EPILOGUE

67.7K 1.6K 529
                                    

Thank you for reading Mafia Series 2: Taming in the Wild. See you on Mafia Series 3: Love in Amess. Mahal ko kayo!
__________________________

Epilogue

"Ang pangit mo! How dare you ruin my clothes?! Omg! My uniform!" Pagwawala ng batang si Dareen matapos matapunan ang kanyang maputi at plantsadong uniporme ng sauce sa kanilang canteen.

Nanlilisik na tiningnan ni Dareen ang kanyang kaklase na babae na siyang nagtapon ng sauce malinis at maputi niyang uniporme. Ang batang babae na siyang kalaban ni Dareen ay napaatras sa galit na nakita sa mata ni Dareen at nahulog sa kamay nito ang saucer na siyang pinaglagyan ng sauce na ngayon ay nasa damit na ni Dareen.

Ang ibang bata ay tahimik lang na nakiki-tsismis sa nangyayari sa kanilang canteen. Takot ang mga bata na sumali sa o pumagitna sa away dahil alam nila kung paano magalit ang isang batang Hernane. Kung sino man ang pumagitna ay isasali nito sa kangang galit. Kaya wala ni isang bata ang nagkalas loob na nakisali.

Nanginginig na ang kamay ni Dareen sa galit dahil hindi rin kaaya-aya ang amoy ng sauce sa kanyang damit tapos ay mainit-init din ito na tumatagos ang init sa kanyang balat na makinis at maputi.

"B-Bagay lang 'yan s-sayo bakit mo k-kasi pinagkakalat sa g-grade 5 na may crush ako doon. E, wala naman." Pagtatanggol naman ng isang batang babae sa sarili mula sa nag-aalburuto na galit ng batang si Dareen. Kahit na nauutal ang batang babae ay sinusubukan pa rin nitong sumagot kay Dareen na ngayon ay kating-kati na ang kamay na makipagsabunutan.

"It was true naman! May crush ka doon! Bakit ka nahihiya ngayon? You said it yourself na may crush ka na nasa grade 5!" Pagsisigaw ni Dareen at halos pumutok na ang litid sa leeg sa kakasigaw. May pa padyak pa iyon sa paa at nakakuyom ang kamao.

"A-Ano?"

"See? You are stuttering because what I said is true!"

"E, ikaw may c-crush naman sa kaklase natin, ah!"

"What?" Maarteng eksaherada sampung taon na si Dareen.

"Diba crush mo si Marc."

Nanlaki ang mata ni Dareen sa sinabi ng kanyang kaklase na si Janelle, ang kanyang kaaway ngayon. Totoo na crush ni Dareen si Marc, ang prince sa kanilang classroom at sa kasamaang palad naman si Janelle ang muse nito.

Nasanay na si Dareen sa kanilang classroom ay wala siyang kaklase nila na nakakasundo may nakakausap naman siya. May nakikipag-usap sa kanya pero hindi talaga closed kasi walang tumatagal na kaibigan sa kanya dahil maldita si Dareen at nangr-realtalk sa kanyang mga kaklase.

"Omg! Ang baho ng hininga mo."

"Oh my! Ang pangit mo tingnan sa glasses mo."

"Ang cheap ng bag mo."

"Gosh! Fake ang shoes mo."

Ilan lang 'yan sa mga linya ni Dareen na kinaayawan ng kanyang mga kaklase sa kanya. Kaya ang mga ito ay lumayo na lang sa kanya. At ang away na nangyari ngayon sa kanila ni Janelle ay di na rin bago kay Dareen dahil madalas talaga siyang nakakakita ng away sa school nila.

"Oh, ano naman ngayon?"

"Bakla ka pala! Bakla."

"Ano kong bakla? Gusto mo bang ihampas ko sayo ang bagong bili ng mommy ko na bag, huh?!" Matapang na sigaw ni Dareen kay Janelle na kinatahimik nito. Alam na kasi ni Janelle na hindi talaga marunong magbiro ang batang Dareen.

[MUS2] Taming In The Wild|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon