Chapter twenty-seven: I love you, Forever

4 1 0
                                    

Nakaupo lang kami dito sa lilim ng puno habang nakayakap siya sa akin mula sa likod. Marami akong kinwento sa kanya noong hindi pa alam ng pamilya namin ang relasyon namin.

Pwera sa parte na pinagsamantalahan niya ako dahil ayoko na malaman niya iyon ngayon wala siyang maalala.

Nandito sa parte ko na sana ay hindi na bumalik pa sa kanya ang alaala na iyon.

Ayokong dagdagan ang mga alalahanin niya kahit na gusto niyang malaman kung paano kami nagsimulang magkaroon ng relasyon.

"Gusto ko pa rin malaman kung paano ka napunta sa akin pero maghihintay ako." Malambing niyang turan kaya napangiti ako.

"Alam mo ba na noong una ay galit na galit ka sa amin ni mama?" Bigla ko na lang na nasabi sa kanya.

"Why baby?" Tanong niya.

"Kasi akala mo ay katulad ng ibang babae na lumalapit kay uncle ay social climber rin si mama at pera lang ang habol namin sa pamilya mo." Kwento ko sa kanya.

"Pero wala kang nagawa dahil pinakasalan na ng ama mo si mama at tumira na kami sa mansion. Takot na takot ako sa'yo noon dahil laging masama ang tingin mo sa amin at madalas kayong mag-away ni uncle. Buti na lang at mabait si Kuya Tarick at Tyron na tinanggap kami ni mama ng buong puso." Napatawa siya ng mahina.

"Ganun ba talaga ako kasama noon? nakikinita ko kung paano kita i-bully noon." Napangiti ako ng sabihin niya iyon, iyon ang worse part noon sa mansion ang makasalubong ko siya dahil alam ko na may sasabihin lang siya na masama.

"Pero nang magsimula ka nang magtrabaho sa kumpanya niyo ay iyon ang pinakamasayang araw sa buhay ko dahil bihira ka na lang umuwi sa bahay at may sarili ka nang condo at madalas kang wala dito sa Pilipinas." Pagpapatuloy ko sa pagkwento sa kanya.

Hindi ko alam noon na bukod sa pagtatrabaho niya sa kumpanya ay nag-aaral rin pala siya ng law at nakapagpatayo siya ng law firm kasama si Kuya Z at ng ilan sa mga kaibigan nila.

Sobrang proud ako noon sa kanya bata pa siya ay marami na siyang achievement kaya ipinagmamalaki siya ng mga kapatid niya at ni uncle.

Nalaman ko ito noong mawala si Theo nagkwento noon si Kuya Z sa lahat ng nagawa nila. Sa edad niyang tatlong pung taon ay marami na siyang nagawa at marami na siyang narating.

May sarili siyang kumpanya at hanggang ngayon ay matatag pa rin at sa tulong ng mga kapatid niya at mga kaibigan ay patuloy na umaangat sa mundo ng negosyo.

"Tarick said i am billionnaire because of my busenessess and my heritance to our late mother. And of course for our law and agency firm na may share rin ako." Napapailing niyang turan kaya napangiti ako.

Hindi naman mahalaga sa akin iyon kung gaano siya karaming pera dahil ang mahalaga ay mahal na mahal ko siya sila ng anak namin at dahil nakabalik na siya sa amin ay gagawin ko ang lahat para matulungan siya na makabalik ulit ang alaala niya.

Ilang sandali pa kami sa lugar at nagyaya na akong umuwi dahil hinahanap na ni Isaac ang ama niya kaya napailing na lang ako.

Mas hinahanap na ngayon ng anak namin si Theo kaysa sa akin. Alam ko na bumabawi si Theo sa mga taon na hindi niya nakasama at isa ito sa pinakamasayang parte ng buhay ko.

Tatlong linggo pa ang matulin na lumipas at lahat ng bagay ay nagiging maayos. Theo is taking his own theraphy at mag-isa na lang siya na pumupunta kay Emman ngayon.

Naging abala na rin kasi ako sa eskwelahan dahil malapit na akong mag-take ng LET exam. I graduated last week and i am proud of myself again.

Maging si Theo ay kita rin ang saya maging ang buo naming pamilya.

Madeline Iris ( The Secret Lover ) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon