Chapter 119: Philippines
"'Di ba, Laureen, ang sabi ko... huwag ka ng pumunta? Sayang ang ticket mo!" Kausap ko si Laureen sa cellphone habang nasa sasakyan ako. Baka naabala ko siya! Nakakahiya naman.
"[I told you, you are my friend, I mean best friend! Kaya pupuntahan kita. Hindi sayang ang ticket ko, okay? Saka, I have a private plane kaya hindi talaga nasayang ang ticket ko dahil wala naman ako no'n.]" Tumawa siya sa kabilang linya. "[Uuwi din naman ako kaagad!]"
Naupo ako ng maayos sa back seat. "Okay, sabi mo, eh. Mag-ingat ka na lang. Kita na lang tayo sa shop na binigay ko sa'yo.Ingat ka, bye." Pinatay ko ang cellphone bago nilagay sa bag.
Alam niyo ba kagabi? Hindi ako nakatulog dahil sa nakita at nalaman ko. Una, nakita ko ang IG story ni Iris, ginamit ko ang fake account ko. Nakita kong magkasama nga sila tapos... parang ang laman ng post niya ay para sa kanilang dalawa ni Phoenix. Iyong post niya na kini-claim niya na sila.
Silang dalawa na yata talaga! Ang bilis naman niyang mag-hanap ng iba. Grabe, ha? Nagmomove on na nga yata talaga siya.
Ang hindi ko lang maintindihan... Prinsesa 'to lods... tapos iyon... no comment. Kung pwede lang akong bumalik ng Pilipinas agad-agad ginawa ko na. E, kaso hindi ko magawa. Konting galaw ko may nakasunod sa akin. Tapos kapag maayos ang ayos ko, tanong agad kung saan ako pupunta.
Pero hindi naman nila malalaman kung sakaling umalis ako 'di ba? Saglit lang sa Pilipinas then babalik din ako agad. Malay mo... hindi talaga ako makabalik ng Pilipinas kung sakaling mangyari na ang gusto ni Abuela.
Saglit lang. Saglit lang ako sa Pilipinas.
Nagtext si Laureen sa akin na nag-land daw ang eroplano.
Dumiretso agad ako sa coffee shop kung saan kami magkikita. Nang makarating doon agad akong umorder. Isang oras akong naghintay hanggang sa may taong tumakip sa mata ko.
"Put-" Inalis ko ang kamay at lumingon. "Laureen!" Tumayo ako at niyakap niya.
"I've missed you!" aniya nang humiwalay sa yakap. "Oh my god, I can't believe that the Princess hugged me!" Maluha-luha niyang sinabi.
Tinawanan ko siya.
"But wait... about what I said... are you okay?"
Tumango ako. "Oo naman," sagot ko.
"I'm not convinced but okay."
Nag-order siya ng inumin bago makipag-usap sa akin. Sinabi ko sa kaniya lahat-lahat ng ganap dito sa Spain. Iyong about nangyari noong Saturday.
"Darlene, hindi naman ipinagbabawal na piliin ang gusto mo. Payong kaibigan lang 'to, ha? Choose your happiness. Piliin mo ang gusto ng puso mo. Don't let anyone tell you what will you do. Hindi sila ang may hawak ng puso at isip mo. Ikaw pa rin ang magdedesisyon sa buhay mo," sabi ni Laureen. "If they get mad... then they're mad. Wala silang magagawa dahil ikaw 'yan, e. Ikaw ang magdedesisyon. Wala silang magagawa kung ano ang maging desisyon mo. Sarili mo 'yan, Darlene. Hindi masamang piliin ang sarili mong kagustuhan lalo na kung ikakasaya mo ng higit pa sa nararamdaman mo ngayon."
"E, paano kung magalit sila at ma-disappoint?
"Edi magalit sila. Sa buhay, hindi mawawala ang disappointment at galit. Dahil sa kagustuhan nila na mangyari ang inaasahan nila nagkaroon sila ng expectations. Then kapag hindi nagawa ng taong 'yon ang gusto nila, they'll get disappointed and sometimes mad. Tapos ke-kwestyunin pa nila kung bakit ganito, ganiyan ang resulta ng nangyari." Tumingin si Laureen sa akin. "Hindi naman masamang mag-expect pero sana huwag nilang iparamdam sa 'yo o sa tao kung paano sila na disappoint ng sobra dahil hindi mo o nila naabot ang expectation nila para sa 'yo. Dapat intindihin nila at i-appreciate nila ang nakamit mo dahil pinaghirapan mo 'yan. Hindi lang basta-basta ang ginawa o ang gagawin mo."
YOU ARE READING
The Girl in Worst Section (Completed)
Teen FictionSoon to be Published Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her previous School in her grandmother's province. She used to be expelled in every School she went to, not until her father decided that she would stud...