—Hans—
Kahit walang espesyal na okasyon ay umuwi ako sa bahay ng wala sa oras, it even surprised me that my parents are actually home already.
"Oh Hans!" gulat na sabi ni mama at tumayo para salubungin ako, nasa sala sila at nanonood ng news ni Papa.
"Kagagaling lang din ni Grace dito kahapon, di ba kayo nagkita?" tanong ni Papa.
"She came here?" tanong ko.
"Oo, may nilakad daw siyang papel sa isang Psychiatric center dito." sagot ni Papa.
"Napadalaw ka, mag ququit ka na ba?" biro ni Mama.
"May pagkain diyan, mag dinner ka na, tapos na kami." singit naman ni Papa.
"May binanggit ba si Grace sa inyo?" I asked instead, ignoring what they said.
"Like what? wala naman." nakakunot noong sabi ni Mama.
"Aside from she's planning to quit her job soon, ewan ko, gusto niya daw pumunta sa Hawaii at doon tumira. " sagot ni Papa.
"Hawaii?"
"Oo, okay narin 'yon para may tumira sa bahay natin doon. Siguro napagod na siya sa Cagayan."
"Grace is acting weird, alam mo namang sobrang devoted 'non sa trabaho niya tapos bigla bigla nalang niyang naisipang magquit. May nangyari ba?" tanong ni Papa.
Umiling lang ako."Akyat muna ako sa kwarto."
"Di ka ba mag di-dinner?" tanong ni mama.
"Tapos na po sa ospital kanina." I lied.
I was about to open my room's door, when I saw Grace room just after mine. I went there instead.
Dahan dahan kong binuksan ang kwarto niya, it's dark inside, the only light is coming from outside. Kinapa ko ang switch and the room lit up.
Sinara ko ang pinto. Sumandal ako doon at pinagmasdan ang kalooban ng kwarto. It reflects her, simple.
Lumapit ako sa desk niya, her things are well organized.
Kinuha ko ang picture frame na nakalapag, it was the first photo taken when we were still a child, before my parents got her, nasa orphanage pa siya noon, we are going there every December to give gifts to the children's.
Marami pang litratong nakadikit sa dingding. Mga litrato mula nung bata kami hanggang sa paglaki.
Pictures during our trip in Hawaii, in Vancouver, Disneyland in Hong Kong and many more places. Pictures during our birthdays, school recognition's, and graduations.
Indeed, we spend almost of our childhood together, and it hurts me that one of us right now might leave first, I don't want to think about it, but there's a possibility.
I lay on her bed and I can smell lavender, very Grace. It's her favorite fragrance.
I got my phone from my pocket and dialed her number, nakadalawang ring ito bago niya sinagot.
"Ano nanaman!?"
Sobrang gandang bungad.
My lips formed a small smile, kasabay ng pag-agos ng luha ko. Siguro mukha na akong baliw.
BINABASA MO ANG
It's okay, We are all broken (Medical Series #4)
Teen FictionA very chaotic, emotional and mental love story. A very unexpected, a hidden love. Would it be unveil? Get in to know the roller coaster of Hans and Grace.