Chapter 17: Nakakapanibago.

65 0 0
                                    

Saichi's point of view♪

Ilang araw na ang lumipas mula nong nakalabas nako sa hospital at Ilang araw na din at magsisimula na ang foundation day. Hapon na ngayon at kasalukuyan nakong nandito sa cafe shop na pinagtratrabahuan ko at nag assist ng mga costumers.

Ngunit may isang bagay ang sobrang nakakapanibago sakin! Mula nong makalabas nako ng hospital at magaling na ay kapag nasa trabaho ako ay parating nandidito si Hiro minsan naman sina Ail, Lizz at Sia nandito! Minsan naman nandito din ang mga kaibigan ni Hiro na sina Van, Mau, Lex at Luke pero mas minsan o madalas ay kompleto silang nandito sa cafe shop! Kagaya nalang ngayon. *Face palm*

"What's your order Ma'am?" Walang gana kong tanong sakanila Lizz.

"Is that the way you gonna take our orders? Masisisanti ka niyan." Nakangising pang aasar niya sakin na ikinasimangot ko.

"Bakit ba kasi kayo nandito?" Tanong ko sakanila.

"Gusto lang naman naming kumain Fin!" Nakangusong sagot niya sakin na kaagad ko namang pinaningkitan ng mga mata. Nakakapangdudang kakain lang sila dito paniguradong may hidden agenda ang mga ito.

"Sia hindi to library cafe to." Sabi naman ni Lizz sabay kuha ng libro ni Sia na kaagad na sumimangot. Humarap naman sakin si Sia na nakasimangot sabay sabi ng kanyang order at ganon naman sina Lizz at Ail.

Pagkatapos kong kunin yung mga ordet nila ay pumunta na kaagad ako sa kusina at ibinigay ito sa mga tagapagluto na nandito.

"Sai table number 7." Saad sakin ni Marco isa sa mga chief.

"Copy." Tugon ko at binitbit na yung tray tsaka lumabas na ng kusina at naglakad na papuntang table nila Hiro.

"Here's your order Ma'am and Sir." Sabi ko sakanila habang nilalapag isa isa yung mga order nila. Pagkatapos kong inilapag yung order nila ay tinanong ko na naman sila.

"Bakit na naman kayo nandito?" Tanong ko.

"Sabay tayong uuwi." Imbis na sagutin ako ni Hiro ay sinabihan na naman niya ko ng pang araw araw niyang linya sakin. Ang sabay na tayo umuwi at wag raw akong matigas ang ulo. Nakasimangot tuloy akong umalis sa lamesa nila at pumunta na sa ibang lamesa upang kunin yung mga order nila.

Natapos yung mga ginagawa ko hanggang sa mag gagabi na ay umuwi na sina Van ngunit naiwan si Hiro at tsaka kanina palang ay nakauwi na sina Lizz. Kagaya ng parating ginagawa namin kapag nagcloclose na kami sa cafe ay nagsisimula na kaming maglinis habang nagkwekwentuhan.

Nagsimula ko namang ligpitin yung mga kalat na naiwan sa lamesa at pagkatapos ay nilinis na din hanggang sa makarating ako sa kung saan nakaupo si Hiro kaya tahimik ko nalang nilinis yung table niya na may kunting ilang dahil sa mga titig niya na ipinukol sakin. Bakit ba siya nakatitig!?

"Ganito talaga yung araw araw mong gawain dito?" Tanong niya sakin.

"Oo nga." Sagot ko sakaniya at niligpit na yung mga pinggan at naglakad na paalis papuntang kusena para mahugasan nato nina Kia.

Ilang oras pa ang nakalipas at natapos na din kami sa wakas ng paglilinis. Maraming tao kaya marami din kaming nililinis at naging busy talaga kami kanina. Inaantok na tuloy ako dahil na din sa pagod.

"Una na kami Sai! Bye!" Paalam sakin nina Bea na tinanguan ko lang bilang tugon sakanila.

"Ayos ka lang?" Tanong sakin ni Hiro.

"Inaantok lang." Saad ko sakaniya sabay lingon kay Lynn. "Lynn hatid kana namin gabi na din baka mapano ka pa." Sabi ko sakaniya at nilingon si Hiro bilang paghingi ng permiso niya na kaagad din namang tumango.

Pumunta naman agad kami sa kotse ni Hiro at ako ay dumeretso sa backseat upang mahiga dun. Wala namang nagawa si Hiro at si Lynn naman ay wala na ding nagawa at dun na umupo sa passenger seat.

Habang nagmamaneho na si Hiro ay pinikit ko na yung mga mata ko hanggang sa nilamon na nga ako ng tuluyan ng antok.

Nakakapanibago talaga sila..












Yshiro's point of view♪

Habang nagmamaneho ako papunta sa bahay nina Shade Lynn na ngayon ay tinuturo niya ang daan papunta sa kanila ay di ko naman mapigilang mapatingin sa salamin sa itaas at nakita ko dun ang mahimbing na natutulog na si Chechi.

Mukhang sobra nga talaga siyang napagod.

"Dito nalang Yshiro." Tugon sakin ni Shade kaya hininto ko na yung kotse ko. Bumaba na din naman si Shade sa kotse at nagpaalam sakin dahil nakatulog na si Che.

"Salamat sa paghatid." Nakangiti na medyo pagod niyang sabi at naglakad na papasok sa bahay nila.

Nagmaneho nadin naman ako papunta sa bahay. Nang makalabas na si Chechi sa hospital ay wala nakong nagawa pa at parating nandon sa cafe na pinagtratrabahuan niya dahil na din sa pag alala sakanya at sa nanyari sakanya baka maulit pa ulit yun. Tinignan ko naman siya ulit na mahimbing parin na natutulog.

Nabalik na kaya niya ang mga alala niyang nawala? Ano nga ba ang totoo niyang katauhan? Sino ka nga ba talaga Saichi?

Pinark ko na yung kotse ko ng makarating na kami sa bahay tsaka bumaba na. Balak ko sana siyang gisingin kaso sobrang himbing na ng tulog niya kaya dahan dahan ko nalang siyang binuhat tsaka sinarado yung pinto ng kotse at naglakad na papuntang pintuan ng bahay.

Dahan dahan ko namang binuksan yung pinto ng bahay ngunit napatigil din ng maalimpungatan siya at napayakap sa leeg ko. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang tumibok ng pagkabilis bilis ang puso ko. Anong nanyayari sakin?

Napailing iling nalang ako sa mga naiisip ko at pumasok na ng bahay ng mabuksan ko na ang pinto habang buhat buhat parin si Saichi. Sinara ko na yung pinto at dumeretso na sa kwarto ko tsaka siya maingat na pinahiga dun.

Kinumutan ko siya at naglagay na ng sapin sa baba at tsaka nagbihis muna saglit sa banyo ko at humiga na din sa kama hanggang sa tuluyan nakong nilamon ng antok.

Assassin Princess - Season #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon