|KABANATA 22|
C
AROLINA De Lugo
(Silid ng Doña Blanca)"Kahit na gaano pa kasutil ang batang iyon, ay hindi maitatangging mas marami siyang alam kaysa sa'kin.." malungkot na komento ni Donya Blanca habang nakaupo sa harap ng salamin. Inaalala kung paanong paraan niyang napalaki ang dalaga.
"Donya Blanca, bakit hindi nalang natin siya hayaang magdesisyon? Baka sakaling baguhin noon ang pagkatao niya?" suhestiyon ni Carolina na naka-upo sa higaan ng matanda, samantalang nakatayo si Don Adelio sa gilid ng binatana, nakapamulsa ang isang kamay nito, habang ang isa naman ay may hawak na baso ng alak. Tila ba masusi nitong sinisipat ang bawat sulok sa labas ng Hacienda.
"Umiiral ang karunungan niya dahil sa binatang anak ni Cristobal. Ngayon ay alam na niya ang sagot kung bakit nangyayari ang mga bagay. Alam na niyang nagiging kabayaran ito sa kasamaan ng ugali niya at sa kawalan ng respeto.." singit ng Don.
Lingid kasi sa kaalaman ng lahat, kamakailan lamang ay napag-alaman ng matanda ang tungkol sa pag-ibig ng apo sa pintor na taga-Paris dahil sa kay Miguel. Minsan kasi siya nitong binisita sa kapitolyo nang lungsod upang kausapin patungkol sa dalaga at doon na nga nagkaroon ng kalinawan ang lahat.
"Anong kinalaman ni Joaquin sa usaping ito Don Adelio?" tanong ng anak na si Carolina.
Hindi makuhang tumingin ng Don sa anak at asawa. Ilang segundo ang lumipas bago ito kumibo.
"Dahil iniibig niya ang binatang iyon nang matagal ng panahon.." tipid na sagot ng Don.
"Hindi ba't nalalapit na ang kasal ng binatang iyon at ng anak ni Kapitan Dante?" dagdag na tanong pa ni Carolina.
Halos tumulo ang luha ni Doña Blanca sa narinig patungkol sa pagsinta ng apo sa isang Adolfo. Hindi niya akalaing ang tinutukoy na kasiyahan ng apo ay ang matagal na nitong kaibigan at ang pag-ibig. Wala siyang ideya na ang nais ilaban ng dalaga ay ang damdamin nito, bagay na ikinabigat lalo ng puso niya.
MIGUEL Cortez
(Sala)Isang mahigpit na yakap ang inilaan sa kay Miguel ng dalaga nang isalaysay ng binata ang pakikipag-usap nito sa Gobernador. Masyado ng miserable si Francesca, alam na alam iyon ni Miguel. Kaya naman siya na ang gumawa ng aksiyon para maunawaan ng Gobernador ang lahat.
Bagama't may pagtingin din siya sa dalaga ay ayaw naman niyang isaalang-alang ang kasiyahan ng dalaga, kahit na iyon pa ang nararamdaman niya. Noong sinabi niya kay Joaquin na hinding-hindi niya paiiyakin ang dalaga kung sakaling mawala na ang nararamdaman nito sa binata, ay totoo at desedido siya. Subalit hindi pala kakayanin ng puso ni Miguel na makita ng buo ang pagdurusa ng dalaga. Bagay na nagtulak sa kaniya para ipagtapat ang lahat sa kay Don Adelio. Dahil sa loob niya'y iyon ang dapat at iyon din ang tama. Gaano man kawagas ang pagsinta niya sa kay Francesca ay hindi nito mababago ang katotohanang mas matindi ang paninindigan ng pagmamahal ng dalaga sa kaibigang pintor.
"Maraming salamat Miguel, hindi mo alam kung gaano mo pinagaan ang puso ko. Hindi ko sasayangin ang tiyansang ibinigay mo at ang naging pag-atras mo sa kasunduan. Pipilitin kong maitama ang lahat, lalo na ang sa pagitan ni Laura at Israel.." saad ni Francesca na humi-hikbi-hikbi pa.
"Ang kasiyahan mo'y kasiyahan ko na rin, basta ang nais ko'y ibalik mo ang sigla ng pangangatawan mo." Aniya.
Para kay Miguel ay masaya na siyang makasama ang dalaga sa maikling panahon, pati na rin ang lubusang pagkakakilala niya rito. Hindi man umakma sa puso niya ang mga bagay, ay lubos naman ang pasasalamat niya sa dalaga dahil sa araw-araw na naging paksa niya ito sa mga tula ay galak na galak na ang loob niya. Sapat na para masabing kahit na papano'y nagkasundo sila at minsan niya itong naprotektahan.
BINABASA MO ANG
1866: 6 Years Of Tears (completed)
Historical FictionAnim na taon ng nangungulila si Francesca sa matalik na kaibigan at kababatang si Joaquin, simula noong lumipad ito patungong Paris upang mag-aral doon. Taong 1878 ng umalis ang binata sa Pilipinas, subalit 1884 na'y hindi pa rin ito nagpaparamdam n...