Mga sira-sirang bahay ang bumungad sa akin, may nakikita rin akong mga batang naghahabulan at puro punit ang suot na damit. Masyado ring madumi ang paligid, may iilang nanlilimos sa gilid-gilid.
Sa paanong paraan pinamumunuan ng Hari at Reyna ang kanilang kaharian? Bakit parang napabayaan ang lugar na ito, bakit hindi nila tinutulungan ang mga taong ito?
This is not what I expected from the North Kingdom, ang akala ko'y maganda ang kanilang pamumuhay dito. Ngunit ano itong nakikita ko?
Nagsimula akong maglakad, nalalanghap ko rin ang mga malansang amoy. Napatingin ang ibang mga tao sa aking direksyon.
"M-may leyon!"
"Mga kababayan, magsilikas tayo sapagkat papatayin tayo ng leyon!"
Nagsimulang magtakbuhan ang lahat, tumabingi ang ulo ni Zera na parang walang alam kung bakit ganoon na lang ang reaksyon ng mga tao nang makita sya. Natatawang hinaplos ko ang kanyang ulo.
"Ate dyosa? May kamukha ka po." Napalingon ako sa pinanggalingan ng maliit na boses. Nakangiting tumingala sa akin ang isang paslit na batang babae.
Kumunot naman ang aking noo. "At sino naman iyon?" Lumuhod pa ako upang mapantayan sya.
Lumiwanag ang kanyang mukha. "Si prinsesa Amara po! Kamukhang kamukha nyo po sya, pareho kayo ng kulay ng buhok. Parang ginto." Her eyes twingkled. Nabigla naman ako sapagkat nakilala nya ako.
Sikat ba dito si Amara?
"Papaano mo nalamang ako si Amara, bata?" Nakangiting tanong ko dito.
"Totoo ngang ikaw si Prinsesa Amara?" Masiglang tanong nito, I nodded. "Kasi po pareho po kayong maganda, tsaka kilalang kilala ka po ng lahat ng naririto sapagkat palagi mong dinadalaw ang aming lugar noon! Natigil nga lang nang ipadala ka ng Hari at Reyna sa Central Empire upang maging Concubine ng Emperor." Naging malungkot ang kanyang mukha.
Palaging pumupunta si Amara dito?
"Palagi ka nga pong namimigay ng pagkain sa amin, malaki po ang naging tulong nyo. Natakot lang ang mga tao kanina kasi may dala kang leyon, at medyo nagbago ng konti ang iyong mukha." Mataas nitong litanya.
Amara is really a kind hearted girl huh? Malayong-malayo sa akin. Tumayo ako at pinagpagan ang suot.
"Bakit ganito ang lugar na ito? Hindi ba kayo humihingi ng tulong sa Hari?" Magkasunod kong tanong.
Iniyuko nya ang ulo. "Palagi pong pinupuntahan ng mga matataas na opisyales ang lugar namin, naniningil sila ng matataas na buwis na higit pa sa aming nakasanayan at kung wala kaming maibigay ay sinisira nila ang ibang kabahayan at ang aming mga pananim. Hindi po kami nakakapagsumbong sapagkat binabantaan nila kami."
Nakagat ko ang aking labi, those rats! Masuyo kong hinaplos ang kanyang buhok. "Everything's gonna be okay, I'll help you, I promise." Mabilisan ko itong niyakap, rinig ko ang mumunti nyang pagsinghot.
Kinuha ko ang supot sa bulsa ng aking shorts, dito ko itinago ang dala-dala kong gintong barya. "Here." Inabot ko sa bata ang supot.
Nanlaki ang kanyang mata nang masilip ang laman nito. "Hatiin mo ang perang iyan at ibigay mo sa iba nyo pang kasamahan." Usal ko dito, nanubig ang kanyang mata at mahigpit akong hinagkan.
"Maraming salamat po! Makakakain na po kami ng ilang buwan dahil dito, salamat po ate." I just smiled.
"What's your name kiddo?" Tanong ko dito, her forehead wringkled.
"Ano po?"
"Ano ang iyong pangalan?" Lumiwanag ang kanyang mukha. "Ako po si Minda." Tumango-tango ako sa naging sagot nito.
"Sya si Zera, ang alaga ko." Tukoy ko sa leyong nakahiga na ngayon sa lupa. Her eyes twinkled at nang akmang hahawakan ang leyon, pinigilan ko ito. "Don't, maarte ang leyong iyan." Zera growled at my remarks, bumungisngis ang bata.
Pinatayo ko si Zera. "Kailangan ko nang umalis Minda, babalik lang ako ulit dito." Matapos magpaalam ay umalis na ako sa kanilang lugar.
Napapakibit balikat na lang ako tuwing umiiwas sa dinadaanan ko ang ibang mga tao, sino ba namang hindi matatakot sa malaking leyong katabi ko?
Namamangha kong tiningnan ang isang malaking palasyo, napupuno ito ng makikintab na mga palamuti. Mapait akong napangiti, the people inside this magnificent palace didn't even give a damn about the people suffering outside. Ang sa kanila lang ay magpakasayang tinatamasa ang kayamanang meron sila. I have a urge to kil them one by one.
Pumunta ako sa isang sulok na hindi madaling makikita ng tao. "Zera, stay here and behave, babalikan lang kita mamaya." Tumango-tango naman ang leyon. I pat her head before leaving.
Napatingin sa akin ang dalawang gwardyang nagbabantay sa gate ng palasyo, bumaba ang kanilang paningin sa lantad kong mga binti. I stiffened in disgust. "Eyes up here assholes." Pinalamig ko ang aking tingin.
Nang makita ang aking mukha ay nanginginig silang napaatras, mabilisan silang yumuko. "P-patawad sa aming kapangahasan Prinsesa Amara." Inirapan ko lang ang mga ito.
"Open the gate." Mabilisan naman nilang sinunod ang aking utos, binuksan nila ang magarbong tarangkahat at taas noo akong pumasok.
Napatigil sa kanilang ginagawa ang lahat ng mga katulong, nakatulalang napatingin sila sa akin.
'Si prinsesa Amara ba iyan?'
'Papaanong bumalik siya?'
'Ang ganda nya pa rin, lalo na sa kanyang suot.'
Pinanlakihan ko ng mata ang ilang katulong na tumingin sa akin, dumiretso kasi ang kanilang paningin sa aking binti.
Ngayon lang ba sila nakakita ng babaeng nakasuot ng maikling tela? Sabagay masyadong conservative ang mga tao dito.
Nilampasan ko sila at nilapitan ang isang kawal na ngayo'y namumula na.
"Lead the way to my room." Malamig kong sambit, mabilis namang sumunod ang gwardya at hinatid ako sa aking kwarto.
Pabagsak akong nahiga sa malambot na kama. Hindi nagtagal ay may kumatok sa aking pinto.
I groaned, natatamad na akong tumayo! Hindi ko ito pinansin at pumikit na lamang.
"Ahh!" Napasigaw ako nang naging marahas ang pagkatok, parang pinipilit na makapasok. Natataranta akong tumayo bago nilapitan ito.
"Teka lang, kalma! Bubuksan na." Nang buksan ko ang pinto ay bumungad sa akin ang lalaking galit ang mukha, humihingal pa ito dahil siguro sa ginawa. Bakit kasi dinadaan sa dahas kuya, pwede namang makiusap kang papasukin diba?
Galit nitong sinuklay ang buhok gamit ang kamay. "Why are you so slow-" napatigil ito nang mapagmasdan ako.
Bakit lahat na lang, ganon ba talaga ako kaganda? Kunot-noo nitong pinasadahan ng tingin ang aking suot.
"What the hell are you wearing?" Napaatras ako sa naging tono nya. It's deep and dangerous, I don't like his vibe.
Kabado kong nakamot ang aking batok. "Hehe. Damit?" Mas napakunot pa ang kanyang noo dahil sa naging sagot ko.
Humakbang ito papasok dahilan upang mapaatras ako, sino ba itong lalaking to? He harshly closed the door.
Malamig ako nitong tiningnan. "Bakit ka nandito?" Hindi ako nakasagot sa kanyang tanong, ano bang sasabihin ko? Na tumakas ako sa Imperyo? Baka ibitin ako nito patiwarik.
Napasinghap ako nang hinila ako nito at mahigpit na niyakap. He lay his head at my neck, nanayo ang balahibo ng aking katawan. Itutulak ko sana ito ngunit mas hinigpitan nya pa ang pagkakayakap.
"I missed you, sister."
BINABASA MO ANG
Another Life As The Emperor's Concubine
RandomAmara Yvaine Eliazar, the Emperor's 3rd concubine experienced hell inside the palace. While trying to get the Emperor's favor, she died. Farra Monrue, the world's most known and wanted assasin died while trying to kill a FLY, and guess what? She got...