"Elena! Gising na! Naghihilik pa yang pwet mo!" Naramdaman ko ang pagpalo ni Mommy sa pwet ko.
"Array! Mommy naman! Antok pa ako eh!" Reklamo ko and I buried my face on my soft pillow.
"Male-late ka na sa school mo, babae ka!"
"Kailangan nakasigaw talaga, Mom?"
"Nasa baba na kuya Ian mo, mahiya ka naman kung paghihintayin mo yung tao!"
"Huh?" Agad akong napabalikwas ng bangon. "Si Ian nasa baba na po?" Napatingin ako sa orasan. Oh, male-late na ako!
Umangat ang kilay ni Mommy na nakatingin sa akin ngayon. "At nasaan ang kuya bago ang pangalan ni Ian?"
"Tss. Sorry. Hindi nga po Mom, naghihintay na sa akin si kuya Ian?" Akala ko kasi hindi siya pwede today.
"Oo kaya bilisan mo! Pambihira ka! Lagi mo na lang kaming pinapahiya sa kuya Ian mo dahil diyan sa ugali mo. Kung bakit naman kasi inobliga mo pa yung tao eh, andiyan naman ang Daddy mo." She snarled at me pero tumalikod na ito at lumabas na ng kwarto ko.
Napatulala ako saglit. Bakit ba nitong mga nakaraang araw nag-iiba ang tibok ng puso ko pag nababanggit ang pangalan ni Ian. Ang weird. Hindi naman kasi ganito noon.
Yeah, mula nang aksidenteng dumampi ang labi nito sa akin ay nagrigodon na ang puso ko. Kasalanan naman kasi ng biker!
Muntik na kasi akong mahagip, buti na lamang at nahablot agad ako ni Ian at agad na niyakap. Kaso nawalan kami pareho ng panimbang kaya nabuwal kami.
Napatihaya ako sa Bermuda grass at si Ian naman ay napaibabaw sa akin. At yun na nga.
Pag-angat niya ng mukha, nahalikan niya ako ng hindi sinasadya. Dampi lang naman iyon. As in dampi lang.
Pero mula noon, nagbago ang tingin ko sa kanya. Alam kong gwapo ito at matipuno pero mas na-appreciate ko na ngayon ang kakisigan nito. Dati kasi di ko pinapansin, eh paano, panay asar ang ginagawa sa akin kaya ayun lagi akong bana sa kanya. Pero nang mangyari ang pagdampi ng labi nito sa akin, may kilig akong nadama.
"Haiisst!" Snabunutan ko ang sarili kong buhok. "Erase, erase, erase." Umaaksyon akong nagbubura sa hangin. Hindi ko pwedeng panpantasyahan ito dahil magkapatid ang turingan naming sa isa't isa.
"Elena!" Tili ulit ni Mommy.
"Bababa na!" Ngek, maliligo pa nga lang ako eh. Mabilis akong tumayo at naghanda na sa aking pagligo.
Pagkatapos kong makaligo, pinatuyo ko ang aking buhok na hanggang balikat. Ayaw ko sana na ganito kahaba pero si Mom and Dad ay naghuhurumintado sa balak ko sana noon na pagupitan ang buhok ko ng mas maikli.
Tinignan ko ang mukha ko sa salamin. Ang empty. Walang kadating-dating. Walang kolorete at walang kasosyalang taglay.
Perfect!
Mas gusto ko ang ganoon. Ang mga tita ko at mga kaibigan ay ipinagpipilitan talaga sa akin na ako daw ay isang magandang babae. Perpekto daw ako. May maamong mukha. May tangkad na maipagmamalaki. At may bulas ang katawan.
Tss.
Saan nila nakita yun? Mga baliw.
I looked down at my chest. Yeah. Kahit anong ipit ko, bumabakat talaga ang dibdib ko. And I'm just effing sixteen years old! Damn it!
"Dianarah Elena Joy!" Tili ulit ni Mommy.
Patay. Buo na ang pangalan ko. Ibig sabihin galit na talaga ang aking ina.
Agad kong kinuha ang aking mga gamit para sa eskwela. Kung bakit naman kasi kailangan pang magpalda. Buti na lang at pinahabaan ko ang tabas nito na lagpas tuhod at ang blouse ko ay maluwag kesa sa karaniwan.
BINABASA MO ANG
The Gentlemen Series 3: Ian, The Hunk Model
RomanceTomboy ako. Yun ang sabi nila. Dahil sa kilos lalake ako, at sa klase ng pananamit ko. Well, their opinions don't matter, really. Komportable ako sa ganitong ayos, may magagawa ba sila? And besides, mas gusto ko na ang ganito para naman walang magka...