Wakas

139 30 45
                                    

a/n: i kept my promise VileR4ven haha!

.

Ren is my soulmate.

He was. He is. He will always be.

March, 2028

Bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa nito ang isang napakatikas na pigura ng isang lalaki.

"Daddy!"

Mas mabilis pa sa sasakyan na tumalon pababa ng kama ang maliit at limang taong gulang na si Rena. Agad itong nagpabuhat sa kadarating lang nitong ama.

Hindi ko mapigilan ang ngumiti sa sarili dahil sa itsura ng mag-ama. Twelve years ago, siguro ay hinding-hindi ko aakalain na possible pa lang maging ganito kasaya ang isang tao ―na totoo pa lang hindi impossible ang mahalin tayo pabalik ng taong mahal natin.

"Rena, Daddy is tired from work. Stop clinging onto him," sabi ko kay Rena na nakalambitin sa leeg ng asawa.

Pero parang walang narinig ang bata sa halip ay mas lalo pa itong lumambitin kasama ang mga binti sa balakang ng daddy nito.

"My babygirl is going to turn into monkey at this rate," nakatawang sabi ng lalaking pinakamamahal ko. Nagsimula siyang maglakad papunta sa akin habang nakalambitin pa rin ang anak sa kanya.

"Don't call her a monkey!" mabilis na sabi ko na ikinatawa nito.

"I'm a monkey!" biglang sabi naman ni Rena na itinaas pa nito ang isang kamay.

"Mom is a monkey too!" panunukso ng asawa sa akin na ikinahagikgik naman ni Rena. Pabirong inirapan ko ito. Sutil.

Nang makalapit ito ay ibinaba niya si Rena sa tabi ko, bago ako binigyan ng mabilis na halik sa noo.

"I got something for you," bulong niya.

Nang sabihin niya iyon ay saka ko lang napansin ang isang maliit na regalo na nakabalot sa simpleng brown paper sa kanang kamay niya. Iniabot niya 'yon sa akin.

"It's not from me," mabilis niyang sagot sa mga nagtatanong kong mga mata.

"Who...?"

"It's from him."

Tinignan ko ang anak na si Rena na naglalaro pa rin at nagpupumilit na muling lumambitin sa leeg ng daddy nito.

Maingat kong binuksan ang pagkakabalot ng regalo at inilabas ang isang libro dito. Tinignan ko ang asawa, at nakatingin din ito sa akin. Ngumiti kami sa isa't isa.

"Rena and I should go and cook dinner," sabi niya.

Umiling ako bago mas nilawakan ang mga ngiti sa labi.

"Let's all go and cook together," I sweetly said. Inilapag ko ang libro sa side table, bago yumakap rin sa leeg niya. "Buhatin mo rin ako."

"What―"

Mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi at inilapit ang bibig sa tenga niya.

"I love you."

Saglit na tinitigan niya ako, at maingat niyang niyakap si Rena na asa gitna namin nang sa gayon ay maiiwas ang tingin ng bata sa amin.

"I love you too."

Pagkasabi niyon ay naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa labi ko. Dahan-dahan rin naming isinarado ang mga mata.

It was a quick sweet kiss.

You really are my destiny.

March, 2022

the time we were in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon