pinuntahan sa kwarto niya.
She's sleeping peacefully, na parang wala siyang pinagdadaanan, changes on her physical appearance is starting to be noticeable, but she's still the most beautiful woman for me.
It's just sad that I realized my feelings towards her when things got blurry like this, but I believe in miracles.
Hinawi ko ang buhok na humaharang sa mukha niya, inayos ko din ang kanyang kumot bago siya hinalikan sa kanyang noo.
Aalis na sana ako sa kwarto niya nang mapansin ko ang mga nagkalat na papel sa desk niya.
Lumapit ako rito at isaisa itong nilinis at ibinalik sa kanilang dapat na kinaroroonan, but a certain paper caught my attention, isa itong resignation paper.
Hindi ko na ito pinakialaman at binalik sa kung saan ko ito nakita.
Pag katapos kong mag shower ay sumalpak na ako sa kama ko sa kabilang kwarto, pagod na pagod pero bago pa ako tuluyang makaidlip ay naka tanggap pa ako ng tawag mula kay Nikko, katatapos lang ng duty niya at nagtatampo dahil hindi ko siya hinintay, balak niya rin kasing pumunta rito sa Cagayan dahil nalipat dito si Li.
BINABASA MO ANG
It's okay, We are all broken (Medical Series #4)
Teen FictionA very chaotic, emotional and mental love story. A very unexpected, a hidden love. Would it be unveil? Get in to know the roller coaster of Hans and Grace.