CHAPTER 28

41.5K 1.2K 140
                                    

Chapter 28




Dareen Pov

Lahat nang nalaman ko from Tita Bienvineda hanggang ngayon na patungo kami sa bahay ni Chiara ay pilit ko pa rin iyong sini-sink in sa utak ko. I want to thank Tita for telling me the truth but at the same time parang gusto ko na wag muna iyon malaman.



Konting saya-saya pa nga ang nararanasan ko with Rap but here I am right now. Trying to fix my broken womanhood. Kidding. I'm trying to coax my aching and bleeding heart.



Rap was married. Rap had a wife. Rap almost have a child. If his wife didn't die then it would be a great family. Sa iniisip ko. Napapatanong na naman ako. Kung nabuhay lang sana ang asawa at anak niya. Would he be a great father? Would he be a good husband? At sa mga tanong ko ang utak ko lang din ang sumagot doon. Of course, he would be a great husband and a father.

Sa mga senaryong pumapasok sa isip ko parang isa-isa ay may karayom na tumutusok doon sa puso kong marupok. It hurts. It damn hurts!

Muling pumasok sa isip ko iyong panahon na sinabi niya sa akin na galit siya sa mga kagaya ko. Walang inhibasyon niyang sinabi sa akin iyon. Walang pagdadalawang isip at sinabi niya talaga iyon sa pagmumukha ko. Now, I know why.  Now, I know, kung bakit di niya pinapahawakan ang mga paintings niya. Ayaw niyang may gumalaw sa gawa ng asawa niya.

Thinking about the time we spend together. Iyong halikan namin, iyong yakapan namin, iyong mga landian namin, iyong mga masasayang oras ko na kasama ko siya... lahat ba ng iyon wala lang sa kanya?



Sinasakyan lang ba ni Rap ang kalandian ko sa kanya? Hindi ba siya nandidiri sa akin? Hindi ba siya nandidiri kapag tapos na kami? Hindi ba niya ako sinusumpa kapag tapos na kami? Kapag ba naghahalikan kami ako ba ang iniisip niya? Ang ang mas masakit na tanong. Totoo ba ang ipinapakita ni Rap sa akin? Or did he do all of those things to tame me?

Tapos sinabi pa sa akin ni Tita Bienvenida na iyong initial na letter 'R' sa mga paintings ay initial pala iyon sa pangalan ng asawa ni Rap na si Rhian. Bagay na bagay pala talaga sila. Same initial pa ang pangalan nila.

Despite of what I'm feeling sumama pa rin ako dito sa bahay nina Chiara. Ano rin naman ang gagawin ko doon sa bahay ni Rap? Magmumukmok? Iiyak? Mags-self reflect? Tsk! Di iyong bagay sa ganda ko!

"Dareen, we're here. Look. Our house is verrryyy beautiful, right?" Kilabit sa akin ni Chiara sa tabi ko. Napasilip naman ako sa bintana at napatango. Ang ganda nga noong bahay din nila kaso lang wala akong oras ngayon na i-admire iyon. My mind was full of hurtful thoughts. Di ako marunong mag-appreciate ngayon dahil sa nararamdaman ko na naghahalo.

Bumaba kami ni Chiara sa sasakyan ni mother-in-law. May bumukas sa gate na isang maid at binati agad si mother-in-law n'on at si Chiara pero dahil ma-attitude ang kaibigan ko di nagkibit lang iyon ng balikat niya. Nasa dugo na talaga nila siguro iyon.

Pagpasok namin sa bahay nila. Agad na sumalubong sa amin ang pamilya ni Chiara. May babae na nakaupo sa wheel chair at karga ang isang sanggol sa kamay niya habang nagpapa-breast feed. Si Ralph naman ay siyang tumutulak sa wheel chair noong babae na hula ko ay asawa niya.

"Mommyyyyy!!!" Tumakbo si Chiara doon sa Mommy niya at nahuhula sa tuwa ang kanyang Mommy. Yumakap lang si Chiara sa kandungan ng Mommy niya dahil may karga itong bata.

"I miss you so much Chiara!" saad naman nang Mommy ni Chiara.

"Mommy, Dareen." tawag naman ni Ralph sa amin. Lumapit si Ralph kay mother-in-law at humalik sa pisngi. Saka naman bumaling sa akin si Ralph. "Dareen, welcome to our home."

[MUS2] Taming In The Wild|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon