Amara's parents are the King and Queen of the North, the Kingdom of North is just a walking distance from the Central Empire. Hindi ito masyadong malayo, kaya medyo malakas ang loob ko na lakarin lamang ito.
"Hey, hindi ka pa ba tapos dyan Zera?" Busangot kong tanong sa leon, umungot lamang ito at ipinagpatuloy ang ginagawa.
Inis kong binunot ang mga maliliit na damo sa aking harapan, naka-indian seat ako dito sa isang malaking ugat ng puno.
Tinapunan ko ng tingin ang leon na ineenjoy ang sarili sa pagkain ng isang kawawang kuneho. Sa gitna kasi ng paglalakad namin kanina ay nagutom si Zera, saktong may nakita itong tumalon-talon na kuneho at ito ang napagdiskitahan nyang kainin.
Mga ilang minuto na rin ngunit hindi pa ito matapos-tapos sa pagkain. Kanina pa ako nagrereklamo ngunit hindi ako pinapansin ni Zera. Baka kasi gabihin kami bago pa umabot sa kaharian ng North.
Nang matapos na itong kumain ay nakangiwi ko syang tiningnan. May bakas pa ng dugo ang bibig at ngipin nya.
"You're a mess Zera! Let's clean it up." Sumunod ito sa likod ko at nagsimulang maglakad. Idinantay ko ang aking kamay sa kanyang mabalahibong likod. An idea popped in my mind.
Excited kong liningon si Zera. "Can I ride at your back?" Nagniningning pa ang aking mga mata. Malaki naman sya kaya hindi sya mahihirapang buhatin ako.
The lion just growled bago naunang maglakad. Nakanguso akong sumunod. Attitude sya.
Napalaki ang ngiti ko nang may marinig na agos ng tubig, lumapit ako dito. "Kyahh!" Patakbo akong pumunta sa isang malaking ilog, masyado itong malinis at presko.
Namamangha kong tiningnan ang mga paruparong nagsisiliparan sa itaas ng tubig, may mga tumutubo ring magagandang bulaklak sa gilid nito. This place is magical!
Hinila ko si Zera at pinatampisaw sa tubig, nakuha nya naman ang ibig kong iparating. Inilublob nya ang mukha sa tubig bago mahinhing uminom.
Napasinghap ako nang naglupasay ito sa tubig, naglumikot sya at nagpagulong-gulong sa tubig. Tumingin ito sa akin na parang tinutukso akong magtampisaw rin sa ilog. Nilaro-laro pa nito ang tubig gamit ang mga paa habang nakatingin pa rin sa akin.
No. I won't. Wala akong dinalang ibang damit, bawal akong mabasa.
Tumayo ito at lumapit sa kinaroroonan ko. "Y-you little- Argh!!! Zera!" Napatili ako ng iwinisik nito ang ulo, dahilan upang napipisikan ako ng ilang tubig at medyo nabasa.
Bumalik ito sa dating pwesto at humandusay na naman sa tubig. Ilayo nyo po ako sa tukso, parang gusto kong sakalin at ilunod itong leyong ito!
Lumapit ako sa gilid ng ilog, napagpasyahan kong maglinis muna ng braso at paa. Naghilamos ako at siniguradong hindi mababasa ang aking buhok. Pagkatapos ay sinunod kong linisan ang aking kamay at paa.
"Zera tama na yan, aalis na tayo!" Sigaw ko sa nagtatampisaw pa ring leon. Nakinig naman ito at lumapit sa akin. Basang-basa ang buong katawan. Hinubad ko ang suot kong bestida, may t-shirt pa naman akong suot at short.
Ibinalot ko ang tela sa kay Zera, mukhang nagustuhan nya naman ang aking ginawa. I smiled.
Kasabay kong naglakad si Zera na para nang turon dahil balot na balot ito. Ang cute!
Nakarinig ako ng mahihinang mga yapak di kalayuan sa amin, napatigil rin ang leon marahil ay nakaramdam din ng ibang presensya. Umangil ito.
Nahinto ang aking tingin sa pares ng pulang matang nakatingin ng deretso sa akin. I saw a tall man with his face covered with a mask. Napakurap ako nang makaramdam ng delikadong awra.
BINABASA MO ANG
Another Life As The Emperor's Concubine
RandomAmara Yvaine Eliazar, the Emperor's 3rd concubine experienced hell inside the palace. While trying to get the Emperor's favor, she died. Farra Monrue, the world's most known and wanted assasin died while trying to kill a FLY, and guess what? She got...