Kabanata 59

16.5K 365 8
                                    

KABANATA 59 :: STARE

Kendi enjoyed eating the Black Forest. Laking pasasalamat ko na lang na hindi sya mapagtanim ng tampo dahil kung hindi ay hindi ko alam ang gagawin ko.

"Oh kamusta si Kendi?" tanong ni Kuya Kendrick sa kabilang linya.

Kung hindi pa siya tumawag ay hindi ko pa nalaman na biglaan siyang nagpunta sa Palawan.

This guy and his mood swings. Minsan he's normal, madalas abnormal.

Sinulyapan ko si Kendria sa kama bago naglakad palabas ng kanyang kwarto. I tucked her to bed and read a story book kaya madali siyang nakatulog.

"She's fine. Nakalimutan na ang tampo. How about you? Are still fine brother?"

That was supposed to be a light question but I heard him sigh heavily.

"Hindi ko na alam..." he sounds so tired.

Hindi naman lingid sa kaalaman ko ang pinagdaraanan nya. Hindi man nya sabihin lahat, paminsan-minsan ay nadudulas siya o kusang nagsasabi ng ilang detalye.

"Kuya, kung mahal mo ilalaban mo."

"Pero ikaw din ang nagsabi na minsan hindi sapat na mahal mo lang."

Nanahimik kaming dalawa. Natatandaan kong sinabi ko iyon nang minsang tanungin nya ako kung mahal ko daw ba talaga ang anak ko, bakit ipinagkakait ko sa kanya ang buong pamilya. I don't know what I answered exactly that night but I remember breaking down while explaining a hundred and one reason why Kleindro should never know our daughter's existence as of the moment.

"Ikakasal na sya sa iba," nabasag ang boses niya.

Napapikit ako nang makahiga sa aking kama.

"Nakausap ko sya. She told me she's happy so baka umuwi na din ako dyan next week. I don't know," patuloy nya pa.

I heard his harsh breathing. Alam kong nilalabanan nya lang ang matinding emosyon dahil kausap nya pa ako.

Nakaramdam ako ng awa para sa kapatid but then again I can't do anything. Wala akong ibang magagawa dahil hindi ko hawak ang kapalaran.

And sometimes it made me wonder if God is really fair. I know my brother is an asshole sometimes but he is the softest and most caring person I know for the past four years. Hindi nya deserve ito

I sigh agaid.

"Kuya..." I called him gently. "Nandito lang ako palagi ha? Just like how you stayed by my side when no one did. Pamilya tayo..."

"Thanks sis, gotta go."

"Wag maglalasing sa-"

I breathe out loudly dahil pinatayan nya na ako ng telepono.

Kung may pinagkatulad kaming magkapatid, yun siguro ay ang pagiging malas sa pag-ibig.

Late na ako nakatulog kaya naman kinabukasan ay si Kendi pa ang gumising sa akin. Si Erna ang naghanda ng breakfast namin at nagbabalak akong huwag na munang pumunta sa cafe ngayong umaga dahil may shock pa yata ako sa pagkikita namin ni Kleindro.

I don't want another encouter with him.

"Mimi okay lang ikaw?"

Nilingon ko si Kendria na hawak-hawak pa ang tinidor niya. Her curly hair is cliiped into a half bun the reason why her round brown eyes are so much visible.

Nakaupo siya sa high stool katapat ko habang si Erna ay nakabantay sa likod nya.

"Yes I'm fine," I paused, "Come on... Halika dito naku ang baby na ito ang kalat-kalat kumain!"

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon