"KANINA ka pa nakatitig diyan. Ano ba 'yang binabasa mo?" tanong sa'kin ni XV nang mapansin ang hawak kong flyer.Nakanguso akong sumagot sa kaniya. "May street festival daw na gaganapin mamayang gabi sa gitnang bayan. Magtatayo sila ng perya na may iba't ibang mga palaro at food stalls. Gusto ko sanang pumunta..."
"Puwede ka namang pumunta kung gusto mo, wala naman tayong nakapilang trabaho ngayong gabi," mungkahi ng propesor.
Bumaba ang malungkot kong mga mata sa sahig. 'Gusto ko sanang pumunta kasama ka,' ang tunay na gusto kong sabihin. Kaso alam ko namang hindi maaari, dahil hindi puwedeng lumabas ang propesor sa mansyon. At isa pa, magkatrabaho lang naman kami. Hindi naman kami magkaibigan o ano para yayain ko siyang lumabas.
Palihim akong bumuntong-hininga at nagpaalam munang lumabas upang mamalengke. Ang totoo niyan, gusto ko lamang maglibot-libot muna para malibang, baka sakaling humupa ang namumuong lungkot sa dibdib ko.
Habang nag-iikot ay nakakita ako ng tindahan ng mga salamin sa mata. May isang pares ng shades na umagaw sa'king atensyon. Dinampot ko ito at pinagmasdan.
"Makapal ang mga 'yan. Hindi ka masisilaw sa araw kapag suot ang salamin na 'yan," bida ng lalaking nagtitinda nito. "Tama lamang ang dilim nito para makakita ka pa rin kahit sa gabi mo suotin. Maganda 'yan kung ayaw mong maaninag ang mga ilaw."
Napalunok ako sa galing ng pagbebenta niya, tila ba saktong-sakto ito sa kailangan ng propesor.
"M-Magkano po ito?" Umiling ako at naglabas ng pitaka. "Bibilhin ko na po! Pahingi po ako ng pares na bagay sa lalaki."
"Regalo mo ba ito para sa nobyo mo?" hirit ng tindero habang ikinakahon ang pares ng itim na salamin.
"Ay, hindi ko po siya nobyo..." Biglang may kapilyahan na sumingit sa isipan ko. "Para sa asawa ko 'yan."
***
PUMATAK na ang gabi at alam kong bukas na ang perya sa gitnang bayan. Nakatapat ako ngayon sa pintuan ng propesor at mahigpit na nakakapit sa kahon ng shades na binili ko kanina. Kakatok ba ako?
I clenched my little fist and nervously reached for the knob. My knuckles were only inches away when the door suddenly opened, making my heart jump.
"P-Professor! Ikaw pala!" Sinubukan kong itago ang aking gulat at kaba sa pamamagitan ng pagtawa.
"Ako pala?" Tumaas ang isa niyang kilay. "Kuwarto ko 'to, Fift. Malamang ako 'to."
Minsan talaga gusto ko 'tong bugbugin kahit boss ko 'to, eh.
"A-Ano, tungkol doon sa perya..." I twiddled my fingers as I tried to come up with an excuse to ask him out. "Ah! Naalala mo ba ang binigay mo sa'king salamin para makakita sa dilim?"
Inabot ko sa kaniya ang kahon na naglalaman ng binili ko para sa kaniya. "Ito, binilhan kita ng sunglasses bilang kapalit. Binigyan mo 'ko ng salamin para makakita ako sa dilim... k-kaya ito, salamin para makakita ka sa liwanag."
"Fift, this isn't enough to cure my—"
"Don't you miss going outside?" pagsingit ko.
"Why would I want to go outside?" He lifted up my long face and stroked my chin with his thumb. "Everything I need is right here."
His gentle touch and endearing words stirred my heart. Hindi ko alam kung bibigyan ko ba ng malisya ang sinabi niya. Baka ang mga libo-libo niyang libro ang tinutukoy ng propesor. Hindi naman siguro ako.
"Pero salamat sa regalo—" Natigil ang propesor nang suotin niya ang salamin. Makikita sa nakanganga niyang bibig ang pagkagulat. "Hmm, saan mo nabili ang salamin na ito?"
BINABASA MO ANG
Knock, Knock, Professor
RomanceCan be read as a standalone story. • NOW A PUBLISHED BOOK • #1 National Book Store Best-Seller under Local Fiction for December 2023 • The Wattys 2022 Winner under Mystery-Thriller • Highest Rankings: #1 Mystery, #1 Genius, #1 Psychological, #1 Dete...