Naalimpungatan ako ng marinig ko si Theo na umuungol at pawis na pawis kaya napabangon ako bigla at ginising siya.
"Theo? Gising babe." Mukhang nananaginip siya at halata ang takot sa mukha niya habang nakapikit at pabiling-biling.
Ilang ulit ko siyang ginigising pero hindi siya magising gusto kong umiyak pero hindi ito ang tamang oras para dito.
Hinalikan ko na lang siya at umibabaw sa kanya ilang ulit ko siyang hinalikan hanggang sa maramdaman ko ang pagyakap niya sa akin.
Napaungol siya at tinugon ang halik ko kaya nakahinga ako ng maluwag dahil alam ko na gising na siya.
"Baby i had a bad dream. I feel like i'm suffocating." Mahina niyang turan kaya lalo ko lang siyang yinakap ng mahigpit.
"Okay na Theo
"I'm thirsty." Bulong niya kaya tumayo ako at kumuha ng baso na nakalagay sa ibabaw ng mini ref na nandito sa kwarto namin at kumuha ng pitsel at nagsalin ng tubig saka ako bumalik kay Theo na nakaupo na at hawak ang ulo niya.
"Ito na uminom ka muna." Agad niya itong inabot sa akin at umimom siya na halos maubos ang laman ng baso.
Nanginginig pa ang mga kamay niya ng iabot niya sa akin baso. Inilagay ko ito sa bedside table at muli ko siyang binalikan at yinakap siya ng mahigpit.
"Panaginip lang iyon Theo." Pagpapakalma ko sa kanya lalo lang niya akong niyakap ng mahigpit kaya napabuntong hininga na lang ako.
"Almost every night i dream it when i was still in Canada getting my theraphy. That nightmare never leave my mind." Mahina niyang bulong kaya lalo ko lang siyang niyakap ng mas mahigpit.
Gusto kong maiyak sa nararamdaman ko na paghihirap sa kanya marahil ay dala ito ng trauma na nakuha niya mula sa aksidente nila limang taon na ang nakakaraan.
Ilang minuto pa kami sa ganitong ayos ng maramdaman ko ulit na marahan na siyang humihilik kaya inayos ko na ang pagkakahiga niya pero napahiga ako ng kabigin niya ako at nakayakap na siya ng mahigpit sa akin.
Hindi ako nakatulog dahil binabantayan ko siya ayokong matulog dahil baka muli siyang dalawin ng masama niyang panaginip.
Pero payapa na ang paghinga sa nakalipas na oras kaya hindi ko na napigilan pa at tuluyan na akong iginupo ng antok ko.
Nagising ako sa ingay ng telebisyon dito sa kwarto ko at ang hagikhik ng anak ko.
Napabangon ako dahil sa malutong na tawa nito at nakita ko si Theo na kalong ang anak namin at parehong nanonood ng cartoons na paborito ni Isaac.
"Good morning mama." Napangiti ako ng lumapit sa akin ang anak ko at sumampa sa kama at yumakap sa aking ng mahigpit.
"Good morning too my baby." Nakangiti kong turan naramdaman ko na yumakap sa akin si Theo mula sa likod at hinalikan ako sa pisngi.
Ito iyong pinangarap ko noon ang ganito kagandang umaga kasama ang mag-ama ko ngayon ay hindi ako makapaniwala na nararanasan ko na ang akala ko na hanggang pangarap na lang.
Bumaba na kami at masayang nag-agahan kasalo ang pamilya namin maingay at puno ng tawa.
Nangunguna syempre ang anak ko na madaldal na at nagkukwento sa papa niya na tinatanguan lang nito.
Nakita ko pa rin ang lumbay sa mga mata niya dahil alam ko na pinipilit lang niyang alalahanin ang lahat.
Matapos kaming mag-agahan ay iniwan ko muna si Isaac kay Kuya Tarick na dinala niya sa kabilang bahay kung saan ang bahay nina Rian.
Inaya ko na si Theo na umakyat muli sa taas at para magawa ko na ang gustong-gusto ko ng gawin noong nakaraang linggo pa.
Umupo si Theo sa kama namin at tumuloy ako sa vanity table ko at may kinuha sa kabinet.
BINABASA MO ANG
Madeline Iris ( The Secret Lover ) Completed
RomanceSi Madeline, ay isang simpleng dalaga na ang gusto lang ay magkaroon ng tahimik at masayang pamilya, natagpuan niya ito sa pamilya ng pangalawang asawa ng kanyang ina. Nagkaroon siya ng mga kapatid, mababait ito at itinuring siya ng mga ito na paran...