Chapter 105: Revelation
Nasa mall ako ngayon para kitain ang nag-text sa akin. Nagdadalawang isip pa ako pero mas pinili kong pumunta. Kahit na may parte sa akin na huwag gawin, pero ginawa ko dahil gusto ko talagang malaman ang totoo.
Dapat nasa bahay ako para hintayin si Mama dahil ngayon ang uwi niya. Dapat rin kasama ako sa pagpapacheck-up kay Ate Anya ngayon kaso napilitan akong pumunta sa mall.
Napapansin ko rin ang pagiging seryoso ni Darius palagi. Pinapalayo niya ako kay Phoenix. Tinanong ko kung ano'ng dahilan pero ayaw niyang sabihin at parang nagdadalawang isip pa siya.
"Layuan mo nalang siya, Darlene, please... I'm just saving you..." halos pabulong niyang sabi. Nakatingin siya sa akin. "Ayokong masaktan ka sa kaniya."
"Hindi niya ako sasaktan, Darius," umiling-iling ako. "Hinding-hindi..."
Hindi niya ako nagawang masagot. Inalis niya ang tingin sa akin.
"Hindi ka nakakasigurado, Darlene." Iniwan niya ako.
Hindi ko na alam ang dahilan kung bakit niya gusto ipagawa sa akin 'yon.
At tuwing lunch time parang ayaw niyang kasabay ko si Phoenix. Tahimik pa rin sina Dash. Parang hangin lang ako sa kanilang lahat. Para bang ayaw na talaga nila ang nakikita ako. At kahit gano'n... nasasaktan ako sa pakikitungo nila.
Para akong dinudurog sa bawat malalamig nilang tingin sa akin, sa paraan ng pakikipag-usap nila. Parang hindi nila ako kilala... ang hirap dahil parang pinaparamdam nila sa akin na, ayaw nila akong makasama. Na ayaw na nila sa akin.
Konting tiis lang naman... kung ayaw nila akong makita... okay. Handa akong umalis kung 'yon ang gusto nilang lahat. Hindi ko ipipilit ang sarili ko sa kanila.
Papayag ako kay Mama kung sakaling pumunta kaming Spain. Bibigyan ko sila ng oras sa mga bagay-bagay at kung may nagawa man akong mali, hihingi ako ng sorry para hindi kami ganito palagi.
Kaya rin ako um-oo baka sakaling sabihin nitong nag-text sa akin ang dahilan kung bakit gusto akong palayuin ni Darius kay Phoenix. Kating-kati na akong malaman kung bakit ba ganito ang inaakto ng mga 'yon.
Nakakasawa nang mag-isip kung ano ang mali na nagawa ko.
"Miss Darlene," tawag ng isang tauhan na kasama ko.
"Dito na lang po kayo. Saglit lang po ako." Tumango naman sila.
Nasa resto nag-hihintay ang nag-text sa akin. Pumasok ako sa loob at inikot ang paningin. Naka-red daw siya, e, kaso ang dami nilang nakapula! Sino sa kanila ang nag-text sa akin?
Pahihirapan pa ako.
"Darlene." Lumingon ako sa kaliwa at nakita ko si Iris.
Ano'ng ginagawa niya dito? Bahagya pa akong napatigil.
"Ikaw? Ikaw ang nag-text sa 'kin?" Lumapit ako kung nasaang table siya.
Tumango siya. "Yeah, have a seat."
Umupo ako sa harap niya. "Ano na naman ba ang gusto mo?"
Kung siya lang pala ang makakasama ko sa iisang table na 'to, mas mabuting umuwi na lang ako. Sa dami nang ginawa niya sa akin. Hindi ko alam kung kaya ko ba siyang kasama ngayon. Ni hindi ko alam kung dapat ko ba siyang kausapin ngayon.
"Alam mo kung wala kang sasabihin, aalis na lang ako." Hinawakan niya ang palapulsuhan ko bago pa ako makatayo.
"You're clueless, right? About their actions," aniya. "Kapag nand'yan ka sa paligid ay parang ang galing nila mag-pretend."
YOU ARE READING
The Girl in Worst Section (Completed)
Teen FictionSoon to be Published Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her previous School in her grandmother's province. She used to be expelled in every School she went to, not until her father decided that she would stud...