Kabanata 190

10.9K 435 250
                                    

Kabanata 190:
Death

Halos mabulag ako sa biglaang dilat ng mga mata nang magising. Muli kong pinikit ang mga mata. Tinakpan ng braso iyon. Bahagya akong napaigik nang maramdaman ang kirot sa buong katawan.

Hindi ko alam kung bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko at ang bigat agad ng paghinga. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na pag-angat ng dibdib. Dahan dahan kong pinakalma ang sarili. I inhale and exhale.

Habang ginagawa iyon ay may narinig akong mararahan na mga yapak. I suddenly feel a presence of a man that's just a few meters away from me.

Nang kumalma ay dahan dahan akong dumilat at kagaya ng inaasahan ay isang puting kuwarto ang sumalubong sa akin. Sa pagkakatanda ko, tinurukan nila ako ng sedatives para mapahinto sa pagwawala kanina.

"Gising ka na pala?" isang tinig ng hindi pamilyar na lalaki ang narinig ko. Binalewala ko iyon at nagpokus muna sa sarili.

Bahagya pang mabigat ang katawan ko at parang umaasam pa ng pahinga, nagrereklamo sa pag-bangon ko. Napalingon sa akin ang lalaking nurse na tinitignan ang IV fluids na nakakabit sa kamay ko. Nang makita kong nakakabit sa akin ay walang pag-aalinlangan kung hinila iyon para tanggalin. The nurse gasped and his eyes widen when I stood up.

Ni hindi ininda ang kirot sa ginawa kong pagtanggal.

"Sandali, saan ka pupunta?!" agad niyang pigil sa akin nang mabilis akong humakbang patungo sa pinto. Nagpapanik. Bahagya pa akong nahilo dahil sa biglaang kilos. Hinawakan ng nurse ang braso ko para pigilan, mabilis kong binawi iyon sa kanya.

Huminga siya ng malalim. My clothes that full of dry blood is gone now, I am wearing an hospital gown. Malinis na rin ang mukha at mga braso. Walang patak ng dugo kahit sa kuko ko.

My chest heaved when I remember everything. Simula sa magising ako dahil sa kaguluhan sa mansiyon hanggang sa isugod ko rito sa hospital si Ryker. Kung gaano ako kahigpit na kumapit sa katiting na pag-asa, na naglaho at nadurog sa inanunsyo ng Doctor sa akin kanina.

It feels like I am holding a small feather in my hands, but a strong wind keeps blowing it away from me. Kahit anong pilit kong higpitan ang hawak, lumilipad pa rin papalayo at naglaho.

Agad na lumabo ang mga mata ko sa mabilis na pangingilid ng luha nang bumalik ang mabigat na emosyon. Naninikip na agad ang dibdib at hindi na ako makahinga.

"Nasaan si Ryker? I-Iyong kapatid ko? Anong lagay niya?" tanong ko sa nurse. Halos higitin ang kuwelyo niya para sagutin lang ako.

Bumagsak ang tingin niya sa kamay kong nagdurugo na pala dahil sa tinanggal kong IV Fluids. Ni hindi ko napansin na dumudugo pala iyon. I can't even feel the pain of it. Manhid na ba ako? O walang wala ang sakit ng maliit na sugat na iyon sa kung anong dinadala ko sa dibdib?

"Kung titignan ka, mukhang ang dami mong pinagdaanan. Kailangan mong magpahinga." ani ng nurse sa akin. Halos magalit ako sa sagot niya. Hindi iyon ang gusto kong marinig! Kailangan kong malaman kung nasaan si Ryker!

Tumalim ang tingin ko sa nurse

Until now, I can't still accept that.... he's gone.

I refuse to consider that I really lost him. Kasa-kasama ko lang siya kagabi. Kausap na parang napaka imposible nitong mangyari.

Umungot ang pinto. Dahan dahan iyong umawang at nakita ko ang bulto ng tao na naroon sa gilid ng aking mga mata.

"R-Raiven." may narinig akong tinig na tumawag sa pangalan ko, dahilan para mahinto ang galit ko sa nurse. Napalingon ako roon.

Ruling The Last Section (Season 2- COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon