“So, yung babaeng tinutukoy niya ay si Garry? that girl, no, impossible kaya pala curious ako sa lalaking sinasabi niya dahil si Garry pala talaga ’yon.” sabi ko, nakalimutan ko na naka on pa pala ang call ko sakanila.

“Mariel, are you okay?! pupuntahan ka na namin,” rinig ko ang kaba sa boses ni Aleia.

“Mariel, nandyan ka pa ba? Anong nangyari?” tanong naman ni donna.

Nagbagsakan na lamang lahat ng luha ko. Alam kong rinig na rinig nila ang mga hikbi ko kaya paniguradong nagaalala na sila at kinakabahan.

Ilang minuto na pala akong nakatingin sakanila. Ilang minuto ko na palang hindi sinasagot ang mga tanong ng apat, ilang minuto na akong umiiyak. saka ko na lamang naisipan pumasok ng kotse nang makita kong tumingin sa akin si Allison kasabay nito ang pagtingin ni garry. gulat ang expression ni Allison pero mas nagulat si Garry nang makita niya ako.

Hindi ko pala nasabing nakita kong hinalikan ni Allison si Garry. pumasok ako ng kotse atsaka pilit na binubuksan ito ni garry pero pinaandar ko na lamang ito saka umiyak nang umiyak. nakabukas pa pala ang telepono ko.

“Mariel, stop driving! Baka mapano ka,” rinig ko sa phone ang mga sinasabi nila. naka speaker pala ito.

“Mariel, isa! Stop it. Baka mabangga ka. Huminahon ka d’yan. iparada mo ang kotse mo sa tabi,” pero hindi ko sila pinakinggan. patuloy lang ako sa pag drive.

Pinatay na nila ang call dahil siguro nagda-drive na sila papunta sa akin, “hindi ko ba alam, bakit ba ganon?! Bakit ba ako iniiwanan lagi ni garry? Ano bang ayaw niya sa akin? hindi naman siya sinasabi. paano ko malalaman yung ayaw niya kung hindi niya sinasabi, hindi ba.” umiiyak kong sabi, umiiyak na naman ako. makakasama sa akin ito eh.

Nahulog yung phone ko dahil tumatawag si Gabriella, kukunin ko na sana ito pero nabigla ako ng makita kong may paparating na truck kaya bigla ko itong kinaliwa at nabunggo sa puno...

Minulat ko ang mata ko. hinawakan ko ang ulo ko dahil masakit siya, nadugo... pero naiyak ako nang makita kong nagdudugo ang nasa ibaba ko. No. Please, no.

Bago ko maisara ang mga mata ko, narinig ko siya. Narinig ko si Garry, “Honey, please.”

Unti unting sumara na ang mga mata ko.

Garry’s.

Habang pilit kong pinapaalis si Allison dahil mahal ko si Mariel. Hindi ko siya kayang iwanan, matagal ko na sinabi dito kay Allison na ang asawa ko lang ang mahal ko.

“bakit ba ayaw mo sa akin? anong meron sa sakanya na wala sa akin?! tell me, garry,” sabi ni Allison. Nasa sulok kami kung saan walang nakakarinig pero kita ang labas.

“Mahal ko siya, Allison!!” sabi ko habang pilit na hinahawakan ako ni Allison.

“Sino ba ’yang babae na ’yan?!! Bakit gustong gusto mo siya, maganda naman ako! Mayaman ako, kaya kong ibigay lahat sayo!! bakit ba ayaw mo?! Sino ba yang maswerteng babae na ’yan,”

“Ayan, ayan ang ayaw ko sa’yo. masyado kang maraming sinasabi. hindi ko gusto ang pera mo, siya kahit masungit ’yon. Mahal ko siya, hindi ko siya kayang iwanan. itong mga nakaraang araw, kaya wala ako dahil ginagawan ko na ng annulment yung second wife ko.” sabi ko hinawakan naman niya ako.

“pero, garry? bakit ako? ayaw mo ba sa akin?”

“Gusto ko kasing magpakasal ulit kami ni Mariel. hindi ko na siya iiwanan gaya ng dati. hindi ko na siya ipagpapalit pa. pinili ko siya kasi ’yon ang gusto ko, hindi dahil may anak kami kundi dahil mahal ko siya.” tinanggal ko ang pagkakahawak sa akin ni Allison. tama na, ayoko na.

“Mahalin mo rin ako...”

“Tumigil kana. Mahal ko siya, Allison! mahal na mahal ko siya kaya hindi ko siya iiwan para lang sa’yo. sana maintindihan mo ’yon?!” sabi ko aalis na sana ako ng bigla niya akong halikan.

Pero maya-maya nagulat siya dahil para siyang may nakita siya sa likod ko. Nilingon ko ito at nakita ko si Mariel... Si Mariel na mahal ko.

Umiiyak siyang tumingin sa akin, lumabas ako at pumasok siya Dali Dali sa kotse. Pini-pilit kong buksan ito pero ayaw lumabas ni Mariel kaya pinaandar niya ’to.

Kinuha ko ang kotse ko pero pinigilan ako ni Allison, “Garry... please. Don't leave me here,”

Tinignan ko ito bago ako pumasok ng kotse. “I need to explain sakanya. mamaya mapano ’yon, i’m sorry Allison pero kailangan niya ako. Mahal ko siya, susundan ko siya.”

Pero bago ako makapasok sa kotse. Tumawag si Aleia sa akin, “Garryy!! Where are you going?!”

“Si Mariel, susundan ko. nakita niya ako,” sabi ko atsaka binaba ko na ito.

Pumasok ako sa loob ng kotse ko atsaka nagpatuloy sa pag andar. hindi ko na pinansin ang pag iyak ni Allison roon, mas kailangan ako ni Mariel at kailangan kong i explain lahat.

Sinundan ko ang kotse niya. hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sakanya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Hindi ko alam ang i-explain ko kay Gabriella pero kay Mariel marami akong dapat sabihin.

Napatigil ako dahil nakita ko na nagkakagulo ang mga tao roon, bumaba ako at nakipag siksikan.

I saw her kotse. I saw Mariel’s car. agad akong pumunta sa kotse ni Mariel. nakita ko na duguan siya, please wake up. “Honey, please.”

Binuhat ko ito. “Tumabi kayo, tabi kailangan kong dalhin sa hospital ang asawa ko,” sigaw ko, habang hawak hawak ko siya papuntang kotse ko.

Tumabi naman ang lahat, pinasok ko siya sa likod at hinawakan ko siya habang nagda-drive.

“Please, don’t leave us. Huwag mong iwanan si Gabriella, she needs you. Kailangan ka pa namin. huwag kang bibitaw, mahal. Ikakasal pa tayo. Dadalhin pa kita sa simbahan.” saad ko kahit hindi niua ako marinig.

——

oh, walang iiyak. walang susuko. Papahinga pero hindi susuko!! charot, anong kinalaman non dito? HAHAHAHAHAHAHA. odivah, natapos ko rin itong chapter na ito ng 3:53 AM. naks. Vhongga!!!

Mabuhay ang mga gabceeeell faneyy!!! walang susuko mga bestie. lalaban pa si Mariel pero ang baby— hindi natin alam :<

Yesterday, Today, Tomorrow IIWhere stories live. Discover now