Chapter 90: Romantic
“Hindi ka naman masusunog kapag pumasok ka.” Hila ko si Phoenix habang papasok kami sa loob ng church.
“I’m not a demon, Miranda,” simangot niya.
“Edi tara na. May misa, o.”
Nasa kalagitnaan na ng misa nang makarating kami kaya dahan-dahan lang ang lakad namin para hindi makaabala sa iba. Sa likod lang naman kami nakaupo. Hindi naman bored ang makinig sa homily.
“Hindi naman masama ang magpatawad. Ang masama ay iyong pinatawad mo na ang tao pero inulit niya lang ulit ang kasalanan na ginawa niya. Bawat tao ay deserves ng kapatawaran,” sabi ni Father. “Halimbawa, kapatawaran sa ating minamahal ngunit may kapalit ‘yon.”
Tinakpan ni Phoenix ang bibig ko nang mapahikab ako.
“Sa bawat pagpapatawad natin sa ating mga mahal, nababawasan ang ating pagmamahal sa kanila. Kung noon ay buong pagmamahal ‘yon ngayon ay hindi, para bang nag-iba ang pagmamahal na ‘yon dahil sa kamalian na naidululot ng taong ‘yon. Oo nga’t naka-move on ka pero hinding hindi maalis ang peklat ng nakaraan o sakit na nangyari sa ‘yo. Mananatili at mananatili ang trauma sa isip mo, ang sakit… lahat.”
May pagkakamali akong nagawa. Inaamin kong maling ipagtabuyan ko ang sarili kong ina noon. Inaamin ko ang mali na ‘yon. Kinain ako ng nagalit noong panahon na ‘yon, gustong-gusto ko siyang makita, mayakap, at mahalin katulad ng ginagawa ko kay Papa at Kuya pero dahil sa ginawa niya lumayo ang loob ko.
At kahit pilit kong sabihing galit ako sa kaniya kusang nalulusaw. Kusa ko siyang napapatawad, katulad nga ng sabi ni Father, walang perpektong tao. Normal lang sa atin na masaktan o magalit kapag may nakasakit sa atin. Sino ba sa atin ang hindi mararamdaman ang gano’n? Pero may isang tanong na naiiwan sa utak natin. Hanggang kailan mananatili ang galit na nasa puso ko?
“Nagugutom na ako.” Kakatapos lang ng misa. Nakahawak ako kay Phoenix.
“What do you want to eat?”
“Ayon, oh, isaw. Tara, bago tayo pumunta sa Tagaytay.” Pumunta ako sa bilihan ng isaw at kumuha ng dalawa sa lagayan. “Gusto mo?” Alok ko kay Phoenix.
“Of course.”
“Okay, libre mo naman ‘to, e.” Binigyan ko siya ng isang isaw. “Magkano ang calamares?”Tanong ko.
“Fifteen po.”
“Sige, dalawa no’n tapos apat na isaw. Ay, dalawa rin palang betamax.” Lumingon ako kay Velasquez. “Kumakain ka ba ng betamax.”
Umiling siya. “No.” Tumingin pa siya sa tinutukoy ko.
Ngumiwi ako. “Masarap ‘yon!” Binigay niya sa akin ang pambayad.
Isang betamax na lang ang binili ko, hati na lang kami. Nakalagay sa plastic cup ang mga binili namin para hindi kami mahirapan kapag naglalakad. Bumili rin ako ng chichirya para may kinakain ako sa eroplano kahit may nagbibigay naman.
Kumakain ako ng isaw habang naglalakad kami, gano’n rin naman siya. Hanggang sa makarating kami sa sasakyan kumakain kami. Ang arte niya, pa-ayaw-ayaw pa siya, eh, naubos niya nga. Isang kagat lang yata ang nagawa ko dahil inubos na niya. Bumili pa kami ng buko shake.
Bumalik kami sa Airport para pumunta sa Tagaytay. Naging traffic lang kaya natagalan kami. Natulog naman sa balikat ko si Phoenix, ako naman mulat hanggang sa makarating kami sa destination namin. Ginising ko lang siya para hindi na kami mahuli at hindi mas lalong abutin ng gabing-gabi sa daan.
Nang makapasok kami sa plane ako naman ang nakatulog. Kakaupo ko pa lang pero pagdating ng ilang minuto bagsak ang mata ko. Nagising lang ako dahil tinapik ako ni Phoenix at tinuro ang ibaba mula sa langit.
YOU ARE READING
The Girl in Worst Section (Completed)
Teen FictionSoon to be Published Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her previous School in her grandmother's province. She used to be expelled in every School she went to, not until her father decided that she would stud...