Nagkagulo ang buong palasyo dahil sa pagkawala ng pangatlong Concubine. Kabado ang lahat ng tagapagsilbi, maging ang mga kawal ay nagkakagulo rin sapagkat sila ang inatasang hanapin ang babae.
Walang tigil sa paghahanap ang lahat, hindi sila nagkaroon ng panahon upang kumain at magpahinga. Sa loob ng throne room matatagpuan ang nakaluhod na prinsesa.
"Why the fuck did you lost her?" Ramdam ang galit sa tinig ng Emperador, nanginginig na rin ang kanyang kalamnan at gusto nyang pumatay.
Napayuko si Rhea. "Sinabihan nya akong may bibilhin lang daw sya, hanggang sa hindi na ito bumalik pa." Naging malamig ang temperatura ng silid.
Ang lahat ng tao sa loob ay parang hindi makahinga dahil sa awrang pinalabas ng Emperador.
"You know how she desparately want to leave, yet you didn't keep a good eye on her?" Malamig na saad ng Emperador, lumapit dito ang pangalawang Concubine masuyong hinaplos ang braso.
"Please don't be angry your majesty, kung nawala man sya ay nandito naman ako. She's not that worthy" Maarteng napatili ang babae nang itulak ito ng Emperador dahilan upang madapa.
Mangiyak-ngiyak na tumingin dito ang babae. "Y-your majest-"
"Keep Concubine Zaya on her room for three days, and lock princess Rhea on her room for two weeks." Hinarap ng Emperador ang mga kawal. "If you can't find the Concubine in three days, I'll strip off all of you from your positions."
"Teka Emperor-" tinalikuran ni Luther ang nagmamakaawang si Zaya at lumabas sa silid.
Mabilis itong hinabol ng kanyang kapatid na si Drake. "Don't punish our sister, wala naman itong kaalam-alam na tatakas pala si Concubine Eliazar." Sinabayan nya ang mabibilis na paglakad ng Emperador.
Luther stopped walking then stared at his brother blankly. "You should be thankful I didn't kill that sister of yours, kasalanan nya kung bakit nawawala si Amara" at mabilis nitong iniwan ang nakatulalang si Drake.
Unti-unting kumurba ang ngisi sa labi ng prinsipeng si Drake. "Yes you should have killed her indeed." Isip-isip nito. Dahil sa kapatid nya ay nawala si Amara, pero hindi naman iyon problema. He'll find a way to get her girl, at pag nahanap nya na ito, sisiguraduhin nyang maaagaw nya ito mula sa kanyang dalawang kapatid. Luther and Rhea.
FARRA/AMARA's POV
Kunot-noo kong tinahak ang madilim na kagubatan, naiinis na din ako sa mga matataas na talahib ng damo.
Ang bobo mo talaga Farra! Bakit dito ko pa naisipang pumunta? Pwede namang tumakas gamit ang maayos na daan diba?
Kanina pa rin tumutunog itong tiyan ko, kakakain ko lang kanina ng street foods pero nagugutom na naman ako.
Sisisihin ko na naman sana ang sarili, ngunit bigla akong napatigil. My heart jumped in excitement.
May bahay! I mean mansion pala. May malaki itong magagarang gate ngunit wala namang bantay.
I smirked at that. Hindi naman siguro masamang pumasok, makikikain lang. Papasok na sana ako ngunit bigla akong kinain ng aking konsensya, baka makasuhan ako ng trespassing.
Ilang minuto rin akong napaisip, kakain lang talaga ako pagkatapos ay aalis na. Sa huli ay nanalo ang gutom ko kesa sa konsensya.
Ngiting aso akong pumasok, para akong magnanakaw sa ginagawa ko sapagkat dahan-dahan akong naglalakad tapos lumilingon-lingon pa.
Hinawakan at itinaas ko ang magkabilang gilid ng suot kong bestida upang hindi ko ito maapakan, masyado kasing mahaba.
"Good!" Sa isip-isip ay pinalakpakan ko ang aking sarili sapagkat hindi nakasarado ang main door ng mansion. Pinihit ko ito pabukas at sinilip muna ang loob kung may tao ba.
BINABASA MO ANG
Another Life As The Emperor's Concubine
RandomAmara Yvaine Eliazar, the Emperor's 3rd concubine experienced hell inside the palace. While trying to get the Emperor's favor, she died. Farra Monrue, the world's most known and wanted assasin died while trying to kill a FLY, and guess what? She got...