Kabanata 42

14.6K 318 7
                                    

KABANATA 42 :: CHILLS

Nang makontento sa pagkakaayos ng mesa ay saka ako umakyat sa kuwarto para maligo at magbihis ng damit. Siniguro kong mabangong mabango ako at walang gusot ang kulay maroon kong bodycon dress.

I applied light make up and spray an expensive perfume just to make sure I look pleasant.

"Miss, anong meron bakit may pa-candelight dinner ka? Birthday mo ba?"

Nginitian ko nang tipid ang isang bodyguard bago inilingan.

"It's our third wedding monthsary. Gusto ko lang mag relax at mag celebrate."

"Naku, naku ma'am kami na po ang maglalabas ng pagkain. Dito na lang kayo sa balcony."

Umusal ako ng pasasalamat at hinayaan silang balikan ang mga pagkain sa kitchen para iayos dito sa terrace.

Itinext ko si Kleindro kung anong oras siya makakauwi pero wala akong natanggap na reply kaya baka namn pauwi na sya.

"Heto na po lahat, Miss," ani Roy na parang supervisor sa pagbusisi sa lahat ng detalye.

Siya ang pinaghagilap ko ng mga kandila dito sa penthouse. At sa lahat, siya ang pinaka pagod.

"Magpahinga na kayo, lalo na yung mga off duty. Okay na ako dito... May pagkain sa kitchen, madami tayong niluto para sa inyo iyon."

Naghiyawan sila at nagsipagpasalamat bago ako iniwan sa terrace.

Tinanaw ko ang makinang na mga ilaw sa malayo. Kanya-kanyang kulay, kanya-kayang liwanag. Pero lahat sila kapag sama-sama ay magandang pagmasdan.

Past eight o clock pero wala pa ring Kleindro na dumadating. Bumalik ako sa kwarto para kumuha ng coat. Medyo malamig na kase sa kinauupuan ko.

"Miss... Ointment po para sa mga paso ninyo."

"Thank you," nginitian ko si Roy bago iyon tinanggap.

Pagkaalis niya ay saka ko binalikan ang mga natamo kong paso mula kanina. Halos hindi ko na nga maalala dahil okupado ako para sa dinner na ito.

Kumpara sa unang mga paso, kaunti lamang ito. Wala din akong sugat dahil hindi nila ako pinahawak man lang sa kutsilyo.

Itinago ko ang ointment sa bulsa ng suot kong coat at muling bumalik sa komportableng pagkakasandal sa upuan.

Inabala ko ang sarili sa pakikipag-usap kay Dairene. Nag oover time daw sya sa trabaho dahil pinag- iinitan ng boss nya. I asked her kung bakit sya nakikipag text sa akin gayong may trabaho pala sya pero tinawanan nya lang ako at sinabing magreresign na sya sa internship keme na iyon dahil sa bakulaw niyang supervisor.

Tumigil lang kami nang kailangan niyang mag drive pauwi.

"Miss Vanna, alas dyes na po..."

Nginitian ko si Roy na bakas sa mukha ang pag-aalala.

"Kumain ka na, Roy?"

"Opo..."

"Good... Nilalamig ako. Tulungan mo akong magsindi ng mga kandila please..."

Pinagtulungan namin ang mga kandila. Hindi lang kase ang mga tall candle na nasa lamesa ang kailangang sindihan, kundi pati na rin ang mga scented candles na ginawa namin na lantern sa sahig.

"Ayos lang po kayo dito?"

"Oo Roy, matulog ka na."

"Dito lang po muna ako..."

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon