Nagulat ako ng may lumapag na libro sa harap ko kaya napaayos ako ng upo, may umupo kasi sa harap ko kaya mabilis kong sinamsam ang mga gamit ko.
"Iniiwasan mo ba ako?" Tanong sa akin ni Krista na nakahalukipkip na nakatingin sa akin.
"Hindi kita iniiwasan kailangan ko lang mapag-isa." Sagot ko sa kanya pero bigla niya akong hinawakan ng mahigpit sa braso dahilan para mapaigik ako sa sakit.
"Kapag kinakausap kita wag kang bastos!" Mahina pero madiin niyang turan kaya kinabahan ako.
"Pwede ba Krista tigilan mo ako at hindi ako papatol sayo." Tinapangan ko ang boses ko at pinilit na makawala sa higpit ng hawak niya.
"Ginawa mo ba ang iniuutos ko sayo?" Napatigil ako sa pagsukbit ng bag ko at tumingin sa kanya ng deretso.
"Wala kang karapatan na utusan ako kung gusto mo ikaw ang gumawa tutal mukhang desperada ka naman." Matapang akong sumagot sa kanya akma na akong tatalikod sa kanya pero sinugod niya ako pero nakailag ako sa akma niyang pagsuntok dahilan para mawalan siya ng balanse napatigil ang lahat ng studyante na nasa library dahil sa pagbagsak niya sa semento.
"Walanghiya ka!" Hiyaw niya na nakatayo agad at lalapit na naman sa akin.
"Sige subukan mo lumapit sawa na ako sa pagiging bully mo! Hindi ako mag-dadalawang isip na ingudngod yang mukha mo sa semento." Napahinto siya at natulala sa galit kong boses saka ako tumalikod sa kanya narinig ko pa ang bulungan ng ibang mga studyante habang papalabas ako sa library.
Sawa na akong maging mahina at kawawa kaya pinag-aralan ko na hindi magkaroon ng panic attack kanina, nakahinga ako ng maluwag habang papaalis sa lugar na iyon.
Naglalakad na ako papunta sa gate ng campus habang kipkip ko ang mga libro ko ng may mabanga ako dahilan para mapaupo ako sa damuhan.
Napamura na lang ako sa isip ko kapag minamalas ka nga naman.
"Okay ka lang Miss?" Narinig kong tanong ng boses ng lalaki kaya napatingala ako sa kanya. Nakilala ko agad siya ang step-brother ko at ang myembro ng footbal team dito sa school.
"Madeline ikaw pala iyan hindi kita nakilala." Gulat niyang turan.
"Halika tumayo ka diyan hindi mo ba alam na may nagpa-practice dito?" Inalalayan niya ako na makatayo saka ako tinulungan na pulutin ang mga gamit ko na nagkalat dahil sa pagkakabanga niya sa akin.Napatingin ako sa paligid dahil sa kagustuhan ko pala mag-shortcut ng daan ay napadaan ako dito sa may school field na may mga naglalaro pala hindi ko na ito napansin dahil sa pagmamadali ko.
"Pasensya ka na hindi ko alam." Bulong ko saka inayos ang salamin ko at tumingin sa paligid nakita ko ang mga ka-teammate niya na nagpapahinga sa kabilang bahagi ng footbal field.
"Sabay na tayo mamaya umuwi, si Kuya Tarick ang susundo sa atin." Habang naglalakad siya papunta sa isang bench na malapit lang sa amin nakasunod ako sa kanya at bahagyang tumango.
"May klase ka pa ba?" Tanong niya at tumingin sa akin.
"Wala na akong klase." Sagot ko sa kanya pagkalapag niya ng mga libro ko sa upuan.
"Hintayin mo na lang ako may dalawa pa kaming rounds." Muli akong tumango mayamaya pa ay tinawag na siya ng mga kasama niya kaya nagpaalam na siya saka tumakbo papunta sa football field.
Napabuntong hininga ako, tiningnan ko ang ID ko kung saan nandito ang picture ko sa ibaba ay ang ID number at ang pangalan ko.
Madeline Iris Gomez, ito ang pangalan ko ilang taon na rin ng muling mag-asawa ang aking ina at tumira sa mansion ng mga Rosenthal, ang asawa ng aking ina ay isang mayaman na business tycoon at mayroon siyang tatlong anak na lalaki.
BINABASA MO ANG
Madeline Iris ( The Secret Lover ) Completed
RomanceSi Madeline, ay isang simpleng dalaga na ang gusto lang ay magkaroon ng tahimik at masayang pamilya, natagpuan niya ito sa pamilya ng pangalawang asawa ng kanyang ina. Nagkaroon siya ng mga kapatid, mababait ito at itinuring siya ng mga ito na paran...