Chapter 4

193 8 0
                                    

Chapter 4:

Pogi Problem

Criziah's PoV

"Ano na?!"pasigaw ko ng tanong sa mga classmates kong hindi ako pinapansin. O sinasadya talaga nilang hindi ako pansinin kasi nga ayaw nila kong nasa room nila. And again, para namang gusto ko sa room na toh noh!

"Ang kulit mo alam mo yun? Kumuha ka nalang ng kahit ano!"sigaw nung lalaking semi-kalbo ang buhok at nakipag-batuhan na ulit dun sa lalaking nabato ng bato kanina.

Ano ba yan! Kumuha daw ng kahit ano eh upuan lang naman ang hinihingi ko. Baka kasi may may-ari na sa upuan na makuha ko kaya nagtatanong ako kung anong available na seat pero ayaw nila kong pansinin. Bakit kasi ako iniwan ni Auntie dito, yan tuloy!

Pero kumuha daw ng kahit ano-- kahit anong upuan to be specific kaya naman kinuha ko nalang ang pinaka-malapit na upuan sa akin at ibinato ko dun sa lalaking natutulog. Nainis ako kasi ang ingay-ingay na nga ng lugar nagawa nya pang matulog-- pero syempre joke lang noh. Baka di na magising yun eh. Pero seryoso, nagawa nyang matulog sa maingay na paligid? Ang galing nya naman, ganun ba sya kapuyat?

Kinuha ko nalang yung upuan na malapit sa 'kin at iniharap sa board bago naupo.

Hindi ko nalang papansinin ang ingay sa paligid, kunyari mga bubuyog lang sila na maiingay. Hindi ko nalang rin papansinin ang maduming paligid at ang mga nagliliparang kung ano-ano, kunyari mga paru-paru lang ang mga yun na hindi naman mangangagat pero kung oo, aba kahit gano pa yan kaganda pipiratin ko yan. Yun nalang.

Kinuha ko nalang ang drawing notebook ko at nag-drawing ng kung anong maisipan.

"Haaaayyy!"

Sino yun? Hindi ako yun ah. Hindi naman sobrang laki ng problema ko dahil simpleng tao lang ako, kaya hindi ako magsa-sigh ng ganun kalalim.

At saka naka-ngiti pa nga ako habang nag-dadrawing eh. In the process of thingking ng ida-drawing ko kasi, naalala ko ang magandang nilalang na nakasalamuha ko ngayong umaga. Mag-kikita pa kaya kami? Sana hindi na, baka kasi sya na ang maging basehan ko ng magagandang nilalang at hindi na ang mga bulaklak.

Anyway, back dun sa taong may napaka-laking problema. Lumingon ako sa kaliwa at sa kanan ko sya nakita, hindi ko sya napansin kanina ah.

"Haaaayyy!"buntong-hininga nya ulit at nakapangalumbaba pa sa armchair at naka-tingin sa board.

"Haaaa--"bago nya pa matapos ang buntong-hininga na yun ay tinakpan ko na ang bibig nya kaya napalingon sya sa akin.

"Tama na. Baka mahigop mo na ko nyan eh!"inis kong sabi at tinanggal na ang kamay sa bibig nya ng sinamaan nya ako ng tingin.

"Epal ka. Nage-emote pa ko dito eh."irap nya kaya napangiwi ako. Bakla siguro.

Bubuntong-hininga na naman sana sya pero pinaharap ko na sya sakin.

"Ano ba ang problema mo ha? I-share mo na nga lang sa'kin at ng matigil na yang pag-buntong hininga mo."inis kong sabi at pinipigilan ang mapa-sigaw sa sobrang inis. Naliligaligan na kasi ako sa pagbuntong-hininga nya at napaka-lalim pa. Hate ko pa naman ang mga problems lalo na kung big.

"Ba't ko naman ishe-share sayo? Hindi nga kita kilala eh."kunot noo nyang sabi at inirapan na naman ako.

"Hindi mo ba alam ang kasabihang, 'Strangers are great listeners' ?" para naman syang nakapag-isip-isip dahil sa sinabi ko kaya napatango-tango sya at humarap na sa'kin.

Section-G (On-Going)Where stories live. Discover now