Chapter 83: Wrong thoughts
Nasa cemetery ako ngayon. Dito ako pumunta para tanggalin ang init ng ulo ko. Nasa puntod ako ni Lara at nakaupo sa damuhan. Siguro isang taon na akong hindi nakadalaw.
"Alam mo, Lara, siguro kung nandito ka lang maiinis ka rin kay Iris," sabi ko habang inaalis ang mga tuyong dahon sa lapida niya. "Nasuspende ako dahil sa kaniya. Wala akong ginagawang masama sa kaniya, I mean, mayroon kaso hindi 'yong itutulak ko siya. Sinampal ko lang siya 'yon lang. Hindi ko kayang manulak ng tao, 'no. Sabi mo 'di ba, masamang gumanti at pumatol? Kaya ayon, ginagawa ko kaso ang hirap, e. Unti-unting napipigtas ang pasensya ko mabuti na lang ay nagagawa ko pang kumalma."
Hay, nakakainis talaga.
"Pero alam mo... unti-unti ko ng naalala lahat ng nangyari bago tayo maghiwalay."
Sa nagdaan na linggo unti-unting bumabalik sa utak ko ang lahat ng 'yon. Gusto kong magalit at mainis sa mga taong gumawa no'n sa amin, kung paano nila kami pinahirapan at sinaktan.
"At tingin mo, ano ang ibig-sabihin nila sa mga sinasabi nila? Ano bang mayroon? Sumagot ka naman-" Tumikhim ako. "Huwag na pala. Baka matakot lang ako."
Baka magsalita talaga siya dahil sinabi ko. Tama ng ako na lang ang nagsasalita.
"Alam mo, Lara, gusto ko lang malaman kung nasa langit ka ba ngayon? Sa dami kasi ng kagaguhan natin, hindi ko alam kung anghel ka ba ngayon," natawa ako. "Pero hindi nga, anghel ka ba d'yan?"
Sumagi na naman sa isip ko ang nangyari kanina.
"Naiinis talaga ako." Tumingin ako sa langit. "Na-suspended ako kahit wala naman akong ginagawa. Paano ko kaya sasabihin kay Momshie 'to? Baka pati siya magalit sa akin."
Ngayon ang uwi nila galing Cebu dahil sa susunod na bukas, birthday na ni Kuya. Malapit ng mag undas, may mga dadalawin na 'yong mga na-ghost.
"Darlene." Napatayo ako.
Akala ko kung sino, akala ko may tumawag na sa akin mula sa hukay. Napatayo tuloy ako nang wala sa oras.
Si Phoenix nandito, naglakad siya papunta sa akin.
"Hoy, paano mo nalaman na nandito ako?" Tanong ko nang makalapit siya.
"I can track you."
Ay, oo nga pala. "Pauwi na ako. Dapat hindi ka na pumunta dito."
"No, I want to go here. Someone's following you."
Tumingin ako sa kaniya. "Sino?"
"I don't see the face, but that person is looking at you directly. Tumatawa pa nga, e."
"Sino kaya 'yon?" Kumunot ang noo ko.
At tumatawa pa talaga, ah?!
"We'll find out soon," aniya. "Everyone's looking for you, Miranda." Hinawakan niya ang kamay ko. "I really thought that you have a gun. But, I'm proud, damn how badass, baby. Even if it's just a toy."
"Thought mo lang 'yon. Ginaya ko 'yong ginawa mo noong nasa elevator tayo. Hehe," mahina akong tumawa. "Pero naiinis talaga ako."
"Who will not be? Anyway, let's go?"
Nagpaalam muna ako sandali kay Lara bago kami dumiretso sa sasakyan na dala niya. Nang makasakay kami ay agaran siyang nagdrive papunta sa mall.
Mga hamog talaga ang mga 'to, mga hindi nag-si-pasok! Gulat pa ako kasi kumpleto silang mga timang sila.
Dumaan kami sa mga bilihan ng damit at dumiretso sa mga suit. Invited pala sila sa birthday ni Kuya kaya ayan, bumibili.
Nakaupo naman ako sofa habang hinihintay sila.
YOU ARE READING
The Girl in Worst Section (Completed)
Teen FictionSoon to be Published Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her previous School in her grandmother's province. She used to be expelled in every School she went to, not until her father decided that she would stud...