Chapter 116: I kidnapped you
Tahimik akong nakaupo sa table ko nang bigla kong maramdaman na tinatawag ako ng kalikasan. Nakakainis rin naman kasi dahil iniwan ako ni Darius dito. Tapos sila Mama at Papa naroon sa harap habang kausap si grandmother na kanina pa rin ang panay ng tingin sa akin.
Alam niyo 'yong feeling na parang may something? Iyon 'yon, e. Tapos iyong pagkatapos ng sayaw kanina? Grabe! Hindi ko agad siya nabitiwan kaya ang ending, hinila niya ako pero binitiwan din agad dahil tinawag siya.
'Yong kamay ko ay kating-kati na tanggalin ang mask niya. At marami naman sigurong green na mata sa mundo. Hindi lang si Phoenix!
Dinampot ko ang cellphone sa lamesa nang sunod-sunod na tumunog. Bandang umaga na siguro sa Pilipinas? Grabeng maka-chismis si Laureen.
Tapos take note lang rin... may lalaking kanina pa tingin nang tingin sa akin. Nasa banda nila Cedric ang pakiramdam ko. Actually... siya talaga iyong lalaking kasama ko kanina.
Masquerade party ang style ng birthday ni Cedric kaya lahat ay naka-mask. Kung pwede ko lang siyang takbuhin at tanggalan ng mukha este ng maskara, ginawa ko na. Ako, tinanggal ko ang akin. Naiinitan kasi ako at nasasayang ang makeup ko.
"Hoy. Len-Len."
Nakakainis 'to. Hindi naman 'yon ang pangalan ko.
"Tangina mo, Hakob."
Kanina pa rin siya dito at panay ang mga kwento ng walang kwenta. Wala naman akong magawa dito.
"Hakob ka nang Hakob, Jacob nga kasi," aniya.
"Ikaw, rin naman, ah? Len-Len ka nang Len-Len, Darlene. Dar-Lin! Lin for short." Diniinan ko pa ang salitang Lin.
"Bakit ba ang init ng ulo mo? I want to be friends with you. Saka, ang bitter mo. Nakakita ka lang ng mag-in relationship sa harap mo kanina halos isumpa mo na."
Paepal talaga ang Hakob na 'to.
"Hindi ako bitter." Umirap ako.
"Oh, talaga? Share mo lang?" Kaagad siyang tumayo at lumayo nang balak kong ihampas ang wine glass sa kaniya. "Ang brutal mo naman!"
"Ulol, kukuha ako ng wine." Kinuha ko ang bote ng wine. "Feelingerong frog 'to."
Kanina pa ako nagwawal-wal ng wine kaya umiikot ang paningin ko. Kaming dalawa ni Jacob kanina pa. One bottle pa lang ako tapos siya pilit na inaalis ang bote pero pinipitik ko ang kamay niya para alisin.
Tumawa lang siya bago ulit maupo. "Akala ko manghahampas ka na." Pinagpagan niya ang sarili. "Mareng Darlene, bakit ka nga ba bitter?"
"Tahimik naman kasi!" Sagot ko.
"Ay, bitter nga." Tinuro niya ako. "Bitte, sinaktan ka, 'no? Desurb. Ang brutal mo kasi."
"Hoy! Hindi ko deserve 'yon, Hakob. Ouch ka, ha!" Humawak ako sa dibdib ko, umaktong nasasaktan.
Inasar niya ako at tinawanan. Natigil lang siya sa panggagago niya nang dumating si Cedric.
"Darlene, what are you doing here?" Nag-angat ako ng tingin kay Cedric. "You should be with our cousins and grandparents."
"I'm not in the mood," sagot ko.
Wala talaga ako sa mood.
"Wala raw sa mood..." bulong ni Jacob.
Sinipa ko siya sa ilalim ng lamesa.
"You want to meet my friends? They're here," nilahad niya ang kamay para tulungan akong tumayo.
YOU ARE READING
The Girl in Worst Section (Completed)
Teen FictionSoon to be Published Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her previous School in her grandmother's province. She used to be expelled in every School she went to, not until her father decided that she would stud...