Warning: This chapter contains triggering content. Please read at your own risk. If you can't really handle it, you can skip the middle part and jump on the last part.
Kabanata 196:
MiseryBalisa ako sa mga naririnig na sabi sabi ng mga residente na nasa tabi at nalalagpasan ko. Sinubukan kong lumapit pa lalo sa loob ng bar. Humagilap pa ng mga pulis na puwedeng makausap. Sobrang hirap makahanap lalo na at mukhang abala silang lahat at ramdam ko ang iritasyon ng iilan dahil sa pagpupumilit ko.
Masuwerte pa rin ako dahil may nahatak akong isa para komprontahin. Aalma sana pero nang mapasulyap sa mukha ko ay bumigay. Hindi ko alam kung mukha na ba akong nakakaawa kaya pumayag na siya. I probably look like a mess now. Kanina pa ako hindi mapakali.
"S-Sino po ba iyong babae na n-napagsamantalahan?" tanong ko sa pulis na nakaharap. Kung puwede lang idikit ko ns siya sa poste para hindi makawala at makausap ko ng masinsinan. Panay kasi ang tingin niya sa mga kasamahan. Parang hindi alam kung tama ba itong ginagawa niya.
"Sa ngayon Ma'am hindi po kami puwedeng magbigay ng impormasyon sa kahit na sino tungkol sa babaeng napagsamantalahan. This is a very private case, Ma'am. And as her family requested, they want to knew all the details first privately. Hintayin niyo na lang po ang ilalabas nilang statement ukol rito." aniya. Bakas ko na kahit iyon bawal sabihin pero mukhang napilitan siya. Hindi ko talaga alam kung naawa lang ba siya sa akin dahil titig na titig siya sa mukha ko.
"P-Pero po, b-baka po kasi kakilala ko iyon Sir. Please kailangan ko pong malaman kung sino. Kahit pangalan lang po ang ibigay niyo." pagbabakasali ko pa rin. Malakas ang kabog ng puso. Hanggang ngayon nilalamig pa rin ako sa kaba dahil sa mga naririnig mula sa mga tao.
"Pasensiya na po. Mahigpit ang bilin sa amin. Malapit po ba kayong kaibigan? Kasi hindi rin po puwede. Kamag-anak lang po ang pinapayagan na makaalam ng mga impormasyon." ani ng pulis at bakas pa ang konsensiya sa mga mata na para bang iyon lang ang kaya niyang sabihin. Hindi ako umimik.
"This incident on the family is very surprising. Lubos nilang hindi kinagulat ang nangyari. They are mourning and in despair right now. They doesn't want another burden to think if this will publicize. I'm really sorry but the family won't handle the people's reaction from this. This incident will probably be known in the country since this is really a horrible crime. Ayaw na ng pamilya na mas marami pang intindihin, lubos silang nasasaktan sa nangyari dahil nag-iisang babaeng anak ang nawala sa kanila." dagdag niya. Mas lalo pang pinapaintindi sa akin.
Hindi ako nawalan ng pag-asa na mas kulitin pa siya lalo. I really need to know it or else I'll be insane all night.
"P-Please, Nakikiusap po ako, Sir. Kahit first name lang po." nakiusap pa rin ako kahit na mukhang imposible na makangalap ako ng mga detalye.
"I'm really sorry, Ma'am. I can't break the rule on my work. Kung gusto niyo po, sa pamilya kayo dumiretso at makiusap kung malapit talaga kayong kaibigan. Mukhang makakatulong po kayo sa paghuli ng mga gumawa sa kanya nito dahil mukhang may alam kayo sa pangyayari." aniya at umiling naman ako ng sunod sunod sa kanya.
"Paano ko nga po matutulungan ang pamilya sa mga nalalaman ko kung hindi ko kumpirmado kung sino ang babae na nabiktima?" pag-alma ko.
"Iyon po ang pinag-utos sa akin at wala po akong magagawa." saad ng lalaki at halos mapahilot ako sa sentido. Tumalikod na siya at hahabulin ko sana muli pero mabilis na siyang nakalayo at may kinausap na kapwa pulis. Napahinto ako sa paghakbang.
Naguguluhan ako. Wala na ang bangkay ng sinasabing babae rito at nasa hospital na. Naroon rin ang kapamilya. Gusto ko sanang pumunta roon para komprontahin sila pero... may parte sa akin na pumipigil sa sarili. I feel like I was guilty for this crime. Kahit na hindi ko pa sigurado kung si Amethyst ba talaga ang biktima.
BINABASA MO ANG
Ruling The Last Section (Season 2- COMPLETED)
Teen FictionWill Raiven continue to rule the last section if they are starting lost one by one on her grasp? How can she reign the throne if there's no last section anymore?