KABANATA 54 :: BENCH
Tamad akong naglakad-lakad sa gilid ng simbahan. Paminsan-minsan ay yumuyuko ako para mamulot ng mga kalat. Wala kase akong magawa. Nag-aaral ang mga bata ngayon umaga at bilin naman ni Mother Eralda, ang madre superiora, huwag akong matulog.
Sabi nya masama kapag palagi akong nakahiga dahil hindi mai-stretch ang katawan ko. Hindi daw yun makakatulong kung normal delivery.
Limang buwan pa bago ako manganak pero alagang-alaga nila ako. Mula sa kuwarto ko sa dulong bahagi ng unang palapag na dati ay tambakan, pinalipat ako sa mas malaking kuwarto. Si Papa din ang nagpalagay ng aircon doon kahit ayoko. Malamig doon at malambot ang kama kaya naman halos ayaw nang magmulat ng mata ko, gusto ko na lamang matulog maghapon.
Marami-rami na ang nagbago, dati-rati ay hindi ako madasalin. Ngayon ay hindi ako makatulog hangga't hindi nakakapagdasal. Naging parte na iyon ng maghapon ko. Minsan ay sumasama ako sa choir practice ng mga bata kaya naman nagustuhan ko na din ang mga worship songs.
I even made a notebook where I am writing my everyday life. Nang isama ako ng mga madre sa isang recollection ay nabanggit ng speaker na mas mabuting naiilabas ang mga saloobin.
Natatawa nga ako sa inilagay kong front cover; A Hundred Thousand Reasons Why God Should Accept Me In Heaven. Gusto ko lang na kung darating man ang araw na yun, handa na ang mahabang listahan ng mga pinaggagawa ko sa mundo.
Pabagsak na talaga ang talukap ng mga mata ko kaya imbis na maupo sa bench ay pinagkaabalahan ko ang mga yellow bell sa gilid ng simbahan. Araw-araw itong dinidiligan at alagang-alaga ng mga madre.
Sa umaga ay halos walang tao rito ngunit sa bandang hapon ay punong-puno ito ng mga kabataang nag de-date o naglilibang pagkatapos ng six pm mass.
"Vanna? Sabi ko na nga ba ikaw yan!"
I frozed upon hearing that familiar manly voice.
Ang antok ko na kanina lamang ay halos bumalit sa akin ay nawala kasama ang aking kaluluwa.
Malakas ang pintig ng puso ko nang lingunin siya.
"K-Kendrick... Uhm..."
"Sa wakas nahanap din kita. I was so worried," aniya at mabilis na nakalapit sa akin.
Wala akong maapuhap na sasabihin lalo pa at mabilis na bumaba ang mata niya sa suot kong damit. Siguradong sabog-sabog ang buhok ko dahil hindi ko mahanap ang pang pony tail ko kanina.
Simula naman nang mapunta ako sa ampunan ay hindi na ako naglagay ng kahit anong kolorete sa mukha. Parang nakalimutan ko na nga kung paano gamitin iyon.
Masayang-masaya siya nang makita ako. Niyaya niya ako sa isang ice cream parlor, saktong nag crave ako sa malamig kaya hindi na rin ako tumanggi.
"So kamusta ka na? Nandito ka lang pala sa Manila sa Baguio naman kita hinahanap."
Kumunot agad ang noo ko sa narinig. Paano niya nalaman? Nabanggit ko bang taga-Bagiuo ako? Hindi ko kase matandaan.
"A-Ah kase diba sa Baguio naka base ang pamilya mo? Nabasa ko sa isang magazine. Oo tama sa magazine," agad niyang paliwanag.
Ipinagbalikat ko iyon at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Ayos naman ako, ikaw?"
Tumawa sya ng mahina.
"That asshole... I'm good. Matagal ka na ba dito? Gusto mo bang ano... Kase kung... May extra kase akong condo baka lang..."
Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan siyang hirap na hirap magpaliwanag ng mga pinagsasabi sa akin.
BINABASA MO ANG
Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)
Romance"Six months isn't enough, I want to spend a lifetime with you." -Hot Hotelier Series 1 *** Hindi madali ang lumaki sa anino na iniwan ng ibang tao, higit kanino man si Vanna ang nakakaalam ng mga bagay na iyan sapagkat simula pagkabata ay nakasunod...