Chapter 28

153 11 6
                                    

Chapter 28:

Handa niyo ang sarili niyo dahil iiyak na naman kayo siguro sa chapter na ’to. yung dream niyong bab— opx, no spoiler pahina!

Ilang weeks na mula nung malaman kong buntis ako, at itong araw na ito ay magpupunta ako sa office may kukunin kaso hindi ko kasama ang apat. May mga date sila, si gabriella ay nasa kaibigan niya mamaya susunduin ko siya. Si Garry, may pinuntahan. Lately, nagiging maalaga na ulit siya sa akin. Hindi ko alam ang nakain nung lalaking ’yon.

It's time na siguro para sabihin kay Garry at Gabriella ang tungkol dito. ang sabi rin ng apat go na lang daw ako para naman mas maalaga si garry, binatukan ko nga. aba’y parang mga baliw.

“Hi, Mam! Mukhang may nagbago po sainyo ah,”

“Gumaganda kayo lalo, Mam! OMG!!”

Umiling na lang ako saka nagpatuloy lumakad pa puntang opisina ko. Kukunin ko lang yung mga report na hindi ko napirmahan, sabi kasi pirmahan ko nalang daw para mai-submit. hindi naman ako nakakapunta dito.

Pinirmahan ko na lahat at umalis na rin ako, hindi ko pa gustong magtagal doon. gusto ko lang ulit magpa hangin. hindi ko ba alam pero mas gusto ko yung parang nakakalanghap ako ng malinis kahit hindi naman malinis na hangin ’to. Masaya kasi sa labas saka masyadong maganda. nakikita ko ang mga batang naglalaro, mga teenager na naglalakad. mga kotseng nagaandaran. Mga airplane na lumilipad.

Tinatamad na ako kasing humiga lang sa bahay. Nag suspicious ba naman si gabriella nung isang araw, sabi niya bakit lagi akong nakahiga. laging pagod daw wala naman akong sinabi kaya nanatiling tahimik siya. tinabihan niya ako nung araw na ’yon. At biglang umuwi si Garry nadatnan niya kaming tulog yon ang kwento ni garry kaloka.

Nag ring ang phone ko. si gabriella, baka nagpapasundo na ’to.

“Anak, teka lang ah. Nagpapa sundo kana ba? May bibilhin pa kasi ako eh,” sabi ko.

“Mommy, huwag na po. i’m fine, nakauwi na po ako hinatid ako nila tita, yung mama ng kaibigan ko, nandito rin siya eh kasama ko yung friend ko, okay lang ba mommy?” tanong niya sa kabilang linya.

Ngumiti ako, kahit papaano ay napaka friendly talaga nito. Mabait pa, nagmana sa akin huwag na sa tatay. jusko.

“Sige, sweetheart. uuwi rin ako maya maya.” sabi ko naman.

“love u, mommy! thank you,” sabi niya kaya lalo akong napangiti. hindi talaga mawala na mapangiti ako ng bata na ’to.

“love u too, mahal na mahal ka ni mommy. magiingat ka,” sabi ko at binaba ko na ang call.

Tumayo ako sa upuan saka dumiretso sa kotse ko. Dadaan ako sa paboritong bilihan ng cake ni Garry at Gabriella. nakarating ako sa bilihan ng cake. tinawagan ko yung apat bago ako pumasok sa loob.

“oh, Mariel bakit? nasabi mo na ba? hintayin mo kami ah, magkakasama na kami ngayon,” sabi ni Reigne sa kabilang linya

“wala pa, bibili lang ako ng cake para kay gabriella,” sabi ko naman.

“naka speaker ’to nasa kotse kasi kami. Nagda drive itong si donna, nasaan kana ba? gusto mo bang puntahan ka na namin dyan?” rinig kong sabi ni Kristine.

“No thanks, may kotse ako. Atsaka—” sabi ko.

Pero natigilan ako nang may nakita ako. No— no, no way. natahimik ako bigla, hindi ko alam. hindi ko alam ang mararamdaman ko para akong sinasaksak ng ilang beses sa puso. hindi agad ako nakaimik at nakaalis sa pwesto ko.

Rinig ko ang pagtatanong ng apat sa call. hindi ko sila masagot dahil ang tanging nakikita ko lang ay yung nasa harapan ko. hindi pa ako makapaniwala pero nang lumingon ito saka ko napagtanto na siya nga, sila nga. bakit ganon?

Yesterday, Today, Tomorrow IIWhere stories live. Discover now